**Naomi's P.O.V**
"AL!!! Nasan ka na?!"tawag ko sa kanya
Kanina ko pa siya hinahanap at hanggang ngayon ay hindi ko parin siya makita. San na ba kasi siya nag suot. Gabing gabi na at umuulan pa.
"Al!! Nasan ka na ba?!" Sigaw ko ulit.
God! Please help me! Naalala ko tuloy yung kanta ni Yeng C at ni Couch J na Bespren. Bespren!ang hirap mong hanapin~
Kung saan saan na ako pumnta pero hindi ko parin siya mahanap. Try ko nga sa waiting shed ng school.
Pagkadating ko dun ay wala ng tao.
"Al!! Nandito ka ba?!" Sumigaw ulit ako pero no response ..
Napabuntong hininga ako. Naiiyak na din ako pero kailangan ko itong pigilan. Napahinto ako ng mapansin ko yung payong ko sa di kalayuan. Nasa lapag iyon. Agad ko iyon dinampot at lumingon sa paligid.
"Al!!!" No response.
"Al.. san ka na ba?" Malungkot na bulong ko.
"Ang lakas ng ulan no?"
Napahinto ako. At pilit inaalala ang mga alaalang bumabalik sa akin
"Kapag nalulungkot ako.. Dito lang ako pumupunta kasi kapag nandito ako.. naalala ko kung paano tayo unang nagkakilala"
Biglang tumulo yung mga luha ko.. Bat hindi ko man lang naalala na dun siya pumupunta.
"Kapag ganito kalakas ang ulan... walang makakapigil sa akin na sunduin ka at payungan kasi ayokong magkasakit ka"
"Sige.. palagi akong maghihintay sa shed para sayo"
"Pangako?"
"Pangako.. bestfriend.."
Napakawalang kwenta kong kaibigan. Hindi ako tumulad sa pangako.!! Agad akong tumakbo kasama ng payong ko sa dati naming school... Sa school kung saan nagsimula at nagtapos ang lahat.!
Pagdating ko dun ay agad akong pumunta sa likod ng school nandun kasi ang gym.
Bukas ang ilaw dun at nakabukas ng konti ang pintuan ng gym. Unti unti akong lumapit dun at sumilip.
Blag!
"Al!!" Sigaw ko at agad na pumasok sa gym.
Bigla na lang kasi siya natumba. Nagkalat ang bola sa gym floor. Agad akong lumapit sa kanya. Nawalan siya ng malay at sobrang pula niya. Hinawakan ko ang noo niya.. halos mapaso ako sa sobrang init.Kahit na basang basa siya, Umiiyak na yumakap ako sa kanya
"Sorry Al.. sorry!" Umiiyak na sabi ko.
Nakakainis! Hawak ko na ang world record sa pinaka walang kwentang kaibigan. Ako ang dahilan kung bakit naging ganito sya. Sorry Al... hindi ko na hahayaang maulit pa to..
**Alfred's P.O.V**
Nagising na lang ako dahil sa sobrang init at lamig. Nanghihina ang katawan ko. Hindi rin ako makahinga ng maayos.
Nilibot ko ang mga mata ko. Pano ako nakapunta sa kwarto ko? Ang huling naalala ko ay hinahanap ko si Nao nao.
Oo nga pala.. sumama pala siya kay Akio.. Kahit nahihirapan,inangat ko ang kamay ko at kinuha ang basang bimpo. Mainit na rin yun.
Naabot ko na siguro yung limit ng katawan ko nung binuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa pagbabasketball.
Tiningan ko ang bimpo... Teka! Bat ito pa yung ginamit?! Mahalaga to sa akin!! Bigay sa akin ito ni Nao nao! Pinapahalagahan ko pa naman to.! Aiyt!!
Isa lang naman ang alam kong mahilig manghalungkat ng gamit ko ehh.
"KUYA ARTHUR! !" binigay ko lahat ng lakas ko sa pagsigaw ko.
Agad namang pumasok ang mga maid.
"Sir.. kailangan niyo pa pong magpahinga. Mataas pa rin po yung lagnat niyo" sabi sa akin ng isang maid.
I just glare at her.
"I don't care!! Ipaharap niyo sa akin si kuya!" Nagwawala na talaga ako.
"Pero sir-"
"Ano bang nangyayari dito?"
I looked at him
"Bakit mo ginamit tong bimpo na ito?!" Sigaw ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin
"Easy there Alfie.. Hindi ka pa mangaling"
"I don't -" hindi ko napatuloy ang pagsasalita ko kasi bigla akong natumba . Buti nasalo ako ni Kuya.
"Yan kasi! Ang kulit mo!"
"Ano bang kaguluhan to?.. Al!!" Napatingin kaming dalawa sa bagong dating. Hiniga ako ni kuya. Agad siyang lumapit sa akin
"Pagsabihan mo yang bestfriend mo. Ang kulit! Pati bimpo pinapansin!"
"Okay .. kuya Arthur.. ako na ang bahala dito.. Thanks.."Tumango lang sa kanya si kuya at ngumiti. Pinanlakihan muna ako ng mata bago umalis. Bumaling siya sa akin.
"Ano bang problema mo sa bimpo?"
Kumunot yung noo ko at hindi na nagsalita. Malungkot na napabuntong hininga siya.
"Look.. i'm sorry.. ako yung naglagay ng bimpo sayo.. nasa iyo pa rin pala to.."
Muli ay hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Masama pa rin ang loob ko sa kanya kasi hindi niya ako hinintay at hindi siya tumupad sa pangako naming dalawa.
Yumuko siya at hinawakan yung kamay ko.
"I'm really sorry kung hindi ako tumupad sa pangako. And I know, na galit ka pa rin dahil dun. Nagkasakit ka pa ng malubha"
Hindi pa rin ako nagsalita kahit na ramdam na ramdam ko n yung lungkot sa boses niya. Tumingin siya sa akin. Parang ilang beses dinurog ang puso ko. Umiiyak siya.. umiiyak siya dahil sa akin.
"I'm really sorry Al.. Sana ay mapatawad mo pa ako. Kahit ako na ang pinakawalang kwentang kaibigan sa mundo. Hinayaan kitang magkasakit.. sorry.. Hindi ko na hahayaang mapahamak ka pa dahil sa akin kaya naman lalayo na ako sayo.thanks for everything .. aalis na ako.." sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.
"Thanks Al.."
Ngumiti siya at tumalikod pero hindi ko binitiwan ang kamay niya.
"Dito ka lang.. " mahinang sabi ko. Pinilit kong umupo.
"Dito ka lang Nao nao.... wag mo akong iwan.. please.. dito ka lang sa tabi ko.. walang tatakas.. walang tatakas sa pangako natin.. Bestfriend goals?"
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang umiiyak. Nagagalit ako.. Bwisit! Ganun ganun lang yun?! Umiiyak na ako sa galit.
"Al..."
"SHIT! Ito ba yung sinasabi mong Bestfriend Goals? Nangiiwan sa ere? Ganun ganun na lang yun? Ilang taon yun! Tapos sasabihin mong lalayo ka para sa kapakanan ko?! Sabihin mo nga.. Nakikipaglaruan lang ba tayo dito?! Ikaw na ang nagsabi na hanggang sa huli.. magbestfriend tayo.." pumatak na ang luha ko
"Ano yun? Bat ganun? Ikaw pa yung bumawi? Bakit? Nung may problema ka.. yung times na nawala siya.. Nandun ako diba? Nandun ako para alalayan ka at alagaan ka. Kasi bestfriend mo ako di ba?? Yung mga times na nagbabakasyon tayo .. diba hindi ako tumanggi? Hindi ako umalis sa tabi mo kasi alam kong kailangan mo ako! Sabi mo Bestfriend Goals natin yun.. Lintik na bestfriend goals yan oh!! Di pa ba sapat yung lahat ng ginawa ko para pasayahin ka? PAra mapabuti yung lagay mo? Sabihin mo.. HINDI PA BA SAPAT LAHAT NG YUN? SABIHIN M0!!" tuloy na tuloy na sigaw ko habang umiiyak.
Ito n ba yun? Lalo siyang umiyak. Para kaming tangang nagiiyakan.
"Sabihin mo.. para mapaghandaan ko pa yung mga kulang..." nanghihinang sabi ko at binitawan yung kamay niya.
Bigla siyang yumakap sa akin. Iyak siya ng iyak.
"Sorry!! Hindi ko sinasadya kung ganon nga ang iniisip mo. Sorry .. sobra pa sa sobra yung ginawa mo para pasayahin ako.. and I thank you for that.. "
Nanghihinang yumakap ako sa kanya at umiyak.
"Dito ka lang.. sa tabi ko.. Naomi.."
BINABASA MO ANG
Bitter&Sweetness
Teen FictionMahirap talagang makalimot kung sariwa pa ang sakit. Mahirap talagang umibig kung nasa iba pa rin ang puso Mahirap talagang alalahanin ang mga bagay bagay na hindi mo na gustong maalala. Naomi Miracle Y. Dela Vega - isang babaeng hindi makamove on...
