DUMILAT ako. Napakadilim ng kinalalagyan ko. Hindi ko alam kung nasaan at anong lugar ang kinahihigaan. Sa pagtayo'y mabilis akong humakbang. Naghanap ng kung anong maaaring mahawakan. Sa wakas ay aking nadakip ang pintuan. Mabilis ko iyong binuksan. Isang nakasisilaw na liwanag ang tumambad sa akin.
Isang babae ang nakaputi. Sa kanyang labi ay may matatamis na mga ngiti subalit ang mga mata'y ikinukubli ng mahahabang buhok. Lumakad ito sa direksyong aking kinatatayuan. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Agad akong tumakbo ng mabilis. Hindi alam ang patutunguhan. Nasaan ako? Bakit ito nangyayari?
Isip ko'y gulong-gulo. Sa ilang sandali, ako'y napahinto sa mabilis na paghakbang. Isang bata ang sa akin nakaturo. Ang isa niyang kamay ay may hawak na patalim. Mga mata nito'y pula at tila galit. Siya'y ngumiti at kita ko ang maiitim nitong ngipin. Tuhod ko'y sobrang nanginginig. Katawan ko'y nag-iinit at mga paa'y pilit na itinitindig. Muli akong napatakbo ng hindi man lang nakapaglabas ng tinig. Ayaw ko na! Tigilan niyo na ako!
Sa pag-iisip ako'y napatigil. Hindi ko batid ang tuloy-tuloy kong paghakbang ng mabilis. Tila may nagbabalik sa aking alaala. 'Yung nakaraang pilit kong inililihim sa sarili at sa lahat. Ano'ng nakaraan ang ikinatatakot ko? Ano'ng kinalaman ng mga taong nagpakita sa akin? Napapapikit ako ng pilit. Luha'y labis na dumadaloy sa mata kong namamaga. Mukha ko'y hindi na mapinta. Hindi ko na maramdaman ang aking sarili. Manhid kong masasabi.
Ako'y napatigil. Isang matandang hawak ang sariling ulo ang nakangiti. Sa sahig ay dumadaloy ang napakaraming dugo. Ako'y napasigaw at sa isang iglap ay hinimatay. Mata ko'y nagmulat. Bumangon at nakita ko sila. Batid ko ang ngiti sa kanilang labi. Nakuha na nila ang hustisya. Ako ang pumatay sa kanila. Pamilyang hindi ko ninais. Ako'y sinundo papuntang impyerno.
WAKAS
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES - Horror/Dark
HorrorMay mga kuwentong bayan tayong naririnig na nagpasalin-salin na rin sa iba't ibang tao habang lumilipas ang panahon. Mga kuwentong nagpamangha sa atin, nagpatawa, nagpaiyak, nagbigay kilabot at kung minsan pa nga'y... nagpakilig na rin sa atin. Mga...