Chapter 30 - Happy

9 2 0
                                    

★★ Naomi's P.O.V ★★

Nasan na kaya yun si Akio? Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan. Naexplain na sa akin ni Akio ang nangyari at kung bakit kami dito. Naalala ko may nabanggit nga sa akin si Tita Catherine na ganun pero di ko naman ini expect na ganun kabilis. Atsaka paano nila ako byahe dito sa Palawan ng hindi man lang ako nagigising? Ganun ba talaga ako katulog mantika.

Pero balik tayo dito. Nakatulog ako kanina dahil sa sobrang sakit ng puson ko buti na lang at nawala na ngayon. Paglabas ko ng banyo kanina kakapalit lang ni Akio ng bedsheet at ng kumot pero wala na sya dun.

Hay.. San na kaya yun pumunta? Dinala ako ng mabangong amoy na nanggagaling sa kusina.

"This would do.."

"Akio..."

Nagluluto siya.. Totoo ba to? Hinarap niya ako at ngumiti. Naka white na T shirt at Pajama siya habang naka apron. Bagong ligo din ata siya.

"Hey there...Miracle... Have a sit at tapos na rin to"

Umupo ako at pinaghanda niya ako.

"Thank you"

"Your welcome" he smiled sweetly to me

"Kain na "

Tumango ako at sinimulan ang pagkain. Shemmayy.. Ang sarap!! Para akong kumakain ng isang dish na luto ng isang sikat na chef sa buong mundo.

"Is it good?" Nakangiting tanong niya sa akin

Masayang tumango at maganang kumain. He sighed in relief

"Thank god you loved it. First time ko kasing magluto and hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaluto niyan."

Napatitig ako sa kanya. Weh?! First time?!

"Seriously?! Kala ko pro ka na dito kasi sobrang sarap eh. Yung karne tamang tama yung pagkalambot niya."

He chuckled

"Thank you. Hindi ko naman hahayaang kumain ka ng hindi mo deserve o makatanggap man lang ng bagay na di babagay sayo eh"

Napatigil ako.. Iniinis niya ba ako? Parang nagiging bossy na naman siya ah. Parang sinasabi niya na sa kanya muna dadaan bago sa akin..

"Miracle you only deserves the best.. That's why you deserve me! HAHAHAHA"

Dugdug!Dugdug!Dugdug!

Agad ko siyang sinubuan.

"Gutom lang yan"

Nginuya niya ang sinubo ko sa kanya.

Nahagip ng mata ko ang bedsheet na nasa labas. Ang backdoor kasi ay nakabukas dagdagan pa ng stained glass window .

"Ikaw naglaba nun?" Tinuro ko yung bedsheet sa labas.

"Where?" Sinundan niya yung kamay ko at ilang segundong tiningnan ang tinuturo ko tsaka siya tumango

"Yup. Kanina. Before I cleaned the house"

"Ahh" tumango tango ako. Ang sipag pala ni Akio.. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ganto. Pano ba naman kasi sa campus ang tamad niyang mag manage ng school. Pero ngayon.. Nilinis niya ang beach house at nilabhan yung bedsheet na may tagos ko.. Napakabuti talagang ba-

...

.....

Wait what?! Nilabhan niya yung bedsheet na may tagos ko?! Napatingin ako kay Akio. Agad siyang namula at yumuko. Tahimik na kumain na lang siya. Shemayy!! Nakakahiya huhuhu!!

★★ Akio's P.O.V★★

I smiled as I play with Miracle's hair.

Nakatulog na naman siya. Ganto ba kapag Red days? Antukin? Mood swings? I shook my head at binuhat si Miracle papunta sa taas. Pano ba naman kasi? She fell asleep on the crouch while watching TV. Sasakit lang ang katawan niya dito dahil hindi niya maiplaplastar ang sarili niya.

I carefully put her on the bed and kissed her forehead. Nilagyan ko din siya ng kumot para di siya masyadong lamigin.

It's like a dream come true.. Ang saya nito.. Alone time with Miracle. We're like a married couple living in the same roof. I wish this vacation would last forever..

Pumunta ako sa kabilang kwarto para ayusin iyon. Dito na siguro ako matutulog. Para di na ulit magkaroon ng mis understanding. I heaved a sigh as I enter the room.

I looked around. Malinis na iyon. Nangielam ako sa mga cabinet. This house.. It looks so familiar to me. It's like that I've been here before.. I just can't remember when. Kaya siguro di ako nahirapan sa paghahanap ng bagong bedsheet at kumot.

Nahagip ang atensyon ko ng mga cd na nakapatong sa cabinet na binuksan ko.

Vacation Day with Cousin

Tiningnan ko ang CD, dala na rin siguro ng curiosity kaya ko sinalang sa DVD. Kinuha ko din ang iba pang mga CD at nilapag sa higaan. Binuksan ko ang TV. Umupo ako sa higaan at sinimulang manood.

"Yow! This is Alexander D.Santos also known as Xander and I'm with my cousin Kario!!" Simula ng lalaki sa video nakasuot ito ng polo at shorts na may headphones sa leeg

"Stop calling me Kario. It's annoying" singit naman ng lalaking naka polo din at shorts na nakasunglasses.

"Oh come on. Don't be a KJ" he chuckles.

They both laughed in the video.

"Xander..."

Marami pang clips ang nagplay sa video. Ginawa ata to ni Xander para sa compilations ng happy memories namin dito.

Tiningnan ko pa ang ibang CD na nandun. Puro memories siguro ang mga laman nito. It would be a great help to regain my memories.

Forever Love
Fair Enough

Marami pang mga names ng CD ang nandun pero ang Forever Love at Fair Enough lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ano kaya ang uunahin ko? Siguro mas magandang unahin muna ang Fair Enough

Sinalang ko na iyon at pinanood ang video

"Don't worry about a thing. Ako na ang bahala dito"

"Xander..." Nakangiti na naman siya.. Ngiting nagsasabing siya na lagi ang bahala.. Ngiting magproprotekta sayo.. Bakit ka ba ganyan huh? Why Xander?

"B..but.."

Teka.. Ito yung time na..

"I'll be alright. Magsusurfing pa tayo bro. Cheer up"

"How can I ?!"

"Just go Kario... Don't look back. Don't worry too much. I got this bro."

Liar.. You're a big liar Xander..

"XAND-"

"Kaya ko to Akio. Trust me. Pupunta ako sayo ng may magandang balita ha? ...Just take care of Mirko for me.. Okay?" He smiled sweetly.

I nodded.

"Thanks bro.. So see you soon?"

No..

"Yup.. Take care.."

I covered my face with my both hand. Tsaka ko pinakawalan ang pinipigilang luha mula kanina.

"I'm sorry bro.. I.. I..shouldn't let that happened.. I.. I'm sorry...please... Please forgive me.. I'm so sorry..Xander.."

Bitter&SweetnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon