ANG TINATAWAG na mag-asawa ay 'yung
dalawang taong nagmamahalan at nagsama
dahil sumumpa sila sa diyos at loob ng
simbahan. Ngunit ang karamihan sa 'tin ay 'di
nagiging sapat sa iisang lalaki o babae man.
Bago mo basahin 'to, pinapaalala kong may
eksena ditong 'di kaaya-aya o sadyang maselan
kaya maging bukas tayo sa mga pangyayari.Masasabing masayang pamilya sina Allan at Liza
sapagkat walang problema ang pumipigil sa
kanila. Ang pagsasama nila ay nagbunga ng
dalawang batang sobrang mababait at
masisipag. Mangingisda ang kabuhayan ni Allan
at kahit man ganoon ay nakakaraos sila sa araw-
araw na pangangailangan. Samantalang si Liza
ay naiiwan lamang sa bahay at binabantayan
ang dalawang anak na limang taon ang
panganay at tatlong ang bunso."Bye, Hon! Alis na ako," paalam ni Allan.
"Sige, baka mahuli ka sa mga kasamahan mo."
Hinalikan sa pisngi ang asawa. "Mag-iingat sa
dagat."Nagpaalam na si Allan at 'di na nakapagpaalam
sa mga anak sapagkat natutulog na ang mga ito.
Isang linggo rin ang itatagal ni Allan doon.
Biglang tumunog ang Cellphone ni Liza at
mabilis niya 'yong kinuha at sinagot.Liza: Hello! Romie.
Romie: Ano? Punta na ba ako d'yan?
Liza: Sige, pero sa gabi lang dahil baka
makahalata ang kapitbahay.Romie: Oo ba! Okay, Bye na.
May saya pa'ng makikita sa mga mata ni Liza. Si
Romie ang lalaking pinapapunta niya sa
kanilang bahay tuwing aalis ang asawa upang
mangisda. Lumipas ang ilang oras at sumapit
ang gabi. May kumatok sa pinto na alam ni Liza
na si Romie 'yon. Binuksan n'ya ito at agad
s'yang niyakap ng kabet. Naghalikan sila ng
sobrang lalim at umabot sa puntong
nagkahawakan. Pinatulog na talaga ni Liza ang
mga anak upang 'di makaalam. Pumasok sila sa
kwartong tinutulugan at doon ipinagpatuloy ang
gustong mangyari.Si Allan ay may sampong metrong manukan na
naglalaman ng mahigit isandaang manok.
Kinabukasan bago sumibol ang araw, kumuha
muli ng manok na alaga si Liza at niluto
para sa kanyang bisita.Nang makakain na ay agad itong nagpaalam. Sa
kanyang isip, malayo man ang asawa basta't
may pumapalit dito. Ang 'di alam ni Liza ay
nakakahalata na si Allan dahil sa tuwing uuwi
siya ay nababawasan ang kanyang mga manok.
Ngunit kailanma'y 'di niya ito hinalaang may
ibang kinakasama.Makalipas ang isang linggo ay muli na namang
uuwi si Allan galing sa pangingisda. Marami
itong dalang isda at pera. Agad niyang ibinili
ng mga pasalubong ang asawang si Liza gano'n din sa
kanyang mga anak. Ganyan kamahal ni Allan si
Liza. Higit pa sa kanyang buhay ang handa
nitong ibigay sa asawa. Nang bisitahin ni Allan
ang manukan ay napansin n'yang muli na
naman itong nabawasan."Nagtataka lang ako Hon! Bakit parang paunti-
unti ang alaga nating manok?" malaking
pagtataka."Hindi ko nga rin alam. Baka may magnanakaw
na kumukuha d'yan," pagpapalusot nito."Magnanakaw? Pero wala akong nabalitaang
ganu'n dito sa lugar natin," tugon ni Allan."Malay mo lang. 'Di natin masasabi dahil 'di
mahuli," wika ni Liza."Baka nga. Kaya napakahirap magtiwala ngayon
sa tao," pagsang-ayon ni Allan na halatang
tinamaan si Liza.Matapos ang araw na 'yon, muli na namang
aalis si Allan. Nagpaalam muna ito sa mga anak
at asawa."O, huwag magpapasaway sa nanay ha! Dapat
magpakabait." hinimas ang ulo ng mga anak."Opo! Papa," sabay nitong tugon.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES - Horror/Dark
HorrorMay mga kuwentong bayan tayong naririnig na nagpasalin-salin na rin sa iba't ibang tao habang lumilipas ang panahon. Mga kuwentong nagpamangha sa atin, nagpatawa, nagpaiyak, nagbigay kilabot at kung minsan pa nga'y... nagpakilig na rin sa atin. Mga...