IYAK NG GANTI

57 5 0
                                    

NAGKAROON ng kasiyahan ang magbabarkada kabilang si Shaira. Naparami ang inom nila maliban sa dalaga na sobrang mahinhin at hindi mahilig sa mga ganiting bisyo.

"Beshy! Uwi na tayo. Gabi na 'oh! Mapapagalitan ako ni Mommy nito." Nakayakap sa sarili si Shaira.

"Mamaya na. Maaga pa naman. Sumali ka na kasi." Hinatak ni Jhenny ang dalaga papalapit sa lamesa ng mga lalaki.

Napatingin sa kanya ang mga ito at parang kakaiba ang mga titig. May isang lalaki ang lumapit at hinawakan siya sa makinis na braso.

"Ganda mo 'ah. Tayo na?" mayabang nitong sabi.

Isang malakas na sampal ang biglang naibigay ng dalaga dahil sa pananalita nito. Gaganti sana ang lalaki ngunit may pumigil sa kanang kamay nito.

"Babae 'yan. Huwag mong sasaktan." At ibinaba nito ang palad.

Naghiyawan ang ibang mga lalaking kasamahan dahil napigilan nito ang pangbabastos ng kasama sa kaibigan ni Jhenny.

"Salamat." Wika ni Shaira at napayuko.

"Hindi ka mahilig sa mga ganitong kasiyahan?" patanong ni binata.

Umiling ang dalaga bilang tugon.

"Okay! Melvin nga pala." At iniabot nito ang isang kamay upang makipagkilala.

"Shaira!" ngiting tugon ng dalaga at hindi niya batid na napakagaan ng pakiramdam niya sa taong kaharap.

"Samahan mo muna 'yang best friend ko, Melvin. Pareho naman kayong mabait." Pagbigkas ni Jhenny ay nagtawanan ang lahat.

Naging mabuti ngang magkaibigan ang dalawa. Sa mga lakad ay mapagkakamalang may relasyon ang mga ito. Sa lumipas na mga araw ay parang panliligaw na ang ginagawa ng binata para kay Shaira.

"Anak! May guwapong naghahanap sa iyo sa labas." Bigkas ng Ina at dali-daling lumabas ang dalaga sa kuwarto upang tingnan kung sino iyon.

"Flowers?" at ibinigay ni Melvin ang isang Boquet ng mga bulaklak.

"Salamat para rito." Inaamoy pa iyon ng dalaga.

"Parang ikaw nga ang mga bulaklak na iyan. Magaganda at nakaka-inlove." Nang sabihin iyon ng binata ay natigilan si Shaira at napatitig sa nakangiting mukha ni Melvin.

Niyakap ito ng dalaga at hindi na nakapaglabas ng tinig. Sa tahanan na nito pinakain ng tanghalian ang binata. Payag naman ang mga magulang nito sa panliligaw na ginagawa ng binata. Isang araw ay kinausap ng Ina si Shaira.

"Kailan mo ba sasagutin si Melvin?" tanong nito.

"Hindi pa ako handa 'nay na magka-boyfriend. Tatapusin ko muna itong High School ko bago pasukin ang mga ganoong bagay," tugon ng dalaga.

"Paano 'yung panliligaw na inilalaan niya para sa iyo?" malungkot na tanong muli ng Ina.

"Kung talagang mahal niya ako ay kaya niyang maghintay. Sasabihin ko sa kanya ang dahilan." Lumakad na ang dalaga dahil niyaya siya ni Melvin na lumabas.

Pagdating sa isang Restaurant na pinag-usapan nila ay naroroon na ang binata. Nakangiti nitong sinalubong ang dalaga at hinalikan sa pisngi. Medyo naiilang pa si Shaira dahil nga hindi ito sana'y sa ganoon. Umupo na sila ang nag-order ng mga masasarap na pagkain at inumin si Melvin para sa nililigawan. Napatingin ang dalaga sa mga iyon at napapaisip dahil parang pinapaasa niya lang ang binata.

"Melvin." Tawag niya rito ng nakangiti.

"Yes, Shaira?" halata sa mukha ng binata na interesado sa sasabihin nito.

"May nais lang akong linawin," wika nito.

"Ano ba 'yun?" ang kaninang interesadong ekspresyon ay napalitan ng pagtataka.

SHORT STORIES - Horror/DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon