Chapter 5: Apothecary
Sinamahan ako ni Ms. Laura sa unang araw ko sa apothecary, which was basically the place kung saan ginagawa ang mga gamot na ginagamit sa mga hospitals and medical facilities sa bayan. It looks like a small mansion with several towers and a wide garden. There's a nearby forest with running stream, greenery and a fully functioning greenhouse.
Pinakilala niya ako sa mga taong nagt-trabaho at namamahala sa lugar. Some of them were still wary of my presence, though they tried not to show it. Naiintindihan ko sila. Kung ano ang nasa posisyon nila, magaalangan din akong tanggapin ang tulad ko.
There was someone, Anabeth, who's the same age as I am. Isa siya sa pinakabagong staff ng apothecary, hired three months before me. Karamihan sa mga staff ay may edad na. Sa kanya ako iniwan ni Ms. Laura bago nagpaalam.
"Ang bait niya, 'no?" sabi ni Anabeth habang pinagmamasdan namin si Ms. Laura papunta sa naghihintay na sasakyan sa labas ng apothecary. The entire compound was located at the outskirts of town at malayo sa iba pang bahay o establishment. It was needed para maprotektahan ang mga halaman at mga gamit, at malapit sa natural resources tulad ng gubat o ilog.
"Alam mo ba, she's not only the wife of the alpha, she's the mate. How cool is that? Sa panahon ngayon, legend nalang ang pagiging mate." She looks at the driving car with admiration. "Ang ganda-ganda ng love story nila. 'Yong tipong hahamakin ang lahat."
Kinikilig pa siya habang pabalik kami sa loob ng tower. The entire brick building and its connecting towers were covered in evergreen vines. Mukhang luma ang lugar kung tutuusin, tahimik at payapa.
"Ilang taon ka na Eleanor?" bigla niyang tanong sa'kin, humarap siya habang naglalakad kami sa mahabang hallway.
"Twenty one years old," sagot ko. It was the only few things I was aware of about me.
"You're older than me. Twenty palang ako. At wala ka talagang surname?" Anabeth has this wide, curious eyes and long sandy hair na naka-braid hanggang sa balikat.
"Yes." I was removed of my identity once I was sold from people to people.
"That's kind of cool too," she muttered. "Like you can be anyone you want without the expectation that comes with your name. Ako kasi, expected na dito magt-trabaho kasi galing ako sa family ng mga manggagamot. Kilala mo si Uncle Sebastian?"
"Si Sir Sebastian, yes, I've met him."
"Well, he's my uncle and he's also the beta. Pero magkakaroon ng transition this year since twenty one na si Sir Zackary. Hindi ko lang alam kung sino ang magiging beta niya. Sabi ko nga, anak nalang ni uncle ang gawing beta but Vincent is only a toddler." Natawa siya sa naisip at naglakad muli.
Narating namin ang pangatlong palapag kung saan makikita ang mga tinutulyan ng mga staff. Bawat staff may sariling kwarto and everyone seems to value their privacy... except for Anabeth.
"Kung may kailangan ka nasa kabilang kwarto lang ako. Okay lang naman bisitahin kita paminsan-minsan, no? Buti nalang talaga may kasama na ako dito." Lumapit siya sa'kin at bumulong. "Susungit kasi ng mga matatanda dito." Saka siya natatawang pumasok sa sarili niyang kwarto.
Anabeth wasn't only a breath, she was a knock of fresh air. I've never met someone na ganoon kalayang magsalita. Kung anong pumasok sa isip niya, sinasabi niya.
Ilang segundo din ang lumipas bago ako pumasok sa kwarto ko gamit ang susi na binigay sa'kin ni Ms. Laura. It was my first time to have a place than I can call my own. The room was way more decent kumpara sa mga lugar kung saan ako natutulog noon. Sa kulungan, sahig, sa kusina, sa labas. May mga oras na mas maganda pa ang tinutulugan ng mga alagang hayop sa'kin.
BINABASA MO ANG
Never Be Tamed
FantasyEleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. But with her past traumatic experiences haunting her, restarting on her own isn't as easy at it look...