SI NELSON ANG LALAKING UBOD NG GUWAPO AT TALAGANG PINAG-AAGAWAN SA SCHOOL NILA. NGUNIT ANG MASAKLAP NO'N AY WALA NI ISA SIYANG NAGUSTUHAN AT NAGING GIRLFRIEND.
LUMIPAS ANG MGA ARAW AT PASUKAN NA NAMAN SA KANILANG UNIBERSIDAD. MGA BAGONG TAO, KAKLASE AT KAIBIGAN ANG MULI NIYA NA NAMANG MAKIKITA. NAKAAGAW PANSIN SA KANYA ANG ISANG BABAENG PAPUNTA SA PAPASUKAN NIYANG ROOM. TAHIMIK, MAGANDA AT SIMPLENG KUMILOS ANG AGAD NIYANG NAKITA RITO.
NAKIPAGKILALA SIYA AT 'DI NAGTAGAL AY NAGING MABUTI SILANG MAGKAIBIGAN. MARAMI NGA ANG NAGTATAKA DAHIL BIGLANG NAWALA ANG PAGIGING MAYABANG NI NELSON AT NGAYON LANG ITO NAGING MALAPIT SA MGA BABAE. DOON LANG MAS NAGING MASAYA ANG BUHAY NI NELSON DAHIL SA BABAENG 'YUN AT DOON DIN NIYA NAKARAMDAM NG TINATAWAG NA 'LOVE'. MAS LUMALIM ANG KANILANG PAGKAKAIBIGAN AT NAG-UMPISANG MANGLIGAW SI NELSON KAY MARY JANE.
HINDI NAMAN SIYA NABIGO DAHIL ANG MATAGAL NIYANG PAGHIHINTAY AY NAPALITAN NG MATAMIS NA "OO". MULA RIN NOON AY NAGING MALAMBING NA SI NELSON. PERO ANO NGA BA ANG TUNAY NA PAGKATAO NI MARY JANE?
ISANG ARAW, VALENTINE'S DAY SA SCHOOL NILA NELSON AT GUSTO NIYANG MAGING MASAYA ANG BAGONG GIRLFRIEND. NAGHANDA SIYA NG ISANG LUGAR NA NILAGYAN NG DISENYO SA BUONG PALIGID AT LAMESANG GAGAMITIN PARA SA DATE NA IAALOK NIYA. AGAD NIYAN TINEXT SI MARY JANE NA PUMUNTA SA BAKANTENG LOTE AT KUNG MAY MAKITA SIYANG MGA BULAKLAK SA DAANAN, SUNDAN NIYA ITO HANGGANG MAKARATING SA KANYA.
ILANG SAGLIT LANG NA PAGHIHINTAY NI NELSON, DUMATING AT BUMUNGAD SA KANYA ANG GIRLFIEND NA NAKANGITI AT PARANG GUSTONG UMIYAK. NIYAKAP SIYA NI NELSON AT SOBRANG NAGPASALAMAT. SABAY SILANG KUMAIN AT UMINOM NG ALAK. NAPARAMI ANG PAG-INOM NI NELSON AT NAKARAMDAM NG PAGKAHILO. INALALAYAN SIYA NI MARY JANE PAPUNTA SA BAHAY NITO. NAKARATING SILA SA KUWARTO AT INIHIGA SI NELSON SA KAMA. PINUNASAN NG TOWEL NA MAY TUBIG.
"MAY REGALO AKO SA IYO!" WIKA NI NELSON.
"ANO NAMAN IYON?" TANONG NI MARY JANE.
TUMAYO SI NELSON SA PAGKAKAHIGA AT LUMAPIT PA SA GIRLFRIEND. HAHALIKAN NIYA NA SANA SI MARY JANE PERO ITINULAK SIYA NITO PALAYO.
"BAKIT?" TANONG NG BINATA.
"ANONG BAKIT? LASING KA LANG KAYA HUMIGA KA NA," TUGON NI MARY JANE.
"ALAM KO ANG GINAGAWA KO!" WIKA NI NELSON.
"ALAM MO PALA. BAKIT KA NAGKAKAGANYAN?" TANONG NI MARY JANE NA MEDYO NAIINIS.
"AYAW MO? MAHAL NAMAN NATIN ANG ISAT-ISA HA?" TUGON AT TANONG NITO.
"HINDI AKO GANOON NELSON. AKALA KO BA MABAIT KA?" GALIT NITONG BIGKAS.
TUMALIKOD SI MARY JANE AT NANG AKMANG AALIS AY AGAD SIYANG HINAWAKAN NI NELSON SA KAMAY AT NAPAUPO ITO SA KAMA.
"HUWAG MO AKONG GALITIN NELSON AT BAKA KUNG ANO PA ANG MAGAWA KO!" BANTA NI MARY JANE NA GALIT NA.
"HAY, NAKU! KUNWARI KA PA. PAGBIGYAN MO LANG AKO NGAYON AT PROMISE, HINDI KO NA UULITIN," PAGMAMAKAAWA NI NELSON.
TUMALIKOD MULI SI MARY JANE PARA UMALIS PERO HINAWAKAN NA NAMAN SIYA NI NELSON.
"PLEASE..." MAHABANG SAMBIT NI NELSON.
HUMARAP SI MARY JANE AT NAGULAT SI NELSON SA NAKITA. NAPABITAW SIYA SA KAMAY NITO AT NAPAATRAS. MAY MGA MAHAHABANG PANGIL AT MAPUPULANG MGA MATA. ANG AKALA NI NELSON AY DALA LANG ITO NG KANYANG KALASINGAN PERO KITANG-KITA NIYA ANG PAGBABAGONG ITSURA NG GIRLFRIEND.
"TALAGANG GINAGALIT MO AKO!" IBANG TINIG NI MARY JANE ANG NARINIG NI NELSON.
"HINDI IKAW SI MARY JANE!" SIGAW NI NELSON.
"GANU'N? SIGE, PATUTUNAYAN KO," SAMBIT NG ASWANG NA SI MARY JANE.
MABILIS NIYANG SINAKAL SI NELSON AT KINAGAT SA LEEG NA SIYANG PAGSIGAW NG BINATA DAHIL SA SAKIT.
"HAH..." MAHABA NITONG SIGAW.
UNTI-UNTING NAWALA ANG LAKAS NI NELSON AT INUMPISAHANG LAKLAKAN NI MARY JANE ANG TIYAN NITO AT KINUHA ANG MGA LAMANG-LOOB AT PINAGKAKAIN. TULUYANG NAMATAY SI NELSON AT NAPATAWA LANG SI MARY JANE.
"HINDI LANG IKAW ANG LALAKING BUMASTOS SA AKIN," WIKA NI MARY JANE SA SARILI.
KINABUKASAN, NAKITA NA LANG NG MGA MAGULANG NI NELSON ANG KATAWAN NITONG WALA NANG LAMAN AT NILALANGAW NA. HINDI NILA MASABI KUNG SINO ANG PUMATAY SA ANAK.
WAKAS
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES - Horror/Dark
HorrorMay mga kuwentong bayan tayong naririnig na nagpasalin-salin na rin sa iba't ibang tao habang lumilipas ang panahon. Mga kuwentong nagpamangha sa atin, nagpatawa, nagpaiyak, nagbigay kilabot at kung minsan pa nga'y... nagpakilig na rin sa atin. Mga...