Chapter 4

52 7 0
                                    

"HMMM WHAT?" I asked him.

"It is actually a good question. Of course, yes. May mga feelings ako for a girl na I cannot control, like if they send me a message. My hand just automatically replied to their messages. It's just a matter of keeping patience with your partner. Learn to look at both sides. Don't be selfish. 'Pag nagseselos ka, don't always conclude, don't always assume. There are so many don'ts and shouldn'ts. Pero you need to find yourself first before going into a relationship. Because, paano mo siya mapapahalagahan kung hindi mo pinapahalgahan ang sarili mo? You should always be understanding if they are having a hard time," pagpapaliwanag ni Kuya.

"Ahh..." I didn't realize na I was already spacing. "I wasn't always like this," pagkukuwento ko. Kuya's words like opened my eyes to reality.

"Tama na realtalk, Bunso. Matulog na tayo." He chuckled. "Good night."

"Good night," bati ko pabalik.

Hindi ako agad nakatulog dahil sa sinabi ni Kuya. It haunted me. What if I really did like Sean? Hindi ko lang naiisip dahil there is too much on my plate sa school?

KINABUKASAN AY NAPILI lang namin na magchill at pumuntang mall. Nagrereklamo ako dahil naubos ang ipon ko sa perfume. So, I begged Daddy na bilhan ako.

"Ang spolied mong hayop ka," bulong sa akin ni Kuya.

"Inggit ka lang," bulong ko pabalik. So, para naman hindi siya mukhang kawawa at pa-thank you ko na rin kay Kuya, I gave him Fifty dollars para sa kung anomang gusto niya. Pucha! Dapat ako nga binibigyan niya. Siya na nga lang nakikitira sa condo ko! Chos.

For lunch, we just ate at In and Out and I storied a picture of myself. Ang inilagay ko sa caption ay 'missing someone.' Actually, I miss Sean being the corny person he was, always hitting me with his jokes while we were together.

"Ehem. Nakita ko story mo," sabi ni Kuya habang um-oorder kami ng food namin pati kina Mommy.

"Soo? Bakit ba? Eh, I miss someone," pagtataray ko. Lahat na lang talaga napapansin nitong magaling kong kapatid.

"Yieee, miss niya na si Sean." He smirked and teased me. I just chuckled and got the tray to the table. Self-serve kasi rito.

While we were eating, Na-hot seat na naman ako ni Kuya.

"Mom," pag-uumpisa ni Kuya.

"Yes, Lucas?"

"Pa'no kayo mag-rereact 'pag nalaman niyong may boyfriend na si Bella?" He's hiding a smirk while drinking water. Masamid ka sana.

"So, she has a boyfriend?"

"Uh... I mean, mo-" Hindi na siya nakapagpaliwanag dahil pinutol agad ni Mommy ang sasabihin niya.

"I'm asking you again, Lucas. Does she has a boyfriend?" She asked more seriously. Ako naman ay nakararamdam na ng takot at kaba dahil baka ilaglag na naman ako ni Kuya. Delikado pa naman kapag ganitong seryoso na magtanong si Mommy.

Tumingin sa akin si Kuya, so I glared at him. Lumipat ang tingin niya kay Mommy na litong-lito na sa aming dalawa ni Kuya.

"Ay, Mom, wala pa po. I'm just asking what if, what would be your reaction?" paglilinaw ni Kuya. Daddy on the other hand ay nagpipigil ng tawa.

"Uh... I'll accept him, but there is one condition if ever she had a boyfriend na. She needs to be responsible for whatever she's doing. 'Pag bumagsak siya, hindi ko siya sasaluhin." My mom said in a stern voice. Pucha! Napalunok ako doon.

Tumango-tango naman sina Kuya at Daddy na parehong sumang-ayon sa sinabi ni Mommy. Ako rin naman ay sumasang-ayon sa sinabi ni Mommy. May point naman siya. Pahamak lang itong si Kuya, eh. Baka akalain nina Mommy, naglilihim ako sa kanila at baka may boyfriend na talaga ako. Sana nga, mayroon. Kaso wala.

Forever Will be Mine (Montemayor Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon