CHAPTER NINETY-SIX

132 7 0
                                    

KYLE'S POV

Nakatanaw ako ngayon sa kapatid kong wala sa reyalidad ang isip.

"Zin, hindi maganap ni Troy ang pusa mo." Hindi s'ya tumugon, maging pag lingon ay hindi n'ya ginawa.

"Narinig mo ba ako? Ang sabi ko hindi maha---" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita s'ya.

"Narinig ko Kyle, at isa pa hindi n'ya talaga mahahanap si Lee dahil kaaway n'ya si Troy." Kunot noo akong nakatingin sa kaniya.

"Kaaway? Pusa at tao magkaaway?" Takang tanong ko.

"Lee is mad at Troy because he stepped on Lee's tail and by the way, inutusan ka lang nila para hindi mo maubos ang pizza na inorder nila." Yun lang sinabi n'ya at iniwan ako, agad kong pinagulong ang gamit kong wheel chair papunta kila Nanay.

"Yan! Yan! Kaya n'yo ako inutusan na sabihin kay Zin yun ay dahil ang dadamot n'yo! Wala akong puso akin na yan!" Natatawa nila akong tinignan habang ako ay puno ang bibig at may hawak pa sa isang kamay.

"Psh! You're so childish Kyle." Saad ni Trina.

"Sus! Childish, childish ka pang sinasabi d'yan eh patay na patay ka sa'kin!" Nakangising saad ko saka sumubo ulit habang s'ya ay napailing na lang sa asta ko.

"We're homeee!" Malakas na saad ni Matthew kasama si Daniel na kauuwi lang galing sa trabaho nila dito.

"Oh Daniel, Matthew halina't mag meryenda kayo." Saad ni Nanay agad namang kumuha si Matthew ng isang sliced ng pizza.

"Tita, that's not good for the baby and I don't want it, it's too unhealthy." Saad ni Daniel saka deri-deritsyong umupo sa sofa at prenteng hinilig ang ulo sa sandalan.

"Anyway, where is Zin and Troy?" Tanong ni Matthew.

"They're looking for L----" Naputol ang sasabihin ko sa gulat.

"ACHUUUUUUU!" Malakas na bahing ni Daniel matapos mapagtanto na maraming balahibo ng pusa ang sofa na inupuan n'ya.

"Ako na!" Saad ni Marife saka kinuha ang vacuum at nilinis ang surrounding ni Daniel.

"Thank-- ACHUUU!" Pagbabahing n'ya pa.

"Speaking of Zin and Troy." Agaw atensyon ang dalawa, napansin kong puro kalmot ng pusa si Troy sa braso n'ya.

Agad na nilagay ni Zin ang alaga n'ya sa kulungan nito at dire-diretsyong tinungo ang kwarto nila ni Jeanine.

"Tita can I ask you something?" Biglang tanong ni Drake.

"Hindi ba't tanong na yon?" Natigilan naman si Drake at napangiwi, palihim kaming tumawa dahil sa pamimilosopo ni Nanay.

"P'ano malalaman kung ang isang tao ay Gangster Queen?" Tanong ulit ni Drake.

"Hanggang ngayon pa din ba ay hindi n'yo pa din nalalaman ang nasa likod noon?" Nakangiwi saad n'ya.

"Luckily we don't." Saad ni Troy.

"Lahat ng mga nagkakaposisyon sa organisasyon na iyon ay may simbolo na nakatatak sa sari-saring parte ng katawan." Taimtim kaming nakikinig sa kaniya kahit hindi ako makarelate.

"Halimbawa ang tattoo ni Zin sa isa sa daliri n'ya yun ang simbolo ng pagiging gangster princess n'ya. Si matthew meron din yan, hindi ba?" Baling n'ya kay Matt.

"Yes tita." Tanging tugon n'ya.

"Ito ang nakuha ko matapos kong makuha ang posisyon ng pagiging reyna sa organisasyon na iyon." Saad n'ya saka pinakita sa amin ang tatlong shaded na tuldok sa likod ng tainga n'ya.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon