CHAPTER NINETY

141 5 3
                                    

DANIEL'S POV

Matapos ang nangyari lahat kami ay bugbog ang katawan at halos lahat ay naka confine sa Hospital.

Lumabas ako para bumili ng prutas para kay Zin.

I really didn't expected na may gan'ong mangyayari, I can't believe how that girl is so obsessed with Janver.

How I wish, I could protect Zin like how she protected us.

"Here, sir. Thank you for buying have a nice day." Ngumiti naman ako at tumango.

"I should buy some chocolates." Saad ko sa sarili nang makakita ng convenience store.

Nang makalabas ay agad akong napatago dahil nakita ko ang isa sa mga tauhan ni Fatima.

"Yes Madame, susunod na lang kami d'yan. Sisiguraduhin naming malilinis namin ang kaaway." Saad n'ya saka binaba ang tawag.

Agad akong tumago nang lumingon s'ya, pumasok s'ya sa convenience store at ako naman ay dali-daling sumakay ng taxi at tinungo ang hospital.

Habang naglalakad sa hall ay napansin kong may mga lalaking, kakaiba ang kilos mas minadali ko pa ang paglakad nang marating ko ang kwarto ni Zin ay wala s'ya dito.

Agad kong tinungo ang kwarto ng iba pero wala din sila.

Nagsimula na akong kabahan, dali-dali kong tinungo ang kwarto nina Trina at Kyle, para naman akong nabunutan ng tinik ng makita kong nandito silang lahat.

"Where have you been?" Tanong ni Jeanine.

"Bumili lang." Saad ko, tumango naman s'ya at agad akong lumapit kay Matt.

"Matt, we need to get out of here. There's a bunch of men outside, hunting us." Seryosong saad ko, napakunot naman s'ya ng noo.

Hinila n'ya ako sa tabi saka nagsalita.

"Okay, calm down okay? Saan mo nakuha ang impormasyon na yon? Nas'an sila?" Sunod-sunod na tanong n'ya.

"Galing ako sa convenience store, then I saw one of Fatima's men talking to his phone and he says that they will get rid of us. Pagdating ko dito sa hospital ay may napansin akong mga lalaking kakaiba ang kilos. Matt, we should go, we are not safe here." Saad ko, nagpatango-tango naman s'ya.

"Guys we need to go, they're hunting us. We can't fight them at this point." Seryosong saad ni Matt.

"That fuckers won't stop aren't they?" Inis na saad ni Troy.

Agad kaming kumilos, mabuti na lang at wala na yung mga lalaking nakita ko kanina.

Agad kaming tumungo ng patago sa condo na tinutuluyan namin saka kinuha ang importanteng mga gamit.

Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa kung saan.

"We need to get out of here as soon as possible." Saad ni Drake.

"Yeah, is it possible?" Saad naman ni Troy.

"Where's Monrick?" Biglang tanong ni Zin, nagkatinginan naman kaming lahat pero wala s'ya dito.

"Don't tell me you guys left Monrick?" 'Di makapaniwalang saad ni Jeanine.

"You fuckers didn't tell me what happened to him and now you fucking left him at the hospital?!" Singhal ni Zin, na ikinagulat namin.

"Z-Zin, calm down please." Pagsusumano ni Matt.

"How can I fucking calm down when Monrick is not here?!" Singhal n'ya pa.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon