REFLECTION (Part I/II)

38 5 0
                                    

NAKATAYO ang isang magandang dalaga sa harap ng malaking salamin. Pinagmamasdan niya ang sariling anyo. Sa maamong mukha nito ay makikita ang matinding galit. Pinipigil nito ang kamao hanggang sa tuluyang dumaloy ang luha sa mga mata.

"Tama na! Tumigil ka na. Manahimik ka na!" sinisigawan nito ang sariling repleksyon sa malaking salamin na iyon.

Nakita ng dalaga ang isang bagay na gawa sa kristal at mabilis nitong pinulot. Imbis na pagkabasag ang maririnig, isang nakapanginilabot lamang na tawa ang umalingawngaw sa tahanan na iyon.

"Hah..." mahabang sigaw ng dalaga.

Limang taon ang lumipas. Sa paaralang matatagpuan sa lungsod ng Cavite nag-aaral ang binatang si David. Matipuno, matalino, guwapo at higit sa lahat ay napakasipag na mag-aaral. Sa buong Campus ay kilala ito at crush din ng bayan. Lahat na yata ng babae na kanyang madaanan at nginingitian ay agad na nagtitilian. Perpektong nilikha, sabi nga ng iba.

Patungo si David sa Park na madalas nilang pagtambayan tuwing may mahalagang pag-uusapan. Ngayon, narito nga sila upang talakayin ang pagpaplano tungkol sa isang adventure project na ibinigay ng kanilang Proffesor sa Unibersidad. Ang napunta sa kanila ay isang lumang tahanan na kailangang puntahan at alamin ang naging kasaysayan.

"O, 'ayan na pala si David. Mabuti at sumipot ka?" patanong ni Ashley.

"Pasensya na kung natagalan. Ang dami kasing babae ang humaharang sa 'kin kanina. Mahirap namang 'di kausapin. Isnabero ang labas ko kapag ganoon." Ngumiti ito at lumabas ang dalawang dimple sa magkabilaang pisngi.

"Ganyan kahirap ang maging guwapo 'tol." Nakipag-apir si Miguel.

"Tama. Mahirap kung iiwasan natin ang mga babae." Itinaas pa ni Dancio ang kanang kilay.

"Sus! Nagsalita. Isnabero ka nga eh." Si Myra at inirapan ito.

Napansin ni David na si Sarah lang hindi nagsalita sa grupo. Lumapit siya rito at nakita niya sa mga mata ng dalaga ang kakaibang lungkot at pangamba.

"May problema ba?" si David.

"Huh?" nabigla pa sa pagsasalita ng binata. "Wala naman. May iniisip lang ako..." mahina pang sabi.

"Ganoon ba? Huwag muna ngayon. Pag-usapan muna natin ang gagawing adventure." Kinuha ni David ang kanang kamay nito at tabi silang umupo sa bakanteng bench na naroon.

Pinagmamasdan lang siya ni Sarah at mangha sa pagiging maginoo nito.

"Baka matunaw si David niyan sa katitingin mo?" tukso ni Miguel.

Napangiti ang binata at ganoon na rin ang naging reaksyon ng dalaga nang makita iyon. Inilapag ni Ashley ang ilang documents at pictures sa lamesang pinalilibutan nila. Namangha ang binata nang mapansing parang haunted house ang pupuntahan nila.

"Mukhang magiging masaya 'to. Haunted house? Katakot..." kunwari pang kinikilabutan si David.

"Yeah. At ayon sa mga nakasulat sa documents na hinanap ko sa internet, may lahing mangkukulam daw ang mga naninirahan diyan. Noong panahon na buhay pa ang bahay. Kaso ngayon, abandunado na. Wala na rin kasing may gustong manirahan." Ngiting pahayag ni Ashley.

"At ayon din sa sabi ng ating Proffesor, kailangan nating alamin kung ano ang mga makikita sa bahay na 'yan. From outside to inside pati na rin ang mga taong nanirahan doon. Parang investigation lang ang gagawin natin. With photos daw at description." Itinaas pa ni Myra ang hintuturo sa kanang kamay.

"Kung ganoon, ako na ang bahala sa Camera." Nagtaas ng kamay si Miguel.

"Ako ang gaganap na secretary." Nagtaas din ng kamay si Ashley.

SHORT STORIES - Horror/DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon