CHAPTER SEVENTY

173 6 0
                                    

Mature content.

MONICA'S POV

"Thank you Mrs. Ferro sa opportunity na ibinigay n'yo sa amin ng asawa ko, pangako hindi ko kayo bibiguin." Saad ko kay Mrs. Ferro matapos n'yang palakpakan ang mga gawa ko para mamahala sa CU.

"Oh, it's nothing! You deserve it." Nakangiting saad n'ya, ngumiti naman ako.

"So, tommorow will be your flight back to the Philippines?" Tanong nito, tumango naman ako.

"Take a good care of my granddaughter and the School." Nakangiting paalala n'ya.

"I will Mrs. Ferro, thank you!" Magiliw na saad ko, tumango s'ya saka tuluyang lumabas.

Humarap naman ako sa asawa ko saka masayang niyakap s'ya.

"Sabi ko naman sa'yo makakaya mo lahat ng 'yan!" Masayang saad n'ya saka ako hinalikan sa noo.

"Syempre nandito ka! Namimiss ko na si Kyle at Zin, kamusta na kaya sila?" Nalukungkot na saad ko.

"Bukas na bukas ay makikita natin si Kyle, malapit ng maging isang ganap na doctor ang anak natin Monica! Nakakatuwa." Masayang saad ni Garry.

"Tama ka doon, at naniniwala akong makakamit n'ya ang pangarap na inaasam n'ya." Saad ko, ngumiti s'ya saka kinuha ang bag na dala ko.

"Mamili tayo ng pasalubong sa kanila." Saad ni Garry, Tumango naman ako at tumungo kami sa isang shop ng mga damit.

"Tingin mo magugustuhan ito ni Kyle?" Tanong ko sa kan'ya.

"Oo, maganda ang isang yan." Saad n'ya, tumango ako at kumuha pa ng ibang kulay.

"Ang mamahal naman ng damit dito, p'wede ng makagawa ng bahay sa probinsya." Saad ni Garry, natawa naman ako sa sinabi n'ya.

"Tama ka, dapat dalawin natin sila nanay at dalhan ng pasalubong. Namimiss ko na din sila." Saad ko.

"Mamili tayo ng damit para sa kanila at sa iilang pagkain na p'wede sa kalusugan nila." Saad n'ya, tumango ako at namili ng damit para kina tatay at nanay.

Nang matapos kami ay, agad kaming bumalik sa Mansion para ayusin ang mga gamit namin.

Bukas ng gabi ay lilipad na kami pabalik sa Pinas, makakasama ko na ulit ang anak ko.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Zin, hindi ko pa s'ya nakakamusta simula nung makaalis sila.

"Tatawagan ko muna si Zin." Saad ko, tumango naman s'ya saka ako dumiretsyo sa labas ng Mansion at dinaial ang number ni Zin.

"Mmmm, I'm sleeping stop bothering me..." Natawa naman ako nang marinig ko ang inaantok na boses n'ya.

"Zin! Kamusta ka na? Mabuti ka ba d'yan?" Masayang saad ko, natahimik naman sa kabilang linya.

"M-Ma? I'm fine, it's so peaceful here. I want to live here forever! Syempre mas gusto ko kung kumpleto tayong lahat na titira dito." Natawa naman ako ng bahagya nang mag iba ang tono ng pananalita n'ya, yung kaninang inaantok ay ngayon sobrang sigla.

"Paano yan? May kan'ya-kaniya tayong buhay anak." Narinig ko naman ang bugtong hininga n'ya.

"I know." Nalukungkot na saad n'ya.

"Zin, dapat ay alam mo na kung kailan dapat mong makasama ang mga nakasanayan mo." Narinig ko naman s'yang bumugtong hininga.

"Matt's birthday is coming, what should I do? I'm too far to make an effort for his birthday." Saad ni Zin.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon