Chapter 7

38 6 0
                                    

"WHAT THE- TOTOO?" His lips parted.

"Totoo?" I mocked him. "Ah... ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya.

"Ay, siyempre gusto ko." He smirked.

"'Wag ka namang speed. Hindi pa tayo, ha! Pinapayagan lang kitang manligaw, ha! P*nyeta ka! Hindi ko naman alam na Garcia ka pala." Pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"At hindi ko rin naman alam na Montemayor kang hayop ka." He looked surprised. Nanlaki ang mata niya after ma-realize ang nasabi niya. "Sorry, na-carried away ako," nakahibing saad niya. I chuckled. His charisma is unique. You can't resist it.

"Bye na. Hinihintay na ako ni Kuya, mwa." I made a flying kiss habang naglalakad palayo sa kanya. Landi, Bella!

"Bye, Love!" sabi niya. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya.

"Hoy! Anong love?" Umirap ako. Nanlaki ang mata ko nang inirapan niya rin ako pabalik. Anak ng!

Pagdating namin ni Kuya sa unit ko ay nag-aya siya na magmeryenda. Tinanguan ko lang siya at pumasok na ako sa kuwarto ko para mag-shower at magpalit ng damit.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita kong nagluluto si Kuya. Nagluto ata siya ng Kikiam? Nilapitan ko siya para masigurong kikiam nga. Kumuha na rin ako ng isa. Pinitik naman ni Kuya ang noo ko. Binelatan ko siya at binuksan ko ang TV.

"Kuya," tanong ko habang nanunuod ng movie. Kasama ko siyang nag-momovie marathon. Crash Landing on You ang pinapanood naming. Akalain mo 'yon? Napapapayag ko si Kuya na manood ng romance at Korean drama pa!

"Hmmm?" He's not giving a single glance at me. Tutok na tutok siya sa pinapanood namin.

"Kailan mo balak ipatayo 'yong firm mo- este firm natin."

"Pagtapos ka na mag-Law School," mabilisang sagot niya, like it was so easy to decide.

"Ha? Six years pa bago ako makapagtapos! Ayaw mo na ba mag-start agad?" Parang hinihintay ata talaga ako nito.

"Kailangan ko pang magtrabaho sa company. Saka hindi pa matunog ang mga pangalan natin." He chuckled.

"Do you have a case?" curious na tanong ko.

"Sa tingin mo, meron?" He sounded so sarcastic. Tumango na lang ako at hindi siya pinansin. Nakadalawang episode kami at pagkatapos ay pumunta na ako sa kuwarto para ituloy 'yong paper ko na due na next month kaya kailangan ko nang gumalaw.

"Bella." Kumatok si Kuya sa pintuan ko.

"Come in." Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto at umupo sa couch.

"Eat dinner na," pag-eencourage niya sa akin pero wala akong gana kaya hindi ko na lang siya pinansin.

Tumingin siya sa laptop ko. Wala siyang alam sa paper na ginawa ko kasi hindi naman siya sa Ateneo grumaduate, sa SLU siya nag-Pre-Law.

"I'm full. I don't want to eat dinner," sabi ko habang patuloy pa rin ako sa pag-tatype.

Itong si Tanga, inilapit ang tray at umupo sa kama at sinubuan pa ako. Ako naming wala sa hulog at ngumanga naman. Napahinto ako sa pag-tatype nang ma-realize ko ang ginawa naming ni Kuya.

"Ano? Magpapatunog pa ba ako? Para naman akong g*go, no'n?" He was just teasing me.

"Who cooked this? Hindi masarap. Hindi ka ganito magluto," reklamo ko.

"Si Daddy. Lagot ka isusumbong kita," pananakot niya while he's scratching his head lightly.

"Ha? Paano mo nakuha 'to?" I was so confused.

Forever Will be Mine (Montemayor Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon