★★ Alfred's P.O.V ★★
"Nakakahiya naman sayo.. Pasensya na talaga.. Loko loko lang talaga yung kuya mo"
I just smiled at her. Nasa simbahan kami ngayon. Dito kasi sila ikakasal at dito namin kakausapin yung pari at yung organizer. Ano ba yan? I look at my watch 2:07 na ng tanghali.. Math Time na kung nandun ako sa school. Napabuntong hininga ako.. Kamusta na kaya si Nao nao? Napatingin ako sa katabi ko.. Panay ang sulyap niya sa phone niya. Pinagpapawisan siya at tila balisa. Kailan ko ba siya huling nakitang ganyan? ...
Hinawakan ko sya sa balikat. Agad naman siyang tumingin sa akin
"Are you okay?" malumanay na tanong ko sa kanya.
"Yup!" Ngumiti siya sa akin. Lalo akong nag alala... It's been almost 5 years pero hindi ibig sabihin nun nakalimutan ko na ang mga kilos niya..
"Are you sure?" tanong ko ulit
"Yep~!" sabi niya at muling tumingin sa phone niya.
I heaved a sigh.
"Erica...."
"Ilang oras na syang di nagtetext.." nakatingin lang ako sa kanya. Nakayuko siya nun. Napatingin ako sa phone niya.. Tinadtad nya ng text yung kausap niya...
Loves<3
Siguro si Kuya Arthur yung katext niya.. sino pa ba? Nabigla na lang ako ng biglang may pumatak dun.. Luha? Umiiyak siya..
"Hindi naman siya ganito ehh.. Bakit ganun? Dapat bati na kami ngayon pero bat ganun. Cannot be reached na rin siya?" Tuloy tuloy nyang sabi sa akin.
"Nag..away ba kayo?"
Bigla siyang tumingin sa akin. Basang basa na ang pisngi niya sa kakaiyak. I wiped her tears away. Lalo syang umiyak..Niyakap ko na lang sya. Ano bang ginagawa mo sa kanya Kuya Arthur?
★★ Naomi's P.O.V ★★
"Okay class..Let's begin"
*Try niyong pakinggan ang music nito habang binabasa niyo to :D Thank you *
Agad kaming humarap sa mga partner namin. Ang lesson namin ay Kutilyon at kailangan naming pag aralan ito dahil may performance test kami. Buti na lang at si Kyle ang kapartner ko. Nagsimula na ang tugtog kaya naglapit na rin kami pero natigil bigla ng biglang may sumigaw
"STOOOOPPP!!!" Agad kaming napahinto at napatingin sa sumigaw.
Agad siyang lumapit kay Kyle.
"She's my partner.. hanap ka na lang kapartner mo" Ngumiti lang si Kyle at umalis na. Pinalitan niya agad ang pwesto ni Kyle at ngumiti ng matamis sa akin.
"Okay! Wala na bang sisigaw?!" nagpipigil na tanong ng teacher namin.
"Wala na.. Can we start now?" Ayy!! Bwisit talaga tong lalaking to! Ang angas! Porket pagmamay ari niya tong university na ito. Sapakin ko ito ehh .
Ngumiti lang si sir pero halatang inis na inis na ito. Sinimulan na ang tugtog kaya naman umayos na kami at naglapit. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ko naman ang isang kamay ko sa balikat niya habang ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa bewang ko.
"Bat mo ginawa yun?! Akio?! " naiinis na bulong ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng matamis sa akin
"Ayaw mo ba akong kapartner?"
"Aya-"
"Sabi ko na nga ba. Gusto mo rin akong kapartner ehh" ngiting tagumpay pa siya. Napatingin na lang ako sa gilid.
Lah. Adik ba tong lalaking to? I was about to say Ayaw pero .. HAIST!!
"Akin ka lang ahh.." Agad akong napatingin sa kanya.
Dug! Dug!
Ang lapit niya.. 1 inch na lang at mahahalikan na naman niya ako. Titig na titig siya sa akin.. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.. Parang may naalala ako sa mga titig na yun..
Nagtitigan lang kami habang sumasayaw. Napatingin ako sa baba.. Hindi ko syang kayang titigan sa mukha... nagwawala puso ko..
★★Alfred's P.O.V ★★
"Promise ko babalik ako dyan bago ang wedding day namin.. Pero sana wag mong sabihin kay Erica"
"BALI-" napalingon ako sa paligid. Nakatingin na sa akin si Erica. I forced to smile atsaka hininaan boses ko
"Baliw ka ba? Gusto mo ba syang patayin sa nerbyos?!" bulong ko sa phone
"Hindi ah!! May surprise ako sa kanya.. dapat memorable yung wedding namin. Ever girl loves that.."
"B.A.H.A.L.A.K.A" sabi ko at binaba ang phone ko.. Wala na bang katapusan to?
"Sino yun?Kuya mo?"
Muntik ko ng mabitawan yung phone ko.
"Nakakagulat ka naman Erica.."
"Kuya mo?"
"Hindi.. Classmate ko..May test daw kami sa math ngayon" Palusot ko.
At tumalikod. Haisstt.. Nakakainis talaga yung kuya kong yun. Napaka adik
"Ganun ba? Tara na.. humabol ka sa school mo.. Tapos na rin naman ehh"
Tumingin ako kay Erica. Nakangiti lang sya.. Hay arthur... Bugbog abot mo sa akin kapag nakita kita
★★ Akio's P.O.V★★
Ayos na ang lahat.. Sya na lang ang kulang.. Napangiti ako.. Wait and see Miracle.. I'll win your heart no matter what it takes..
★★ Naomi's P.O.V★★
Hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kanina... Yung heartbeat ko grabe! nagwawala pa rin.. Napabuntong hininga ako.. Kailangan ko ng umuwi..
Agad kong kinuha yung bag ko at lumabas ng room. Pero napahinto ako nang makita yung hallway puno ng petals ng rose.. Lintik.. sino kaya ang lakas loob na nagkalat sa hallway? Unti unti ako naglakad... may mga ballons din.. Anong meron? Birthday party?
Dahan dahan akong lumakad .. sinundan ko yung mga roses..
"troublemaker look on your face
Followed by a smile and I melt away
It ain't always been this lovely
We turn the ice and start a fire, melt away"
Napaangat ako ng ulo.. Ang ganda ng boses..
Agad tumibok ang puso ko ng sobrang bilis.. Yung utak ko di makapag process ng maayos.. Puno ng tao ang ground.. kaya pala walang masyadong tao
"I t don't happen overnight
It's laughing after fights
Knowing which song I should sing to make you smile again
Your favorite flowers
How I know before you say, "It's gonna be okay"
"A...kio..."
Bumaba sya ng stage hawak ang isang boquet ng roses..
" Love, I think we got time to make mistakes
Bitter and the sweetness
I just love the taste
Like the time we got stuck out in the rain
When you took my hand said, "Baby, we should stay"
Oo.. naalala ko yung nastuck kami sa ulan.. Pero.. shemay.. Akio..
Binigay nya sa akin yung roses..
No... nahulog na ako sa kanya....
"I think.. I'm falling.."
Nginitian niya ako ng ubod ng tamis. Tinalo pa yung asukal. Ang liwanag... Sa hindi sinasadya... napangiti din ako ng matamis
★★ Alfred's P.O.V★★
Nabitawan ko yung roses na hawak ko..Biglang tumulo luha ko.. Habang nanonood sa kanila..Di ko kaya.. Ang sakit.. Nao nao... naagaw ka na naman sa akin
BINABASA MO ANG
Bitter&Sweetness
أدب المراهقينMahirap talagang makalimot kung sariwa pa ang sakit. Mahirap talagang umibig kung nasa iba pa rin ang puso Mahirap talagang alalahanin ang mga bagay bagay na hindi mo na gustong maalala. Naomi Miracle Y. Dela Vega - isang babaeng hindi makamove on...
