★★ Naomi's P.O.V★★
Dug dug! Dug dug! Dug dug!
Nakakainis.. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang pogi niya kasi este.. Ano.. Binabantayan ko kasi si Akio. Nakatitig lang ako sa kanya.
Unconcious pa rin siya.. Sabi ng nurse normal lang daw kay Akio yun. Regular patient na pala si Mokong ng school.
Gwapo kaya siya sa malapitan?? Malamang! Kung sa malayuan nga sobrang gwapo malapitan pa kaya?
Wait what?! Bakit parang nagbago tingin ko sa kanya? Ginayuma niya ba ako?!!
Bzzzzz!!!bzZz!!
Nanlaki ang mga mata ko nung makita na may bubuyog na lumilipad lipad sa bandang mukha ni Akio.
Shemay! Baka.. Baka... Baka masting siya ng bubuyog! Sting talaga?? Sorry di ko alam yung tagalog term nun eh.
Agad akong kumuha ng magazine at niroll iyon. Dahan dahan akong lumuhod at lumapit sa clinic bed.
Inhale... Exhale..
Kaya ko to..
Wuhh...
In 3..
2...
1..
Agad kong hinampas ang bubuyog and success! Nahomerun ko!! Yahoo!!! Amen!!
"What do you think you're doing..?"
Eh??
Agad akong tumingin sa baba... Nakatingin siya akin ng may pilyong ngiti sa labi. Gosh! 2 inch?? No.. 1 inch na lang ang pagitan ko sa mukha niya!! Shemay!!!
Namumulang lumayo ako kay Akio. Shemay nakakahiya!! That killer smile!
"Ah eh.. Hindi mo ba nakita?? Inan..no ko lang yung bubuyog..."
"Wala naman akong nakitang bubuyog" umupo siya at tumingin sa akin.
"Pano mo makikita kung tulog ka? At nakapikit?" Umiwas na ako ng tingin. Nakaka ano kasi yung tingin niya.. Nakakakilig este nakakainis...
"Paano ko makikita kung pagdilat ko ikaw agad nakita ko.?"
"He!" Sabi ko na lang.
Inalis niya ang kumot at tumayo.
"Hoy! San ka pupunta?! Hindi ka pa pedeng tumayo!"
Hindi niya ako pinansin at inayos lang ang tie ng uniporme niya.
Bashtosh na lalaking to!!
"Hoy! Akio! Di mo ba ako narinig?! Ang sabi ko bawal ka pang tuma-"
Naputol ang pagsasalita ko nung bigla niya akong hinalikan!
Wahh!! Lintik na!! Pangatlo na yun ah!!
"Just shut up my wife. Ayoko nang maingay pagkagising ko." Seryosong sabi niya at lumabas ng clinic. Bwisit na yun! Ang bilis magbago ng mood! Atsaka !! Bwisit talaga!! Kiss stealer ang Mokong!?
I heaved a sigh.... Hindi halata sa sa ugali niya na marami pala siyang pinagdaanan...
∆∆ FlashBack ∆∆
"Tita.. I'm sorry po.. Bigla na lang siyang nagcollapse.." Naluluhang sabi ko kay Tita Catherine.
Nasa clinic kami ng school. Sabi ng nurse magiging okay na rin naman daw siya.

BINABASA MO ANG
Bitter&Sweetness
Teen FictionMahirap talagang makalimot kung sariwa pa ang sakit. Mahirap talagang umibig kung nasa iba pa rin ang puso Mahirap talagang alalahanin ang mga bagay bagay na hindi mo na gustong maalala. Naomi Miracle Y. Dela Vega - isang babaeng hindi makamove on...