Chapter 23 - More than Friends?!

27 3 0
                                    

--Alfred's P.O.V--

Nagising ko dahil sa tunog ng alarm clock ko. Minulat ko ang isang mata ko para silipin ku.sng anong oras na. 4:30 pa lang ng umaga. Nag unat unat muna ako ng nakahiga. Okay na ang pakiramdam ko at wala na rin akong sakit.

"Goodmorning world.." bulong ko habang nakangiti. Bakit kaya ang ganda ng gising ko?

Napahinto ako ng may biglang gumalaw sa tabi ko. Wo!

"Five minutes pa please.. " narinig kong sabi niya sabay tanday saakin.

"Nao nao?" Nagising ang buong diwa ko.

"TSK! FOR GOD SAKE HATINGGABI PA LANG!" naiinis na sabi niya habang nakapikit. Napangiti ako .. siguro napuyat siya kaka alaga sa akin.

"Shh.. tulog ka pa.." malumanay na sabi ko sa kanya at niyakap siya.. Nanaginip pa siya.. Siguro solohin muna kita ngayon.. Kahit ngayon lang.....Ulit....

Nagpadala na lang ako sa antok ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpadala na lang ako sa antok ko.

**********************

Nagising na lang ako dahil sa tunog ng Alarm Clock. Agad akong napabangon at hinanap si Nao Nao pero wala na sya sa tabi ko. The heck?!

"NAO NAO?!"

Nasan na ba yung babaeng yun? Agad akong lumabas ng kwarto at dali daling bumaba ng hagdan.

Napahinto agad ako nang may narinig akong tawanan. Teka.. san ba nanggagaling yun?

Dinala ako ng mga paa ko sa kusina at nandun nga siya.. Uminom ng kape habang nakikipagtawanan kay Arthur. Mabilis din nila akong napansin

"Morning Al.."

"Yow Lil Bro" bati agad nila sa akin. I shook my head at tumabi kay Nao Nao

" Kain ka na" yaya niya sa akin

Tumango lang ako at kumain sa plato nya

"Lil Bro. Pagkain yan ni Naomi ahh " puna sa akin ni kuya Arthur

"Tumahimik ka na lang Ar" sabi ko hanabang patuloy na kumakain

Tumawa na lang si Nao nao. Arthur pouts.

"Kuya Ar.. di bagay sa iyo" natatawang sabi ni Nao nao..Oo nga.. tama yan nao nao..asarin mo pa sya. I smirk.

"Hala! sabi ni Erica, cute daw ako kapag ganito"

Agad akong napatigil sa pagkain habang sila naman ay patuloy sa tawanan. Psh. Kala niya naman kung sino. Naka arrage marriage lang kayo ni Erica. Psh! Bwisit.

Agad akong tumayo.

"Bilisan mo na Nao nao.. Papasok na tayo sa school" sabi ko na lang at umakyat na ulit sa taas.

Isinarado ko agad ang kwarto ko at naligo.

Bwisit.. Nakakainis kayo... Kung hindi ka dumating Arthur..Edi sana kami na ngayon ni Erica. Napasuntok ako sa dingding.

Bwisit! Pake ko sa kanila.. Meron na akong Nao Nao.. At di ko siya basta basta ipagpapalit sa iba....

--Naomi's P.O.V--

Habang naglalakad kami ni Al papuntang school.. Wala talagang imikan.. Parang may nasabi akong masama.. Bigla na lang nagbago mood niya..o baka naman epekto ng sakit niya kahapon..

Napasimangot ako. Ngayon na nga lang ulit kami magsasabay sa pagpasok ang tahimik pa.. Bwisit naman .. Hayyyyyzzzz!!! Napatingin ako sa kanya. Nakita kong palihim niya akong sinusulyap sulyapan para tingnan kung okay lang ako. Tapos nauuna pa sya sa akin. ANo ba yan?!

"Bilisan mo naman" puna niya sa akin

"EDI BILISAN!" galit na bulyaw ko sa kanya at binilisan ang paglakad ko. Inunahan ko pa sya pero nagulat ako sa ginawa niya...

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko..

"Wag mong masyadong bilisan..baka di kita mahabol.. yung sakto lang .. sakto lang para makasama ko"

Namula ako sa sinabi niya at tumango na lang..

Dug! Dug!

Ano ba yan?

Ano ba yan?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bitter&SweetnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon