★★ Naomi's P.O.V ★★
"Al..."
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Paanong. ... Hindi.. Hindi ito si Al na nakilala ko. Si Al na kilala ko ay may malaking respeto sa babae at hindi humahalik ng kung sino sino lang.
He stop kissing the girl. Nakatingin lang siya sa akin
"You may go now. I'm done with you"
Ako ba yung sinasabihan niya?. Naluluha ako. Sino ba tong lalaking to?
"Okay.. Text me na lang ah.. I'm always free. " sabi ng babae at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa bago umalis.
Tumango lang si Al at naglakad papunta sa akin pero nilampasan niya lang ako. Ano bang problema niya? Naiiyak na ako.. Agad ko syang pinigilan, humarang agad ako sa daan niya. He just stared at me emotionless. It made my heart ache.
"Al.. Anong problema?? M..may problema ba tayo?? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag o text ko? Iniiwasan mo ba ako.?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
"Sino ka ba para sagutin? Anong posisyon mo para iwasan?"
"Al.." Nasasaktan ako...
"Don't ever call me that again.. It's irritating"
Napatikom ako. Naluluha na ako.. Ang sasakit ng mga sinasabi niya. Irritating?? Pero.. Sabi mo cute yun??..
~~~~~~
"Nao-nao!!" Agad akong lumingon sa paligid. Sino bang tumatawag nun? Ako ba yun?
Nagsawalang kibo na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nagulat na lang ako ng may humarang sa daan ko.
Teka.. Siya yung nakisilong sa payong ko nung isang araw ah. Ako ba yung tinatawag niyang Nao-Nao?
Pero.. Alfred J. Kirkland to. Ang captain ng basketball dito sa campus. Hearthrob. Matangkad. (Basketball player nga eh!) Maputi. (Nag gluta ba to?). Matangos ang ilong, manipis na labi, naiiba dahil sa kanyang magagandang mata. Usap usapan din daw na may 6 na pandesal tong tinatago.
Ngumiti siya sa akin .
"Snobber ka na pala.."
"Huh? Ako? Snobber?" Kailan pa ako natutong mang snob?
"Oo.. Kanina pa kita tinatawag di mo ako nililingon?"
Tiningnan ko siya ng nagtataka. Tinawag niya ba ako?
"Nao... Nao.."
"Ay! Ako pala yun. Sorry.."
"Simula ngayon Nao nao na tawag ko sayo" nakangiti niyang sabi.
"Ah.." Gosh! Binigyan niya na ako ng nickname. Fc to masyado ah. Grabe mababash pa ako nito.
"So.. Anong nn mo sa akin?" Nakangiti niyang tanong.
Ano ba tong lalaking to? Palaging nakangiti. Di ba to napapagod?
"Nn?" Sorry ah. Kakababa lang ng bundok.
"Nickname haha"
"Ahh.."
Nickname? Sino ba ako para bigyan siya ng nickname? Ordinary girl lang ako ng may malaking crush kay Xander D. Santos! Gosh.
"So? Ano na?"
"Uhmm..."
Isip naomi! Isip!
BINABASA MO ANG
Bitter&Sweetness
Fiksi RemajaMahirap talagang makalimot kung sariwa pa ang sakit. Mahirap talagang umibig kung nasa iba pa rin ang puso Mahirap talagang alalahanin ang mga bagay bagay na hindi mo na gustong maalala. Naomi Miracle Y. Dela Vega - isang babaeng hindi makamove on...
