Chapter 17 - Forgive ang Forget

22 5 0
                                    

* Kapag mahal ka ng tao.. kahit na bossy siya.. ikaw at ikaw pa rin ang masusunod.. kasi hindi ka niya kayang mawala*
*************-*********
-- Naomi's P.O.V --

" Next time, wag ka ng lumapit kay Alfred. Naiintindihan mo ako?"

Seryoso niyang sabi sa akin. Nangigilid n ang luha ko.. Sino ba siya para gawin ito? Sino ba siya at kung makautos parang siya ang boss? Oo!! Sya nga ang may ari nitong campus.. pero di niya ako pagmamay ari!!

"Bakit? Ikaw ba ang nagpapakain sa akin??" Nagpipigil na tanong ko.

"No. But -"

"Pero ano? Parang makapg utos ka kala mo close tayo"

"Sabagay may punto ka, ni ayoko ngang maging kaibigan ka eh.." he said in a very cold tone. Yung mga sinabi niya... Nakakainis! Bat parang tinadtad ako ng saksak sa puso? Ang sakit ahh.

"Well, wag mo na akong kausapin pa. Abno ka!! Dapat sayo ginagas chamber eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Ano bang problema mo?? Bat bigla ka na lang nagagalit dyan?!" Inis na sabi niya.

Wow ahh!! Grabe!! Tinalo niya ang pinaka manhid na tao sa Pilipinas.

"Anong bigla?! Kanina pa ako galit! You jerk! Kala ko ba ayaw mo akong kausap. Panindigan mo yun! "

unti na lang mga readers! Unti na lang at masasampal ko na tong lalaking ito. Natigilan siya sa sinabi ko.

"Tss."

Yun lang at tumalikod na siya. Aba't!! Adik ba itong kausap ko?! Naghanap ako ng maiibato sa kanya at dahil sa bait ni author nakahanap ako ng isang makapal na libro. Galit na binato ko iyon sa kanya.
Headshot!

"Jerk!! Dito na talaga nagtatapos ang lahat ng ito. Lets just believe na hindi nageexist ang mga nangyari na magkasama tayo!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya at tumakbo paalis sa lugar na iyon. Tumakbo palayo sa kanya.

-- Akio's P.O.V --

Napasuntok ako sa pader.

"Bwisit! Bwisit!" sigaw ko habang sinusuntok ang pader. Wala akong pake kahit dumudugo na ang kamay ko. Mas mahirap at mas masakit pa ang nararamdaman ko. Ang tanga ko kasi.! Na mali siya ng pag unawa sa mga sinabi ko at ako sa mataas na pride,hindi ipinaliwanag. Sabi ko sa sarili ko .. wag ko munang iintindihan ang tungkol kay Xander pero nalilito parin ako.

*Guys! Try niyong magbasa habang nakikinig ng Remember Me This Way *

"If you really love her...then you should go after her.. wag mo siyang hayaang mawala sayo." Natigil ako at tinignan ang nagsalita.

"Jen..." Ngumiti siya sa akin ng mapait.

"Tsaka mo na lang ako tawagin ng ganyan kapag lubusan mo na akong naalala"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Kahit na naiinis ako sa mga clingy girls .. hindi ko pa rin sila kayang makitang umiiyak at malungkot.

"I'm sorry.."

"Sorry kasi hindi mo pa ako lubusang maalala o sorry kasi feeling mo ikaw ang dahilan kung bakit ako malungkot?"

"Both..."

Napangiti siya.

"Okay lang... ikaw pa rin naman ang Kario na nakilala ko.. Kaya.. sundan mo na siya.. Don't let the past be your worst enemy "

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Thank you. Don't worry I'll try to remember you.. "
Humanap ako ng isang bagay na pedeng ibigay sa kanya bilang kapalit. Kumapa ako sa bulsa ko at nang may nakapa ako agad ko itong kinuha. Isang kulay blue na gem.. alam kong mahalaga ito para sa akin pero ibibigay ko na sa kanya ito.

"Para sayo. Mahalaga yan sa akin. Thank you ulit"

Binigyan ko siya ng ngiti bago ako tumakbo at sinundan si Miracle. Wait for me .. miracle

**Jenny's P.O.V**

Napatitig ako sa blue gem na binigay niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang umiyak ng umiyak. Ang blue gem.. ang iba't ibang kulay ng gems na ibinibigay niya sa akin kapag nagtathank you siya.. ang pinakahuling gem na ibibigay nya sa akin.

"Don't worry.. kahit tumanda na tayo. Bibigyan pa rin kita nyan kas Bestfriend kita."

Lalo akong napaiyak nung maalala ko ang mga katagang sinabi niya bago sya pumunta ng America.... bago niya nakalimutan ang lahat. Umiiyak na tumingin ako sa papalayong anyo niya. Magagawa mo pa kayo yun Kario?? Matatandaan mo pa ba ako?? Hindi ko napansin na napangiti na pala ako.. Masyadong malaki na ang pinagbago niya.. pero hindi pa rin nagbabago ang kaugalian niya.

" Go Kario... win her heart. Learn how to Forgive and forget.."

**Naomi's P.O.V**
Dinala ako ng paa ko sa pinakadulong bahagi ng library kung saan madalang ang tao. Siguro nasanay na ako dito... kapag nalulungkot kasi ako.. dito ako nagtatago... Dati yun..
Naghanap hanap ako ng mga libro ng biglang may napansin akong isang libro... Wait .. Pano napunta ang librong yan dito??

Bitter&SweetnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon