Chapter 32 - Jr.

25 2 0
                                        

★★ Naomi's P.O.V ★★

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Umupo ako at nag unat unat. Ahhh!! Sarap ng tulog ko!!

Nilibot ko ang paningin ko. Teka.. Parang may mali..

Wait a minute... Deja Vu?!

Nagulat ako ng may gumalaw sa tabi ko. Agad ko iyon tiningnan. Deja Vu nga!

Agad kong chineck kung may dugo ba sa ibaba ko. Phew thank god. Napatingin ulit ako sa katabi ko. Dahan dahan kong ibinababa ang kumot niya. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Akio. Ang payapa ng mukha niya. Hinawi ko ang ilang buhok na nakaharang sa mata niya. Mahaba haba na rin ang buhok niya pero the more na humahaba yun mas lalo siyang gumagwapo. Mas lalo siyang nagiging kamukha ni...

"Yes my love... I won't.. I'll stay by your side.. As long as I'm alive.."

Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at napahawak sa dibdib ko.

Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Nabibingi na ako sa lakas... Hindi na ako makapag isip ng maayos.

Mabilis akong bumaba sa higaan at nagtali ng buhok. Oo nga pala, naki tulog pala ako sa kwarto ni Akio. Dala na rin siguro ng takot ko sa kulog at kidlat.

Agad akong pumunta sa kabilang kwarto at naligo. Buti na lang at dinalhan ako ni tita ng mga gamit na magagamit ko dito tulad ng mga underwear, damit, toothbrush, toothpaste, shampoo, sabon at iba pang personal hygiene. As expected talaga kay Tita Catherine.

Binuksan ko na ang faucet at pinuno ang bathtub. Yung nangyari kagabi..

"Yes my love... I won't.. I'll stay by your side.. As long as I'm alive.."

Nasampal ko ng mahina ang sarili ko. Mygash. Ano bang nangyayari sa akin.?

Ng mapuno na ang bathtub ay lumusong na ako at nagbabad sa maligamgam na tubig.

Pero..habang tumatagal na titigan ko si Akio...napapansin kong malaki ang hawig niya sa kanya.. Pero imposible.. Siguro nababaliw lang ako o namamalikmata.. Ang layo ni Akio sa kanya... Napakalayo...

"Mirko... I'll see you soon.."

Tumulo ang luha ko.. Liar.. Paasa... Wala kang kwenta .. Dapat di na lang kita nakilala.. Jerk... Yeah.. Ganun ka. Ganun na ganun ka Xander.. Pinaghintay mo ako sa wala..

"Bwisit ka.."

★★  Akio's P.O.V ★★

Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos mula sa kurtina ng bintana. Kaya nga mas gusto ko ang nakatalukbong ng kumot.

I yawned. Tumingin ako sa kabilang side ko. Wala na si Miracle.. Where did she go?

Agad akong bumangon sa higaan at bumaba. Pumunta ako sa kusina pero wala siya dun. May pagkain ng nakahanda pero wala pa rin si Miracle. Where did she go?! I searched all over the house but still I couldn't find her. I'm starting to get panic.

"Miracle?!!" I shouted but still no sign of her.

Pumunta ako sa bakuran,dumaan na ako sa backdoor para mas mabilis pero wala pa rin siya. No way..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter&SweetnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon