Chapter 9

28 5 0
                                    

"WHERE IS HE?" We heard a familiar voice kaya napatayo kami ni Kuya. Mom was rushing to the hospital.

"Mom, don't worry. Dad is fine na," Kuya answered. Napabuntong-hininga si Mommy. Kumunot ang noo niya nang magtama ang tingin namin. Nag-peace sign ako sa kanya dahil alam ko na kung saan papunta ito.

"Anong ginagawa mo rito, ha?! You're supposed to be in class!" She started the sermon again.

"Mom, paano kasi si Kuya! Ang daming articles written about him all over the internet. I rushed to the company and buti na lang considerate ang professor ko. Pinayagan niya akong i-cut ang class niya, and then pagpasok ko sa office ni Dad, nakita ko si Dad na unconscious na," dire- diresto kong sabi.

"Lucas? What article?" Kumunot agad ang noo ni Mommy.

"Say it!" bulong ko kay Kuya.

"Ah... Mom." May pag-pause pa ang kuya niyo bago sumagot. "Wala po iyon." Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Lucas, ah," pagbabanta ni Mom. "'Pag ako naging Fiscal ng kaso mo, malilintikan ka sa akin," mariing sabi niya. Ibig-sabihin ni Mom, dapat daw hindi umabot sa kanya ang kaso ni Kuya, kung meron man. Mom's really scary lalo na kapag seryoso.

AFTER A WEEK, everything got normal again. Na-deny ang appeal sa supposed to be 'case' ni Kuya.

Something is weird tho. Hindi nag-chachat sa akin si Sean. Anong nangyari sa kumag na 'yon? Ichachat ko si Ava sa Instagram para tanungin kung anong nangyayari kay Sean. Inferness, ang bilis lang niyang hanapin.

Ava_16

20 – Posts

2000 – Followers

100 – Following

Wow! Sana all talaga famous.

"Hi, Ava! Ako 'to, si Bella. Girlfriend ni Sean." I chatted her.

Gosh, I'm not his girlfriend yet. But, I guess doon na rin papunta iyon.

"Hi! Omg, what do you need ba?" she replied immediately.

"Nag-chachat ba sa 'yo si Sean? We have been... distant," I asked her.

"No, eh. Sorry," sagot niya na may kasamang sad emoji. I just seen it.

Hindi ko na maiwasang mag-aalala. Dios ko naman! Kapapahinga pa lang ng isip ko, eh.

Wala akong choice kung hindi ang pumunta sa UST tomorrow to check on him. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang layo noon.

KINABUKASAN HINDI NA ako nag-breakfast at mas pinili ko na lang dumaan sa Starbs.

Math class na namin kaya naman kaming lahat ay antok na antok na. Nakakatakot pa naman ang professor namin.

"Miss Montemayor!" he exclaimed. "Stand up! Solve this equation to the board!" Nagising ang katawang lupa ko. P*cha! Calculus pa naman 'to!

Wala na akong nagawa kung hindi ang i-solve ang problem na nasa board. Ang lakas ko ata kay Lord dahil madali lang ang natapat na equation sa akin. Plus may recitation grade pa ako noon.

Mga alas tres ng hapon na ako natapos sa Ateneo. Sa condo na ako si Sean dederetso. Ayoko nang pumunta UST. Dios ko, napakalayo!

"Ava! Do you know the address ng condo ni Sean?" I chatted Ava. Luckily, she replied immediately.

"Yes! Here!" And she dropped the link ng exact location with unit number ng condo ni Sean.

I reacted a heart to it. Magpasalamat iyang kumag na Sean na iyan at mahal ko siya. Dinalhan ko pa talaga siya ng meryenda.

Forever Will be Mine (Montemayor Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon