Chapter 34: Gloom
Before leaving the village that afternoon, isang magulang ang lumapit sa'kin at niyakap ako, thanking me for treating her child. Kahit ilang beses ko na itong nagawa sa Van Zanth, naninibago parin ako tuwing may magpapasalamat sa'kin, sa halip na isipin na trabaho ko ito at inaasahang gawin.
Hindi ko napigilan ang maliit na ngiti na sumilay sa labi ko nang bumalik ako sa grupo na naghahanda para sa pagalis. Buong araw na silang wala sa mood dahil sa pagtagal namin sa village. They were casting glares at my direction specially when the residents seem to approach me more.
Matapos mag-empake ng mga dalang gamit, nagpaalam kami sa mga residente at sa village leader. Hinatid kami ng ilan hanggang sa bungad ng daan na tatahakin namin pababa ng bundok. Muli naming tinahak ang maputik na daan dala ang aming mga gamit, habang nasa unahan ang grupo ng mga elites, leading the trail since they were all aching to leave.
Habang naglalakad sa hulian ng grupo, bumalik sa isipan ko ang mga narinig ko kanina. Pilit ko itong pinagsawalang bahala at tinuon ang atensyon ko sa paggamot ng mga residente buong araw. But now that we're heading back, their words slowly crept into my head, spreading like wildfire.
She's seducing the alpha...
Am I really using Zackary? Natatakot ako na maaaring totoo ang kanilang sinasabi at hindi ko lang ito nakikita sa aking sarili. Am I really as bad as they thought I am?
Rebecca... siya ba ang babaeng minahal ni Zackary?
Malapit na kami sa paanan ng bundok kung saan kami nagkita-kita kaninang umaga nang lumapit sa'kin ang isa sa mga elites. I've never learned their names dahil hindi kami nagabalang ipakilala ang mga sarili namin sa isa't isa. But from their conversation, I knew her name was Lilian.
Hindi ko mapigilang mangamba nang lumapit siya since most of the group were already ahead of the trail. Nakangiti siya nang huminto sa harapan ko, a pleasant smile. Umatras ako ng isang hakbang mula sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay nang mapansin ito. But her smile didn't falter.
"I'm not gonna eat you up," she told me. "We're just thinking of inviting you to celebrate with us tomorrow since this program was held successfully."
"It's okay..." I mumbled. "You don't have to invite me..."
Hindi niya napigilan ang irap sa kanyang mga mata. "It's not like we want it to be honest with you. But you came here with us so it's basic camaraderie. I know you find us annoying but we know how to pay gratitude."
"Thank you... but I can't..."
"It's gonna be held at my house," she stated, not minding my statement. "I'll just send a car tomorrow, okay? We've worked hard today so don't miss it... and dress casually since tayo-tayo lang naman."
Muli siyang ngumiti bago naglakad pabalik sa grupo.
Pagdating namin sa ibaba ng bundok, the helpers were already lifting things to the waiting cars. Nawalan na ako ng pagkakataon na kausapin silang muli nang magkanya-kanya na silang pasok sa sasakyan. I was ushered to the same car na sumundo sa'kin sa apothecary kaninang umaga.
Habang nasa byahe pabalik sa bayan, naisip ko ang alok nila. A celebration for tomorrow. Umiling ako at pilit kinalimutan ito. Hindi ko kailangang pumunta.
I woke up with a heavy feeling the next day. It was like tiredness had silently blanketed my body and took over last night. Mabigat ang katawan ko nang bumangon para magbihis at bumaba sa hall para mag-agahan.
Kahit ang ibang mga staff ay napansin ang maputla kong mukha. Someone suggested I should take the day off and rest dahil panay ang alis ko para sa field work nitong mga nakaraang araw, but I still have reports to do at the tower at hindi pwedeng pareho kaming wala ni Anabeth para tapusin ito.
BINABASA MO ANG
Never Be Tamed
FantasyEleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. But with her past traumatic experiences haunting her, restarting on her own isn't as easy at it look...