[This story was inspired from the novel of Mr. Louie Belocora which is the Dark Hunter. Lahat ng mga tauhan, lugar at mga kaganapan ay pawang likha lamang mula sa imahinasyon ng sumulat.]
DUMILIM ang buong kapaligiran mula sa pagbalot ng itim na mga ulap sa kalangitan. Ang hangin sa paligid ay sadyang lumakas at lumamig dahilan upang kainin ng takot ang isip ng bawat nilalang. Sa ilang sandali, mapagmamasdan ang matatalim na mga kidlat na kayang kitilin ang buhay ng sinuman. Ito ang nangyayari ngayon sa buong Zifornum- daigdig ng mga makapangyarihang salamangkero.
Lahat ng nilalang ay itinago sa ilalim ng lupa. Lahat ay binigyang proteksyon sa tulong ni Prinsipe Zion- ang pinuno mula sa mga tagapagtanggol ng kalawakan.
"Maghanda kayo sa kanyang pagdating. Sa paghahasik ni Mosea ng lagim sa daigdig na ito." Matapang na sabi ni Prinsipe Zion. Mula sa baywang, kinuha nito ang nagliliwanag na espada na nagmula pa sa namayapang ama. Nararamdaman niya ang lakas ng kapangyarihan nito.
"Para sa Zifornum." Kinuha rin ni Prinsipe James- pinsan ni Prinsipe Zion ang kanyang sagradong espada.
"Para sa kapakanan ng buong kalawakan." Ganoon din kay Prinsipe Paul- kapatid ni Prinsipe James.
"Para sa ating mga mahal na nilalang." Si Prinsipe Daniel- kapatid nina Prinsipe James at Prinsipe Paul. Tatlong mula pa sa Zenerus- daigdig ng mga mahuhusay na mandirigma.
Ang nakakatakot na paglabas ng mga kidlat ay mas lalong lumakas. Ang mga alikabok na sumasabay sa hangin ay mas naging makapal.
"Narito na siya." Itinaas nina Aira at Airam ang mga nagliliwanag na latigo- ang kambal na mga mahusay sa mahika.
"Alam ninyo ang taglay niyang kapangyarihan. Kailangan nating maging mapagmasid at huwag magpapalinlang sa kanyang tinig." Paalala ni Prinsipe Zion at naalala nila ang bilin ng matandang mangkukulam- lola at tagabigay ng propesiya at mga magaganap.
Si Mosea ay isa sa mga makapangyarihang nilalang na ikinulong noon sa rehas na daigdig. Dahil sa kagagawan ng demonyong hari mula sa Delum- daigdig ng mga masasama ay nakawalang muli si Mosea sa ilog ng kamatayan. Taglay nito ang makapangyarihang tinig na kung sino mang nilalang ang makakarinig ay maaakit o maaaring malinlang at malagay sa bingit ng kamatayan. Ngunit sa mga nahasa ng tagapagtanggol, mahihirapan ito.
Tuluyang binalot ng dilim ang paligid at ang mga nagliliwanag na kapangyarihan na lamang ang makikita mula sa anim. Mayamaya, maririnig ang isang halakhak kung saan.
"Katapusan na ninyo, mga tagapagtanggol." Muli iyong humalakhak ng nakapangingilabot na higit pa sa isang mangkukulam.
"Utak ang ating gamitin at bilis. Maghiwa-hiwalay tayo nang maunahan natin si Mosea." Paliwanag ni Airam at buong-loob na tumango ang iba. Agad silang naglaho.
Nakatuntong ang bawat isa sa mababang kabundukan na tuluyang tinanggalan ng buhay. Ang anyo ay tila disyerto at ang mga puno ay nalanta.
Nagpakita si Mosea habang nakalutang sa hangin. Dinadala sa himpapawid ang mahaba at asul nitong damit. Ang buhok na kulot ay tila along sumasayaw. Ang mga berde nitong mata ay nakakatakot tumingin. Maputi ang balat at may napakasamang ngiti.
"Hindi ninyo ako maiisahan, mga mababang nilalang." Itinaas nito ang mga kamay na may mahahabang mga kuko at sinimulang buksan ang bibig. "Efti... Boslpaven... Wiñas..." isang pagkantang labis na nagpapalambot sa katauhan ng anim na nagtatago sa likod ng kapangyarihan.
"Hindi ko kaya ang tinig niya. Masyadong makapangyarihan at ang..." hindi naituloy ni Prinsipe James ang sasabihin at biglang nabitawan ang espada. Napahawak siya mga tainga ngunit tagos ang tinig ni Mosea.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES - Horror/Dark
HorrorMay mga kuwentong bayan tayong naririnig na nagpasalin-salin na rin sa iba't ibang tao habang lumilipas ang panahon. Mga kuwentong nagpamangha sa atin, nagpatawa, nagpaiyak, nagbigay kilabot at kung minsan pa nga'y... nagpakilig na rin sa atin. Mga...