Chapter 17

22 4 0
                                    

WE WERE ABLE to relax the remaining days of our trip at ngayon, heto na naman ako sa condo ko at nag-aayos ng gamit sa maleta. Susuduin daw ako ng magaling na lalaki at pupunta rin dito sina Bri para mag-dinner.

"Oh, ba't ganyan mukha mo, girl?" bungad ni Jonna sa akin. Si Bri lang ang kasama niya at wala si Nat. Anong nangyari r'on?

"Saan si Nat?" bungad ko sa kanila.

"Mahuhuli raw siya dahil kinausap pa ng parents," tsika ni Bri sa akin.

"So, bakit ka nag-eemapake?"" malisyosong tanong ni Jonna. "Don't tell me you're going to another trip? Two days na lang back to class na tayo, Issabella. Don't try me," tuloy-tuloy na sabi niya. Praning talaga kahit kalian, Dios ko.

"G*ga, I'm moving out. Can you believe it?!" Ugh!

"Where then?" Si bri naman ang nagtanong.

"Bagong bahay." I rolled my eyes.

"Ang sabi ko where, not what. Issabella, 'wag tanga," natatawang saad ni Bri.

"Live-in."

"What the f*ck!" gulat na daing niya. "Live-in na kayo ni Sean?" she asked again and I nodded.

"Why are you not happy about it?" tanong ni Jonna.

"T*ngina. Napakalayo no'ng bahay sa Katipunan." I sounded tired. Well, hell yes. I am. Iyong jetlag ko, sis!

"Ayieee! At least kasama mo na si bebeloves," pang-aalaska niya. "Ikaw ba ang nag-suggest?"

"No." I sighed. "His parents. Para daw sa election ni Tito." Sabay-sabay na lang silang tumango at hindi na rin nagtanong.

Nagluto lang sila ng Chicken Wings at nag-padeliver na lang ng pizza at pasta. Maya-maya ay narinig ko ang phone ko na nag-beep. Kinuha ko iyon then I checked it.

"Off the road, Love," text ni Sean. Napangiti ako. I love him pero ayoko pa rin mag-live in. Its not practical.

"Drive safe, Babe. Here sina Jonna," I texted him back. I put my phone in the kitchen counter para tulungan sina Bri magluto.

Wala si Kuya. Pumunta sa Baguio dahil may case daw siya roon. Para ngang tanga, hindi na siya tumatanggap ng kaso don pero tinanggap niya ang case na iyon.

May biglang nag-doorbell. Mga ten minutes pa lang silang nagluluto at naghahanda na sila ng alak. Wala pang pasok bukas kaya nomi well ang mga gaga.

"Bri! Pakuha ng grab!" sigaw ko galing sa kusina. "Nasa table 'yong pera. Sabihin mo sa rider keep the change!"

"Ay, wow! Yayamanin. Keep the change." She giggled, I rolled my eyes. Wala akong narinig na pagsara ng pinto kaya sinilip ko sila.

"Ay, hindi pala grab." Rinig kong bulong ni Jonna. I looked at the guy na kasama si Nathalie.

"Pasok ka," pag-aanyaya ko. Ano yon? Bigla na lang may susulpot na lalaki? Hindi man lang nagsasabi?

"Excuse us, Mister. Kakausapin ko lang si Nat," pagpapaalam ko sa lalaking kasama ni Nat at hinila ko si Nathalie papasok sa kuwarto ni Kuya.

"Ano yon, Natalie?" iritadong tanong ko.

"Huwag naman nating iwan 'yong lalaki, Bella." She was supposed to get out of the room.

"Kaya ba ayaw mong sumama sa amin tuwing hapon, ha?" I asked her that which made her stop. "Natalie, answer me!"

"I can do whatever I want! Its my life, my Decisions and you have nothing to do with it," she hissed.

Forever Will be Mine (Montemayor Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon