Chapter 11

20 5 0
                                    

IT WAS A normal birthday lunch with my parents and they were talking about work,. I couldn't care less. Umalis na rin sina Mommy nang mag-aalas tres na ng hapon. Natira na naman kami ni Kuya rito.

Kumatok ako sa kuwarto niya at ipapaalam ko na may inuman kami mamaya. Mahirap na!

"Kuya, nomi lang kami sa Dapitan?" tanong ko.

"Sinong maghahatid sa 'yo 'pag nalasing ka?" Tinaasan niya ako ng kilay. Nako po!

"Hindi na lang muns ako uuwi kung walang maghahatid sa akin. Sa condo na lang muna ni Jonna ako matutulog," i said proudly.

"Sige. Maiiwan ka rin naman dito dahil may lakad kami ni Calvin," saad niya.

"Hala! Nandito siya?!" gulat na tanong ko at tinanguan naman ako ni Kuya bilang sagot. Ang tagal ko na ring hindi nakita ang isa pang kumag na iyon.

"JONNA! NASA'N KA na? Akala ko ba susunduin mo ako?" iratableng tanong ko sa ka-call ko.

"Gaga ka! Sandali! Akala mo naman si The Flash ako?" sagot niya.

"Dalian mo!" sigaw ko at ibinaba ang call. I was wearing a black velvet dress, tied my hair in a high ponytail and partnered my dress with a five-inch heels.

Mga thirty minutes pa akong naghintay. Lintik talaga!

"What took you so long?" tanong ko nang makapasok ako sa sasakyan.

"Sinundo ko pa sina Bri at Nat, duh!" Sabay irap niya sa akin.

"Sa'n tayo n'yan?" tanong ni Bri.

"Girl, ang unang tanong, kaya mo ba?" pang-aasar na tanong ko. Sa aming apat, si Bri lang ang never pang sumama sa inuman. First time niya ngayon. Himala nga na sumama ang babaeng ito.

"Aba! Anong tingin n'yo sa akin, sanggol?!" inis na sagot niya.

"D'Madrid tayo!" suggest ni Natalie.

"Mahal!" singhal naman ni Jonna.

"My treat." I smirked. Sabay-sabay naman ang mga gaga na nag-wohoo kasi nagtagumpay na naman sila.

Pagabi na nang makarating kami sa D'Madrid and surprisingly, it wasn't packed.

"Oh, number one rule tonight, bantayan niyo si Bella," saad ni Natalie pagkaupo naming sa napili naming table.

"Bakit?" I asked.

"Kasi raw 'pag nalalasing 'yan napakaharot!" natatawang sagot ni Natalie.

"Order na kayo. Huwag n'yo lang paabutin ng ten thousand ang bill natin, kayo magbabayad n'yan!" singhal ko. Nagtawanan pa ang mga loko. Nagbaba na ng Black Label si Jonna sa couch namin. Napakabilis talaga ng gaga.

"P*cha! Ba't Black Label? Pang-tito's of Manila 'yan, uy!" natatawang biro ko.

"Okay na 'yan." Sabay irap niya. Nakaka-five shots pa lang ako. Oh, 'di ba? Ang bagal ng ate mo ngayon.

Nagpaalam ako sa kanila saglit para pumunta sa CR dahil naiihi ako pero bigla ko na lang narinig na may nagsuka kaya napalingon ako para makita kung sino ang unang tumawag ng uwak.

"Hoy, Bri! Kaya pa?" nag-aalalang tanong ni Natalie. Tumango naman si Bri bilang sagot. Tinapik ko sa balikat si Bri at pumunta na ako sa banyo.

Lumabas ako ng CR at nakita ko ulit si Bri na dumuduwal sa bowl habang si Natalie naman ay nakahawak sa buhok ni Bri na parang red ribbon.

"Ladies and gentleman, this is an example of a woman who had drink to much," parinig ko.

"P*ta! Manahimik ka!" naiinis na saad ni Brin ang hindi inaalis ang mukha niyang nakaharap sa bowl.

Forever Will be Mine (Montemayor Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon