SOMEONE'S POV:
LINGID sa kaalaman ng lahat, ako bilang isang ina ay gagawin ko ang kahit ano alang-alang sa pinakamamahal kong anak. Handa kong ibigay ang lahat ng gusto nito kahit buhay man ang maging kapalit.
Kahapon lang ay humihingi ito ng pera, pambili raw ng selpon. Kahit ni piso ay wala ako ngunit nagawa ko pa ring ngumiti at sinabing pagbalik ko ay may dala na ako ng gusto niyang bagay.
Pagkagising nito, agad na gumuhit sa kanyang mukha ang matamis na ngiti. Nagsisigaw ito sa sobrang saya ngunit ni isang pasasalamat ay hindi ko kailanman narinig mula sa kanya. Ayos lang sa akin. Ang mahalaga, masaya siya.
"Anak, handa na ang masarap mong almusal." Sabi ko at dali-dali naman itong lumapit.
"Wow, mukhang ang sarap nga nito, mama." Umupo ito sa lamesa at sinimulan ang pagkain.
Sige anak, magpakabusog ka. Ayos lang sa akin kahit hindi na ako kumain. Kahit hindi mo na ako yayain o tawagin. Ang mahalaga, maging masaya ka.
Sa sumunod na mga araw, lumapit ito sa akin dahil kailangan daw ng malaking pera para sa proyekto nila sa school. Bukas na raw ang deadline kaya mabilis akong humanap ng paraan. Pagsapit ng gabi, agad akong lumabas dala ang aking itim na bag. Nakasuot ako ng makulay na sando at maikling palda. Sa pagkakataong ito, kailangan ko na namang kainin ang dignidad ko. Kailangan kong lunukin ang kahihiyan para lang sa ikasasaya ng anak ko.
"Let's go to my house." Sabi ng foreigner na nag-aya sa akin kaya't hindi na ako nag-alinlangang sumakay sa kanyang kotse.
Dinala niya ako sa isang malaking condo. Pagpasok, nag-shower muna ito habang ako ay naghihintay sa malambot nitong kama. Inihanda ko na rin ang aking sarili, naghubad ako ng saplot mula taas hanggang baba.
Ilang sandali, nakita kong lumabas ito at nakangiti. Unti-unti niya akong ginapang. Anuman ang gawin nito, naging manhid na ang buo kong katawan. Sa dami ng mga lalaking nakatatalik ko gabi-gabi, pakiramdam ko ay paulit-ulit ko lang iyong nararanasan, wala man sa nagliliyab na sitwasyon.
Nang marating nito ang tuktok ng kaligayahan, agad na gumapang ang aking kamay patungo sa maliit na lamesa kung nasaan ang aking bag. Kinuha ko ro'n ang mahaba at matalim na kutsilyo. Isang malakas at sunod-sunod na pagsaksak sa leeg nito ng ginawa ko. Hindi na ito nakasigaw at naliligo man kami sa sarili nitong dugo, wala akong pakialam makuha ko lang ang mga bagay na magpapasaya sa anak ko.
Nang tuluyang mawalan ng hininga, inihiga ko siya sa kama at sinimulang hiwain ang kanyang tiyan. Wala akong dapat sayangin sa bawat gabi at tulad ng dati, kinuha ko ang ilang lamang-loob nito at ibang parte ng katawan. Kailangan kong magdala ng karne para sa masarap na almusal, tanghalian at hapunan ng aking pinakamamahal na anak. Pagkatapos nito ay kinuha ko rin ang lahat ng kanyang pera at mga alahas na maaaring ibenta. Ilang saglit pa ay naligo na rin ako dahil kailangan ko ng umuwi ng bahay para sa aking anak.
Kinabukasan, napagmasdan ko muli ang labis na saya sa kanyang mukha. Umaasa akong kahit isang beses man lang ay pasasalamatan niya ako, yayakapin o kaya naman ay bibigyan ng matamis na halik sa pisngi. Ngunit wala. Wala akong isang salita na narinig.
Nagpatuloy ako sa pagluluto ng mga karneng aking nakuha. Habang siya ay kumakain, natutuwa akong pagmasdan ito. Sarap na sarap siya sa mga potaheng adobo, kaldereta at sinigang na binti ng tao.
Bilang ina, gagawin ko ang lahat huwag lang magutom ang aking anak. Gagawin ko ang lahat mabuhay lang siya at makapag-aral ng maayos.
Sa sumunod na araw, biglang siyang may inindang sakit sa bandang tiyan at dibdib. Kita ko ang hirap na nararamdaman niya. Hindi ko kayang pagmasdan siyang gano'n kaya agad itong ipinasuri sa doctor. Napag-alamang mayro'n itong kidney cancer at heart disease. Ayon sa salaysay ng anak ko sa sumuri sa kanya, matagal niya na raw tinitiis sa pag-aakalang ordinaryong karamdaman lang iyon.
Bilang ina, gagawin ko lahat mailigtas lang siya. Ma-operahan at mabuhay pa sa mundong ito. Alam kong malayo pa ang maaabot niya. Alam kong marami pa siyang pangarap.
Iniwan ko siya sa hospital dahil sa kinakilangan ko muling humanap ng paraan. Habang tinatahak ko ang kalye kasama ang isang lalaki, bigla niya akong sinuntok sa tiyan. Inilabas niya ang isang posas, gusto pala ako nitong hulihin.
Nanlaban ako at mabilis siyang sinipa sa maselang parte ng katawan. Hindi ako puwedeng makulong, kailangan ng anak ko ng tulong para mabuhay siya.
Mabilis na pagtakbo ang ginawa ko. Nahawakan ako nito sa kamay kaya mabilis kong kinuha ang mahabang kutsilyo. Pinagsasaksak ko siya nang pinagsasaksak hanggang sa matumba ito sa kinatutungtungan. Para hindi na makasigaw pa, mabilis kong hiniwa ang kanyang leeg.
Bumalik ako sa hospital at mabilis na kinausap ang doctor para sa pinal na desisyon.
"Sigurado ka ba?" tanong pa nito.
Tumango ako at bago ang lahat, isang liham ang isinulat ko para sa aking pinakamamahal na anak.
***
Nagising ang dalaga matapos ang mahaba-habang operasyon. Bago pa man makapagsalita, iniabot ng doctor ang liham galing sa kanyang ina.
-----
Anak, pasensya na kung sa pagkakataong ito ay hindi ko na maibibigay ang mga gusto mo. Siguro, ito na lang ang maireregalo ko sa nalalapit mong kaarawan. Buhay ko man ang maging kapalit, ayos lang dahil mas mahalagang mabuhay ka pa. Anak, alam ko namang mahal na mahal mo ako. Anak, mag-iingat ka palagi.
-----Matapos mabasa ang sulat, may mga dumating na pulis. Hindi siya makapaniwala sa ginawang pagsasakripisyo ng kanyang ina sa pamamagitan ng pagbibigay sa sarili nitong puso at kidney. Hindi niya lubos maisip na nagawa ang mga bagay na iyon para lang maging maayos ang kanyang kalagayan. Noong una ay ayaw niyang maniwala ngunit nang makita sa likod ng kanilang bahay ang ilang piraso ng mga buto, kuko, buhok at mga inuuod na laman ng tao, halos masuka siya.
Doon niya lang nalaman at naunawaan na ang kanyang kinakain ay pawang galing sa karne ng isang tao.
WAKAS
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES - Horror/Dark
HorrorMay mga kuwentong bayan tayong naririnig na nagpasalin-salin na rin sa iba't ibang tao habang lumilipas ang panahon. Mga kuwentong nagpamangha sa atin, nagpatawa, nagpaiyak, nagbigay kilabot at kung minsan pa nga'y... nagpakilig na rin sa atin. Mga...