PATUNGO ang binatang si John sa kanyang Classroom dala ang Cellphone. Lahat ng kapwa nito mag-aaral ay Busy sa paggamit ng Gadget. Naisipan niyang mag-browse sa Facebook ngunit mahina ang kanyang Network Connection.
"Sino'ng may Wifi sa inyo? Puwede pa-connect?" sandali siyang tumitig sa mga kaklase.
"Ako John. Open mo lang diyan sa Cellphone mo." Ngiting tugon ni Jasper.
"Okay, salamat." At pinindot nga ni John ang Wifi Setting.
May nag-appear na Wifi.
"Dexter01042002?" pagbasa niya gamit ang isip.
Sandali siyang napatingin kay Jasper pero agad niya na iyong pinindot dahil ito lang naman ang lumabas at iniisip na sa kaibigan iyon. Mayamaya'y may nakalagay ng 'Connected' at napangiti na lamang siya ng bigla. Agad siyang nagtungo sa Application nitong Facebook. Halos hindi abutin ng dalawang segundo ang Loading.
"Grabe, ang bilis ng Wifi mo Jasper!" mangha ni John na titig na titig sa Cellphone.
"Sigurado ka? Ang hina nga ng sa 'kin oh." Halata sa mukha ng kaibigan ang pagka-inis.
"Mabilis nga. Salamat ulit." Ngingiti-ngiti muli ito.
Mag-dadalawang oras ng babad si John sa paggamit ng kanyang Cellphone. Halos hindi na rin nakikinig kahit nasa harapan na ang kanilang guro. Sumubok na rin siya ng Youtube, Google, Twitter, Instagram at iba pa.
"Unli yata 'tong si Jasper. Malaya akong nakakapag-internet." Bigkas niya sa isip at hindi mawala ang ngiti sa labi.
Mayamaya'y may humablot ng kanyang Gadget at napatingin siya roon. Nakataas ang kilay ng kanilang guro sa Enlish.
"Ma'am?" ngiti niyang bigkas.
"Kunin mo na lang sa Office mamaya." At bumalik na ang guro sa harap na dala ang kanyang Cellphone.
Napatawa na lang ang kanyang mga kaklase. Ilang oras ay naglabasan na ang mga mag-aaral. Nagtungo na si John sa Office na matatagpuan sa ikaapat na palapag sa ikatlong gusali.
"Sir, maaari ko na po bang makuha ang aking Cellphone?" ngiti niyang tanong sa Principal.
"Okay. Pero sa susunod ay ipapatawag na namin ang iyong mga magulang kapag muli kang nahuli na gumagamit ng Gadget sa oras ng klase. Alam mo ang mga patakaran sa ating paaralan, hindi ba?" salaysay at patanong din ng Principal.
"Yes, Sir." At kinuha na ng binata ang iniabot na Cellphone. "Salamat po." At nagpatuloy siya sa paglalakad.
Sa ibaba ay naghihintay ang ilang nitong mga kaklase kabilang si Jasper.
"Ang tagal naman ni John. Napagalitan pa yata ng ating Principal." Tumawa ng may kalakasan at sinabayan pa ng iba.
"Nagpa-connect ka kasi ng Wifi kaya 'ayun, na-adik at hindi na pansin ang klase." Bigkas pa bg iba at muling umalingawngaw ang tawanan.
"J-john?" nanginginig ang tinig ng isa nilang kasama habang nakatanaw sa itaas ng gusali kung saan sila naghihintay.
Napatingin silang lahat doon at nakitang umaakyat sa nakaharang na mga bakal ang kaibigan. Para itong tatalon mula sa itaas.
"John! Huwag kang magbiro ng ganyan!" sigaw ni Jasper habang nakataas ang mga kamay.
Ngunit tila hindi sila naririnig ng kaibigang nasa itaas. Nakahawak na ang mga kamay ng binata sa bakal at kapag bumitaw ay diretso na itong mahuhulog mula sa ikaapat na palapag.
"Diyos ko! Mukhang magpapakamatay yata si John." Kinakabahan na silang lahat.
Dali-daling tumakbo si Jasper upang umakyat patungo sa kinalalagyan ng kaibigan. Lahat ng mga tao sa ibaba ay nanonood na sa hindi maipaliwanag na gagawin ng binata.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES - Horror/Dark
HorrorMay mga kuwentong bayan tayong naririnig na nagpasalin-salin na rin sa iba't ibang tao habang lumilipas ang panahon. Mga kuwentong nagpamangha sa atin, nagpatawa, nagpaiyak, nagbigay kilabot at kung minsan pa nga'y... nagpakilig na rin sa atin. Mga...