Chapter 48: Courage
Mate.
Nanatili ang salitang ito sa aking isip. Pero hindi maaari ang sinabi ni Zackary. How can someone like me be the alpha's mate? I was not strong enough or came from a high profile family. I was stranger in this place just months ago.
And Rebecca... alam ng lahat kung sino si Rebecca sa bayang ito. Hindi ko mapapalitan o mapapantayan ang isang tulad niya. Maaaring nagkakamali si Zackary.
Kinabukasan, isa sa mga staff ang naghatid ng agahan sa aking kwarto. Tinanong ko siya kung kailan ako maaaring makalabas ng hospital. Pero ayon sa kanya, kailangan ko pang manatili ng ilang araw para mabawi ang aking lakas.
Laking tuwa ko nang bisitahin ako ni Anabeth at Zanra bandang hapon. Matagal na din mula noong nakita ko silang magkasama. Dala nila ang ilang tangkay ng yellow tulip na nakabalot sa papel pagpasok sa kwarto ko.
"How is our selfless Eleanor?" tanong ni Zanra bago umupo sa isang bakanteng silya.
"I'm okay," I answered, managing a smile. "I'm glad you came to visit."
"My brother is seriously making a big deal of who can visit you," komento ni Zanra. "But I can't blame him. After what happened, he didn't want to take risk."
"Pero okay lang ako dito. Ligtas ako sa hospital," paliwanag ko.
Abala si Anabeth sa pagpapalit ng mga bulaklak sa vase nang bigla siyang magsalita. "Makakaya mo ba ang sarili mo kapag biglang bumisita ang council dito?" Humarap siya sa'min hawak ang glass vase na puno ng yellow tulips saka pinatong ito sa mesang katabi ng aking higaan.
"May dahilan ba para bisitahin nila ako?"
Umupo si Anabeth sa silya sa tabi ni Zanra at pareho nila akong pinagmasdan. "Because Zackary, our alpha, had recognized you as his mate."
Muli ko nanamang narinig ang salitang 'yon. Pagaalinlangan ang dulot nito sa'kin. Mas natatakot ako sa magiging epekto nito kay Zackary kesa sa nararamdaman ko.
"Hindi ito para sa'kin..." Tama si Zackary. Masyado pa akong nangangamba para makita ang totoo, para maramdaman ang kanilang sinasabi.
"Eleanor." Batid ni Zanra ang takot na nararamdaman ko. "Both of your actions were enough evidence, and it gets harder and harder not to notice."
Tumango si Anabeth, sumasang-ayon.
"Just think of it this way, Eleanor," dagdag ni Zanra. "Rebecca was also part of the incident, the woman who everyone believed was the mate. Pero sino ang pinuntahan ng kapatid ko? Sino ang dahilan kung bakit nawalan siya ng kontrol dahil sa matinding galit nang makita kang duguan?"
"At alam ito ng lahat ng taong kasama sa insidente," said Anabeth. "As much as they were confused, they've felt it too... that you are no ordinary resident in this town."
Hindi ko magawang sumagot o tingnan nang deretso ang kanilang mga mukha. Isang bagay ang pilit pumapasok sa aking isipin. "Ang mga magulang mo..." tahimik kong tanong kay Zanra. "Alam ba nila ang tungkol dito?"
Ms. Laura and Sir Zander... naging malaking dahilan sila kung bakit nagawa kong manatili sa Van Zanth. Hindi ko sila gustong madismaya sa'kin.
Maging si Anabeth at humarap kay Zanra, interesadong malaman ang sagot. "Matagal din nilang pinaniwalaan na si Rebecca ang mate ng kapatid mo, hindi ba?"
Zanra pursed her lips for a second, tila nag-iisip kung paano sasabihin ang mga bagay sa kanyang isipan. Matapos ang ilang segundo, isang buntong hininga ang lumabas sa kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
Never Be Tamed
FantasyEleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. But with her past traumatic experiences haunting her, restarting on her own isn't as easy at it look...