CHAPTER ONE-HUNDRED-THREE

128 4 0
                                    

ZIN'S POV

Natalo ko ang mga armadong lalaki na pumasok sa loob ng bahay, agad kong tinungo ang labas at sinalubong ako ng sandamakmak na armadong tauhan habang hawak nila si Matt.

"Matt!" Tawag ko dito, puro dugo na s'ya.

Marahil ay hindi n'ya na kaya ang dami nito.

"Sumama ka sa'min!" Saad ng isang lalaki.

"Over my dead body." Tanging saad ko saka sunod-sunod na pinaputukan ng baril ang sandamakmak na armadong lalaki na ito.

"Matt!" Tawag ko dito saka inihagis ang baril at nasalo n'ya ito.

Talikuran naming binaril ang mga armadong lalaki at patakbong bumaba sa hagdan.

"Saan sila pumunta?" Tanong ko dito.

"Bumaba sila, pero sigurado akong napalibutan sila ng mga armadong lalaki at nakuha." Saad ni Matt, anong lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Justine..." Tanging lumabas sa bibig ko.

Agad kaming sumakay sa kotse.

"Contact Drake!" Saad ko.

"I can't kaka-take off lang ata ng airplane their phones and laptop are turned off." Saad n'ya agad ko namang pinaharurot ang kotse at pinaghahampas ang manobela.

"Zin! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo!" Singhal sa'kin ni Matt, kinalma ko ang sarili ko saka maayos na minaneho ang kotse.

"Hawak nila ang anak ko Matt! Hawak nila si Justine." Madiin na saad ko, namuo ang takot sa puso ko.

"Alam ko, alam ko. Kailangan nating maging maingat sa mga susunod na hakbang, hindi tayo p'wede magpadalos-dalos." Saad n'ya, tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"Drake is calling." Agad n'yang sinagot ang tawag.

"What happened? Nasa ere na kami." Saad n'ya sa kabilang linya.

"Track everything you can track Drake, hawak nila si Daniel at Justine." Natahimik sa kabilang linya.

"Okay, wait. Marami akong natatrack na nakapalibot sa buong Spain." Saad n'ya, napabugtong hininga naman ako.

"Fuck! Justine! I need to get Justine!" Singhal ko sa buong kotse saka ito itinabi.

"We will get Justine and Daniel." Saad ni Matt.

"I tracked Justine, I put some tracker on his bracelet. Kasalukuyan silang nasa Burgos." Saad ni Drake.

"Burgos?! That fucking way too far from Madrid, how the hell did they get there that fast?" 'Di makapaniwalang saad ni Matt.

Agad kong pinaandar ang kotse at tinungo ang daan papuntang Burgos.

"Naka helicopter sila." Saad ni Drake.

Agad kong pinaharurot ang kotse, para kaming nakikipagkarerahan sa sobrang bilis ng patakbo ko.

"Zin! Please drive safely!" Kabang saad ni Matt habang nakakapit sa sandalan ng bangko.

"I'm fucking gonna kill that bitch! If something happened to my son, I swear to God." Madiin na saad ko habang mahigpit na nakakapit sa manobela.

"Lord save us." Saad ni Matt.

Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho hanggang sa marating namin ang part ng Burgos.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon