Chapter 24 - Pretenders

25 3 0
                                    

★★Akio's P.O.V★★

"Young Master, at exactly 11:20 po tayo makakarating sa university"

"Ahh.. okay" Sabi ko na lang habang titig na titig pa rin sa phone ko. Busy ako sa pagstastalk kay Miracle no. Ang ganda niya talaga sa profile pic niya >//< Agad kong niyakap ang phone ko. Naalala ko tuloy yung halik sa library.. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras...Hay!! Kailan kaya kita makukuha?

Tumingin ako sa labas. May dalawang taong naglalakad doon. Couple? Psh!.. Teka.. school uniform yun ng university ko ahh.. Lumagpas kami. Tumingin ako sa likod para makita yung mukha nila. Agad nanlaki ang mga mata ko.

SHhiiiittttt!!!!

"IHINTO MO ANG SASAKYAN!" sigaw ko dun sa driver.

"P..Po?"

"Young Master, malapit na tayo sa school"

Mabilis akong lumingon sa kanila.

"Pake ko?! Tinatanong ko? Ihinto mo ang kotse"

"Pero young master..."

I glared at them.

"Ititigil niyo ang kotse o yung buhay niyo ang ititigil ko?"

Napalunok silang dalawa

"Sabi nga namin young master ehh. Dapat ihinto ang kotse" sabay pa nilang sabi.

Bigla namang huminto ang kotse. Hindi ko na sila hinintay na buksan yung pinto para sa akin. Dali dali akong bumaba at tumakbo papunta kila Miracle.

Bwwiiissiitt!!

★★Naomi's P.O.V★★

"MIRACLE!!!!!!"

Agad kami napahinto sa paglalakad ni Al. Agad akong tumingin sa unahan.

Teka... si Akio ba yun? Biglang bumilis tibok ng puso ko... Parang nagslow mo lahat.. Amo ba yan??!! Bat parang gumagwapo pa sya ngayon.. Naalala ko tuloy bigla yung nangyari sa library.. Yung.. dampi... yung...aissh!! Stop remembering that Naomi!...Teka.. Bat dito sya pupunta ehh nandun sa hilaga ang school.

"Ano ba yan? Panira sweet moment naman oh" bulong ni Al.

Dumating si Akio ng hingal na hingal.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Sabay dapat kasi tayo.. Hay.. nakakahingal.." sabi niya habang hinahabol ang hininga niya

"Sino ba kasing sabing manira ka ng moment?"

"Sino ba kasing nagsabi na tumakbo ka?" Sabay na tanong namin ni Al. Nagkatinginan pa kami ni Al.

Binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. Aru~~

"Eh sino ba kasing sabing MagHHWW kayo?!" biglang sigaw ni Akio.

"HHWW?" tanong ko agad

Umiling iling lang si Al. Ano ba meaning nun?. Napabuntong hininga na lang si Akio at ngumiti.

"Ahh.. wala.. sabi ko mas masaya yung sama sama tayo ^_^" sabi ni Akio sabay singit sa gitna namin. Kaya naman nagkahiwalay yung mga kamay namin ni Al.

Oo nga no.. siguro mas masaya nga talaga kapag sama sama..

★★Alfred's P.O.V★★

Sumingit bigla sa gitna namin si Akio. Nabitawan ko tuloy yung kamay ni Nao Nao.

Bwisit!! Arrgg!! Panira talaga to! -_-

"Kala mo makakaisa ka ahh" bulong ni Akio sa akin.

Nanggigigil na talaga ako sa lalaking ito ahh.. Bwisit

"Panira ka talagang mokong ka ahh" Naiinis na bulong ko din sa kanya.

"Guys. Buti naman nagkakasundo na kayo" masayang pahayag ni Nao nao sa amin at bahagyang sumulyap sa amin. Agad kaming nag akbayan ni Akio at ngumiti sa kanya.

"Hahaha!! Syempre naman! Mag bestfriends na ata kami " masiglang sabi ni Akio.

Shet! Nakakasuka. Pinigilan ko ang sarili ko. Napatingin ako kay Akio. Nagpipigil din siyang sumuka! Bwisit!

"Ganun ba? Aba ayos pala kung ganun!"

"Oo naman. Narealiza ko din na okay din naman palang to si Akio" pagsisinungaling ko.

Great! We're the best pretender of the year! -_- Nakakasuka talaga yung mga pinagsasabi namin. Eww!!

"Good!!" Sabi ni Nao Nao.

Napangiti na lang kami. Nung hindi na nakatingin si Nao Nao ay tsaka lang namin inalis ang braso namin sa isa't isa

"Eww"

"Yak" sabay pa naming sabi at nagpunas punas.

We glared at each other

"Nakakasuka" bulong niya ulit sa akin.

"Plastic" balik ko naman sa kanya

"I really hate you Psh!" He rolled his eyes

"Oh! The feelings are mutual" I said sarcastic and rolled my eyes.

Napahinto si Nao Nao kaya naman napahinto din kami.

"Bakit Nao Nao?"

"Bakit Miracle?" Sabay na tanong namin ni Akio.

We glared to each other again. Kahi kailan talaga! Bwisit talaga tong si Akio na ito!

★Akio's P.O.V★★

Nakakabwisit namang tong Alfred na to! Hayss!!

"Grabe naman yung nagtapon ng trash bag dito sa gitna ng kalsada" naiinis na banggit ni Miracle.

Tumingin ako dun sa unahan. May trash bag nga! Teka... kung kukunin ko iyon at itatapon.. matuturn on sa akin si Miracle..

~~~~

"Ang bait mo naman pala Akio!"

"Para sayo.. magbabago ako *wink*"

"Aruu! Ang gwapo mo din!!"

"Hehe.. di naman"

"Mukhang talo na ako ahh... " Umiyak bigla si Alfred. Habang yumakap naman sa akin si Miracle.

HAHAHAHA!!

~~~~~

Tama!! HAHAHA!! Napakatalino mo talaga Akio! Whahahaha!!

Agad akong tumakbo papunta sa trash bag at hinawakan yun. Pero laking gulat ko din nung may bigla ding humawak sa trashbag. Teka..

"Ako na ang magtatapon :)" nakangiti niyang sabi sa akin. Ngumiti din ako sa kanya syempre..

"Bwisit ka talaga Alfred.. Kaya ko na ito :)"

PAra kaming tangang nakangiti sa isa't isa at nagbubulungan. Baka marinig ni Miracle. Mahirap na.

"Ako na sabi eh.. wag ka nang magpasikat :D"

Hah! Bwisit!

"Kaya ko na nga to ehh.. wag ka nang magpakabayani :D"

"Wag na. Ako na. Baka masaktan ka pa. Lalo na kauri mo yung itatapon..Basura ^_^"

Nagpigil na ako.. konti na lang at masasapak ko na ito.

"Ako ba? Baka ikaw.. baka masaktan ka kapag nakita mo ang mga kamag anak mo sa basurahan... Plastic ^_^"

Kala mo ahh! Hindi ako magpapatalo sa Alfred J. Kirkland. May kinalaman ka pa sa pagkamatay ni Xander. Hindi kita tatantanan hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang kinalaman mo dun at mas lalong hindi kita titigilan hanggat di mo nilalayuan ang pinakamamahal kong babaeng si Miracle..

★★Naomi's P.O.V★★

Nakatingin lang ako sa kanila habang pinapanood sila. Nakangiti sila sa isa't isa at nag aagawan sa isang trash bag

....

.....

......

Ang mga mokong.... Nagpapasikat >_>

Bitter&SweetnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon