Chapter 8

33 6 0
                                    

"So, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Sa Dapitan," maikling sagot niya habang nasa daan ang tingin.

"Oh? Ang layo naman. Ba't hindi na lang sa Katips?" tanong ko kahi na alam kong mas malayo iyon sa Pasay kami manggagaling.

"Pakikilala lang kita sa bestfriends ko, shunga." Nangunot naman ang noo.

"With 's,' so marami sila?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yup!" Parang bata na naman siya dahil sobrang saya nang pagkakasabi niya. Tumango na lang ako.

Sa sobrang haba ng biyahe ay nakatulog ako. Nagising ako dahil binuksan niya ang pinto ng passenger's seat ko at malakas na isinara.

"Ay, p*ta g*go!" napasigaw ako. Tumawa naman siya nang pagkalakas-lakas. "Dios ko, Sean. Sirain mo na thesis report ko, 'wag lang ang saksakyan ko." Umirap ako.

We ate at a Korean Restaurant. I saw sticky notes attached to the headboard.

"Marcus James, bebe q!"

"Marcus James ng tigers." Marami pang iba at halos pare-pareho lang naman ang laman. Napakarami ring kasamang puso. Famous talaga siya dahil captain siya ng basketball team ng UST.

"Lalandi niyo," bulong ko sa sarili ko.

"Bitter ka lang," napalingon ako kay Sean. Narinig niya pa 'yong bulong ko? "Tapos ka na magselos sa mga nagkakagusto sa crush mo?" tanong si Sean sa akin.

"Asa ka!" I stucked my tongue out. "Wait! What?! Who told you that?" I asked glaring at him.

"Siya, omsim." Umirap siya. "Halika na nga, pakilala na kita sa kanila." What the frick! Traydor ang hayerp!

Lumapit kami sa table ng mga kaibigan ni Sean. Apat silang nandoon, dalawang lalaki at dalawang babae.

"Hi, guys! This is my girlfriend, Bella," nakangiting saad niya sa mga kaibigan niya.

What the f*ck? Kailan niya ako naging jowa? Hindi ko pa nga siya sinasagot.

"Hi, Bella. I'm Alex," bati sa akin ng isa sa mga kaibigan niya.

"Hi, I'm Jacob," sabi naman ng isa.

"I'm Ava and this is Emma. Tahimik 'yan kaya ako na lang nagsabi," bulong niya sa akin.

"Hi, guys. Nice to meet you! Order na kayo, my treat!" Pampa-good shot.

"Ay, wow! 'Di mo naman sinabi na galante pala 'tong jowa mo, Sean," sabi ni Ava. Natawa na lang kami at napakamot naman sa kanyang ulo si Sean.

Um-order na kami dahil pare-pareho na kaming nagugutom. Hindi naman nagtagal ang paghihintay naming dahil na-serve din ito agad.

Habang kumakain kami ay tinanong ako ni Jacob.

"Your from Ateneo? Legal Management?" tanong niya.

"Ha? How did you know?" Sumingkit ang mata ko.

"Si Sean kasi madalas na nagkukuwento sa aming apat 'pag kinikilig."

"Nandamay ka pa." Rinig kong pag-angil ni Sean.

"You guys are in the same field?" Ako naman ang nagtanog sa kanila.

"No. Si Emma, Architect. Ako, Accountancy. Silang tatlo ang Engineering," chicka ni Ava sa akin.

"Oh? You're in the same block as Marcus?" tanong ko. Ang sama ng tingin sa akin ni Sean. Nagtatanong lang naman ako.

Forever Will be Mine (Montemayor Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon