★★ Naomi's P.O.V★★
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Umupo ako at nag unat unat. Ahhh!! Sarap ng tulog ko!!
Nilibot ko ang paningin ko. Teka.. Parang may mali..
Nagulat ako ng may gumalaw sa tabi ko. Agad ko iyon tiningnan. Ohmygad! Anong nangyari?! Nasan ako?! Kaninong kwarto to?! At sino tong nasa tabi ko?!
Kinakabahan ako!! Shemay!! Agad kong kinapa ang katawan ko. Thanks god may saplot ako. Pero... Sino ba tong kasama ko? Sana naman babae diba? Huhuhu!! Sana babae.
I gulped. My gash! Nanginginig kong hinawakan ang kumot na nakatabon sa kanya.
"Mmm..." Agad akong napasigaw dahil sa takot.
Lalaki!! Lalaki ang boses!! Mama!! Naluluha na ako. Huhu !! Ang bataan!!! Kinapa ko ang bedsheet. Basa sa may bandang pagitan ng mga paa ko! Agad kong tinanggal ang kumot ko. Sheet!! May dugo!! Naiyak ako at panay pa rin ang tili.
Agad namang napabalikwas ng bangon ang katabi ko.
"What the hell?!"
Kapwa kami nagkatinginan.
"Wahhhh!!!!! Hayuf ka Akio!!! Anong ginawa mo sa akin?! Wahh!! Bat mo ginalaw ang bataan?! Bat mo ako pinagsamantalahan?! Bakit?! Kala ko ba kaibigan kita?! Bakit mo ako ginanto?!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya at pinaghahampas siya.
"H..hey Miracle.. It's not w..what you think.." Nauutal na sagot niya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin huh?! Pinagsamantalahan mo ako!!" Umiiyak na sigaw ko at kinumutan ang sarili ko.
"Please Miracle. Calm down.."
"Calm down?! Calm down?! Punyemas ka pala eh! Kinuha mo ang pinagkakaingat ingatan ko tas sasabihin mong calm down?!"
Hindi pwede to. Ang dapat na kanya lang na mapupunta, napunta kay Akio. Sorry Xander.. Di ko na natupad ang pangako ko sayo.
"JUST!" Sigaw niya hawak nya ang mga kamay ko
Napatigil ako. Sinigawan niya ako..
He heaved a sigh.
"Look.. Miracle.. Pakinggan mo muna ako.. Please"
Di ko na kinaya at sinampal ko siya ng sobrang lakas.
"Ikaw pa ang may ganang magalit?! Ikaw ba ang nawalan?! Ako diba?!" Lumuluhang sigaw ko sa kanya.
He glared at me. Napaurong ako. Nakakatakot siya.
"I told you to calm yourself down."
I gulped. Hindi. Bakit ako matatakot?! Siya .. Ang laki ng sala niya sa akin.
"Jerk!Paano ako makakalma ang sari-"
"I DIDN'T DO IT OKAY?!"
Napatigil ako. He run his fingers through his hair and heaved a sigh. Tinitigan niya ako
"Hindi ko inatake ang bataan mo.. Okay?"
"Pano mo ito maipapaliwanag?! Nasan tayo?! Kaninong kwarto to?! Bakit magkatabi tayo?! At b..b..Bakit may dugo ako sa pagitan ng hita ko?!"
Namula siya. Umiwas siya ng tingin at napahawak sa batok
"Hey.. May i ask??"
"Huh?"
"First week ngayon ng month.. S..sure ka bang w..wala ka ngayon? I mean.. Uhmm. You know.. Mens?"
I froze. Shit! Oo nga pala! Kahapon ko pa to hinihintay! Shemay.. Ibig sabihin..
BINABASA MO ANG
Bitter&Sweetness
Novela JuvenilMahirap talagang makalimot kung sariwa pa ang sakit. Mahirap talagang umibig kung nasa iba pa rin ang puso Mahirap talagang alalahanin ang mga bagay bagay na hindi mo na gustong maalala. Naomi Miracle Y. Dela Vega - isang babaeng hindi makamove on...
