-Akio's P. O. V-*Dela Viga's University*
Okay po, inaamin ko na... late ako sa first day ko sa collage. Actually, napilitan lang nga ako pumasok ehh.. Nasira kasi yung kotse ko. But who cares? Pagmamay-ari naman ng pamilya ko ito ehh.. Yup, we owned this university.
Akio Muramasa Dela Viga is my name, kung may kapangalan man lang ako ay hindi ko na kasalan iyon. Okay! Back to the boring reality..
"Ano naman ang mga dahilan niyo at bakit kayo late?"
Kami? Tumingin ako sa bandang kaliwa ko. Oo nga noh!Dalawa kami ng babae at hindi lang isang ordinaryong babae, isang napakagandang babae. Pero parang pamilyar siya sa akin hindi ko nga lang matandaan kung sino siya.
"Sir,kaya po ako late dahil napahimbing ang tulog ko kaya nagnooze na ang alarm clock ay mabwiset ako kaya napalakas ang paghampas ko ng alarm clock, sa sobrang badtrip ko sir dahil nasira yung alarm clock ay napalakas ang pagpihit ko ng doorknob sa banyo kaya nasira, pahirapan pa magbukas ng pinto tapos nung naliligo na ako unti lang ang lumalabas na tubig kaya natagalan pa ako sa pagligo, sa unipome naman po,napansin ko na hindi pa pala plantsado yun kaya plinantsa ko muna. Hindi lang yun sir, mas lalo po ako natagalan sa kalsada dahil naflat po yung gulong ng jeep na sinasakyan ko dahil maraming mataba ang sumakay. Yun po yung istorya kung bakit ako late" pagsisinungaling ko.
Ang galing mo talaga AKIO :P
Wow! Swerte ang ganda ng palusot ko. You really are smart, Akio. Napansin kong gulat na napatingin sa akin yung magandang binibini ,
"Ganun ba?"
"Opo"
"Ikaw naman ,miss?"
"Trapik po" walang buhay na sagot nito.
"Okay, surname niyong dalawa?" Tanong sa amin ni Sir.
"Dela Viga po" sabay na sabi namin.
Agad kaming nagkatinginan. Wow! Asawa ko pala ito eh.. HAHAHA!!
BINABASA MO ANG
Bitter&Sweetness
Teen FictionMahirap talagang makalimot kung sariwa pa ang sakit. Mahirap talagang umibig kung nasa iba pa rin ang puso Mahirap talagang alalahanin ang mga bagay bagay na hindi mo na gustong maalala. Naomi Miracle Y. Dela Vega - isang babaeng hindi makamove on...