★★ Naomi's P.O.V★★
"Inaasahang mamayang gabi na babagsak ang bagyo. Maging URReady sa paparating na bagyo."
Huh? May bagyo? Kani kanila lang may araw tas ngayon naman babagyo. Global warming nga oh.
Tumayo ako sa sofa at pumunta sa kusina pero wala dun si Akio. Nasan na naman kaya yun? Nahagip ng mata ko ang isang lalaking nagtatanggal ng sampay sa labas.
Agad akong lumabas at tinulungan siya sa pagtatanggal ng sampay.
"Miracle.. Ako na.. Magpahinga ka muna dun at baka sumakit ulit ang puson mo"
I shook my head
"Okay na ako atsaka para lang man makatulong sayo dito."
"Pero-"
"Please..Akio" tiningnan ko siya.
He blushed and cleared his throat.
"W..well.. If you insist"
"Yes. Thank you"
Tinanggal na namin ang bedsheet at ang kumot. Makulimlim na rin kasi at malakas na ang hangin. Pinabitbit sa akin ni Akio ang kumot dahil mas magaan yun kaysa sa comforter na bedsheet kahit nga pagbubuhat ng kumot ay pinagtalunan pa naming dalawa. Ayaw niya kasi akong pabuhatin pero dahil sa katigasan ng ulo ko. Di ako nakinig at nagpumilit pa rin. Nakakahiya na talaga kasi sa kanya. Siya na ang nagluluto, naglalaba at naglilinis ng bahay. Dapat nag eenjoy siya ngayon at nagrerelax kaya nga kami pinapunta dito ni tita ay para magbakasyon at hindi gumawa ng gawaing bahay.
Nilagay namin ni Akio ang bedsheet at kumot sa sofa para tupiin. Nakakatuwang isipin na marunong siya sa lahat ng gawaing bahay. Akala ko spoiled brat siya at nakakainis na tao. Pano ba naman kasi sa first day ng school nang iinis na. Tapos kung ano ano pang ginagawa na wala namang mga kwenta. Siguro ibang side niya yun at ibang side din niya ang pinapakitaniya ngayon sa akin. Napakagentleman, caring at kalmado. Hindi siya ngayon masyadong magalawgaw at maingay.
"Laging mag ingat at wag kalimutan na magtabi ng flashlight, canned goods, medicines at iba pang mga gamit na kailangan in case of emergency" sabi ng weather caster sa TV. Umupo ako para simulan ng tupuin ang kumot
"May bagyo?" Tanong sa akin ni Akio at umupo sa tabi ko.
"Oo daw.. Di ko nga lang naabutan yung mga signal"
"Ahh.." Tumango tango si Akio. Tinapos niya ang pagtutupi ng bedsheet at pinatong sa kakatapos ko lang na tupiing kumot. Umakyat muna siya sa kwarto para ilagay dun ang mga iyon habang ako ay pumunta muna sa kusina para magluto.
Tiningnan ko muna ang ref kung ano ang mga laman. As expected, kompleto angmga sangkap dun. Hmm.. Magtitinola na lang muna ako. Naglabas ako ng manok sa freezer at ng mga iba pang sangkap.
Sinimulan ko ng hiwain ang manok at pinakuluan ito.
Binalatan ko angsayote at hiniwa hiwa ito.
"Careful.."
Ohmygash. Dahil sa gulat ko nahiwa ko daliri ko. Pano ba naman yumakap sa likod ko si Akio atsaka malapit sa tenga ko siya nagsalita. Sino ba namang hindi magugulat dun?
Maliit lang naman ang sugat at mababaw pero dumugo pa rin iyon.
"Ouch.."
Kinuha ni Akio ang daliri ko at inigay iyon sa ibaba ng faucet. Binuksan niya ang faucet at hinugasan ang daliri ko.
"I told you to be careful."
"Ei.. Ginulat mo kaya ako. Bigla ka na lang nangyayakap diyan" I pout. Totoo naman kasi. Kung hindi siya pumunta dun sa likod eh hindi sana ako masusugatan.
BINABASA MO ANG
Bitter&Sweetness
Novela JuvenilMahirap talagang makalimot kung sariwa pa ang sakit. Mahirap talagang umibig kung nasa iba pa rin ang puso Mahirap talagang alalahanin ang mga bagay bagay na hindi mo na gustong maalala. Naomi Miracle Y. Dela Vega - isang babaeng hindi makamove on...
