❤️ ALFRED'S P. O. V❤️
"Welcome to Maid and Butlers Cafe" masigla kong bati sa mga taong pumapasok sa cafe na binuo ng klase nila Nao Nao.
Sa mga di pa nakakaalam ito po ang PINAKA nakakagigil na favor sa akin ni Nao nao! The fact na she made me wear this stupid butler dress, ay hindi ko din to klase. Papatayin ako ng mga kaklase ko pag nakita ako dito.
I heaved a sigh. Nakakainis. Kung di ko lang mahal ang nagfavor sa akin nito eh.
"Well, well, well. Sino bang nagpapasok ng masamang hangin dito?"
I rolled my eyes. And here comes my mortal enemy. I forgot na magkaklase pala si Nao nao. I slowly face him. Akio Muramasa Dela Vega
I almost choked when I saw him. He is wearing this costume, it's like a Japanese dress or something. He looks stupid. Natatawa ako.
"What's with that costume??" Natatawang tanong ko.
May pamaypay pa syang hawak. Mukha syang boyoyoy.
"Bat di mo yan itanong sa sarili mo? Stupid" he smirked
"I'm stupid compared to Einstein but compared to you?" I point him and shake my head. "Nah" I smiled at him.
He laughed.
"Wow! Nice!" Pinalakpakan nya pa ako.
"Big words coming fro-"
"Hoy! Kayong dalawa! Marami pang aasikasuhin pero nag uusap pa rin kayo!"
Kapwa kami nagulat ni Akio ng may humawak sa mga tenga namin at hinila ito pababa
"Aray aray aray!!"
"Putek ang sakit!"
"Ayaw niyong tumulong ah!" wika ng babaeng humila sa tenga namin. Who the hell is she?!
Kapwa kami tumingin sa babaeng humila sa tenga namin.. Wait..diba sya si...
"JENNY?!"
Sabay naming sabi ni Akio at nagkatinginan.
Diba siya yung girlfriend ni Akio?!
Binitiwan niya ang tenga namin at nagkabit balikat.
"Ako nga..."
Sabay naming hinawakan ni Akio ang mga tenga namin at hinimas himas iyon. Shit sa sobrang sakit namumula na.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot din sya ng katulad sa suot ni Nao Nao, ang kaibihan lang ay white sa kanya at black kay Nao Nao.
"What the heck?! Ang sakit nun ah.. " narinig kong sabi ni Akio.
"Teka.. Diba ikaw yung babaeng nasa canteen na gf ni Akio?"
Tumawa ng bahagya si Jenny.
"I was just joking that time"
Eh..?
"Di totoo yun.. Niloloko ko lang si Kari- este Akio nun.."
Kumunot noo ko. Kari what?
"Ahh. By the way, di ko pa napapakilala ng matino ang sarili ko. I'm Alfred.. Alfred F. Jones" I smiled and offered my hand to her.
Tinanggap niya iyon at nakipag shake hands
"Jenny. .. Jenny Sanchez. Nice meeting you too Alfred."
"By the way.. What the heck are you doing here Jenny? I mean.. Di naman kita classmate pero you're wearing our costume. Anong pauso ito?" Singit ni Akio habang hinihimas himas ang tenga niyang namumula.
"Oh. Didn't you know? Isa ako sa mga SSG dito sa school that means na pwede akong mamili ng section at year na gusto kong tulungan sa kani kanilang booth. Bakit di mo alam yan? Ikaw pa naman ang isa sa mga nagmamanage nitong school?"
Napatahimik si Akio na parang napahiya. Natatawa tuloy ako sa mukha niya.
"S..stupid.. Of course, I..I know that!"
"Alam mo naman pala eh bat di ka pa tumutulong sa cafe niyo? Mahiya ka naman kay Alfred. Tumutulong dito sa section niyo pero yung sarili niyang section di niya matulungan"
Shit. Ako naman ngayon ang napahiya.
Biglang tumawa si Akio at hinampas hampas ang balikat ko.
"Boi. Pano kapag nalaman to ng mga classmates mo? Bugbog ka panigurado whahaha"
"Shut up."
"Oh sya guys. Tara na at magtrabaho. Ang dami ng customers"
Haisst.. Nakakainis naman!!!
★★ Akio's P. O. V ★★
After many many yearssss.. Sa wakas natapos na rin ang shift namin. Nagstretch stretch muna ako bago lumabas ng classroom.
Nasan na kaya yun si Miracle? Kanina pa siya wala. Nasan na kaya nagsuot yun?
Biglang dumaan sa harap ko si Alfred. Sinundan ko siya ng tingin.
"He knows about the incident"
Pano naman nya malalaman ang tungkol dun?. Ano ang kaugnayan niya dun?. At bakit alam niya iyon?
Alfred J. Kirkland.... Hinding hindi kita titigilan hangga't di ko nalalaman ang kinalaman mo sa insidenteng iyon.. Kahit na ikapahamak ko pa ulit iyon.
★★ Alfred's P.O.V ★★
Agad akong pumunta sa likod ng school kung saan nakatayo ang malaking puno ng narra. Agad ako lumapit dun at umupo katabi ng babaeng natutulog dun.
Tinitigan ko lang siya habang nakapikit. Ganun ba talaga ako naadik sa babaeng to? Ganun ko ba talaga ito kamahal? I kissed her forehead.
"Nao nao..." Mahinang gising ko sa kanya.
"Nao nao.."
Nakailang tawag pa ako ng pangalan niya bago siya nagising at dumilat.
Ngumiti ako sa kanya at masuyong inalis ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya.
"Al.."
"Nagdala ako ng P.E para makapag palit ka na at maging comportable."
Inabot ko sa kanya ang P.E at rubber shoes na kinuha ko sa locker niya.
"Thank you... Al"
"Bilisan mo na at lilibot pa tayo sa school."
"Haha.. Sige sige" sabi niya at tumayo.
"Tayo na Al" nakangiti niyang sabi.
"Hah??" Kami na?!
"Sabi ko tayo na . Tumayo ka na dyan. "
"Ahh.. Haha.. Sige.."
Shit umasa ako dun ah.
★★ Naomi's P.O.V★★
" Al??" Lumingon lingon ako. Bigla kasing nawala si Al. Ang hirap pa namang maghanap dahil sobrang dami ng tao dito ngayon sa ground.
"Al?!!" Wala pa rin. Ang ingay din kasi. Haiist! Pano ko mahahanap yun? Haisst naman. Makapagbihis na nga lang.
Pagkatapos kong mabihis ay dumaan muna ako sa locker ko para iwanan dun ang costume atsaka wala masyadong tao doon.
Pagkasarang pagkasara ko naman ng locker at bumukas ang locker sa tabi ko. Teka.. Isa lang naman ang taong nagmamay ari ng locker sa tabi ko at si ..
"Akio.."
BINABASA MO ANG
Bitter&Sweetness
Teen FictionMahirap talagang makalimot kung sariwa pa ang sakit. Mahirap talagang umibig kung nasa iba pa rin ang puso Mahirap talagang alalahanin ang mga bagay bagay na hindi mo na gustong maalala. Naomi Miracle Y. Dela Vega - isang babaeng hindi makamove on...