NANINIWALA ang karamihan sa 'tin na kapag daw ang isang kaluluwa ay patuloy na nagpapakita, gusto nito ng katarungan o hustisya. Subalit mahirap at nakakatakot kung ikaw ang mapili n'ya. Ang kuwentong ito ay base sa tunay na buhay ni Meachelle na ibinahagi sa 'kin ng isa sa pinakamatalik kong kaibigan at ngayon ay aking ibabahagi sa inyo. Ang lugar, tauhan at panahon ay sadyang binago ko para na rin sa kaligtasan at pagkatao ng taong pag-uusapan.
Ang probinsya ng Negros ay taglay ang islang sagana sa halama't mga hayop na minsan mo lang makikita sa ibang lugar. Magkakalayo ang mga tahanan at walang ilaw sa malamig na gabi sapagkat 'di pa dito naabot ng modernong transportasyon. Ito ang isla na kung tawagin ay Baltugon kung saan nakatira ang pamilya ni Mang Lino. Simple lang ang pamumuhay nila at nakakaraos naman sa araw-araw na pagkain. May nag-iisang anak si Mang Lino na nagngangalang Meachelle na 'di mo makikitaan ng negatibong pag-uugali. Matalino, maganda, mabait, masipag at matulungin ang mapapansin sa matahimiking batang ito.
Wala s'yang ibang ginagawa kundi ang magtrabaho sa bahay at tulungan ang mga magulang. Napakasuwerte ni Mang Lino at Aling Lunor sa pagkakaroon ng ganitong anak. Nasa ikaanim na baitang na si Meachelle at nangunguna pa rin sa klase. Ang paaralang pinapasukan n'ya ay medyo malayo-layo at kinakailangan mo pang umakyat sa mabatong daan ng bundok. Ngunit dahil nga sa kasipagan, naipagpatuloy nito ang pag-aaral at binabalak na makapagtapos upang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.
"Nay! Tay! Pasok na po ako," paalam ni Meachelle.
"O, sige at mag-iingat ka sa daan," paala naman ng kanyang ina.
"Opo! 'Yan naman po ang palagi kong ginagawa," dagdag pa nito.
"Baon mo anak!" sabay abot ng kanin na binalot sa dahon ng saging.
"Salamat po Tay! Sige mauna na po ako," at tuluyang naglakad.
Lagpas din sa isang oras na lakaran ang ginagawa ni Meachelle para makarating sa paaralan. Mag-isa man sa daan ngunit 'di s'ya kailanman nakaramdam ng takot sapagkat malapit ito sa panginoon. Matapos ang mahabang paglalakbay, natanaw na n'ya na ang Paaralang gawa sa pinagtagpi-tagping kawayan na ang bubong ay gawa sa dahon ng buko. Uminom muna s'ya sa malinaw sa sapa bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Sa harap ng Classroom na kanyang pinapasukan ay nakatayo ang isa pang bahay na matagal ng walang naninirahan. Halos mapuno na ito ng sapot ng mga gagamba at tinitirhan na rin ng mga daga at iba pang peste.
"Meachelle! Nandito ka na pala," tawag sa kanya ng isa mga kaklase.
"Josie!" sabay apir dito. "Nandiyan na ba ang guro natin?" tanong nito.
"Wala pa. At saka maaga pa 'to kaya kung pwede gumala muna tayo," wika ni Josie.
"Gala? Saan naman tayo gagala?" tanong ng dalaga.
"Kahit saan. Kung gusto mo ikutin natin ang buong School." itinuro pa nito ang paligid.
"Hahaha! Nagbibiro ka ba? E, ang liit ng School natin tapos iikutin mo pa." natawa si Meachelle.
"Bakit 'di pa pwede? Tara na kasi." Hinatak ang kamay ni Meachelle.
"Oo na!" sumunod sa paglakad ng kanyang kaklase.
Naglakad sila patungo sa likod ng paaralan. Nakita nila do'n ang matandang puno ng akasya na ginagawang panakot sa mga istudyante dito. Palaging sinasabi ng kanilang guro na ang punong ito ay pinamamahanan ng mga engkato gaya ng Kapre, Tikbalang, Nuno, Duwende at marami pang iba.
"Bakit ba kasi gustong-gusto mo pumunta dito," tanong ni Meachelle.
"Wala lang. Medyo curious kasi ako d'yan sa puno. Hindi naman pala talaga nakatakot at mukhang patay na nga 'yan oh!" Sabay turo sa puno.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES - Horror/Dark
HorrorMay mga kuwentong bayan tayong naririnig na nagpasalin-salin na rin sa iba't ibang tao habang lumilipas ang panahon. Mga kuwentong nagpamangha sa atin, nagpatawa, nagpaiyak, nagbigay kilabot at kung minsan pa nga'y... nagpakilig na rin sa atin. Mga...