CHAPTER ONE HUNDRED

133 6 0
                                    

ZIN'S POV

Kasalukuyan kaming nasa Valencia Beach, natutuwa akong nakatanaw sa kapatid at anak ko na naglalaro sa buhanginan kasama si Daniel.

"Mama! Mirar!" Saad ng tatlong taong gulang na anak ko habang pinapakita sa'kin ang shell na nakuha n'ya.

Translation: Mama! Look!

"Hermosa." Nakangiting saad ko saka ginulo ang buhok nito at agad na bumalik kay Daniel.

Translation: Beautiful.

"Zin, here's the information you asked me. Hindi natuloy ang kasal nila sa hindi malaman na dahilan, napag alaman ko din na naghiwalay sila." Saad ni Drake, binasa ko ang buong article sa laptop n'ya.

"Gracias Drake." Tumango lang ito at bumalik na kina Francis.

"His memories are back." Saad ko nang mapagtanto ang nabasa.

Tila may kung anong saya akong maramdaman sa loob ko, nakangiti kong tinignan si Justine.

"It's time." Saad ko, agad kong sinenyasan si Matthew at lumapit naman s'ya.

"What's up?" Tanong n'ya sa'kin.

"I'm taking back what's mine." Seryosong saad ko na ikinatigil n'ya.

"Y-You mean itutuloy mo? P'ano ang anak mo?" Tanong n'ya.

"Hindi s'ya madadamay dito, ibabalik ko ang dapat sa'kin. At buburahin ko sa mundo ang lahat ng humarang sa dadaanan ko, hindi ako makakapayag na hindi mamamatay ang taong pumatay kay Monrick." Madiin na saad ko.

"We're fine now, why are you doing this? Hindi mo ba pagbibigyan si Daniel?" Tanong n'ya, muli akong tumanaw kay Daniel at Justine na masayang naglalaro.

"He'll understand, Matt please! Kung hindi n'yo ako tutulungan ako, ako ang gagawa, ako ang kikilos." Seryosong saad ko.

"P'ano kung may mangyaring masama sa'yo? P'ano si Justine? Zin! Don't be so selfish. You have a child!" Saad n'ya, umirap naman ako.

"Matthew, kung hindi mo ako tutulungan then don't! Hindi kita pinipilit. Pag nagtagumpay ako babalik tayo sa Pilipinas, pero kung hindi at nagkataong buhay pa ako n'on mananatili tayo dito." Saad ko saka iniwan s'yang nakatayo doon.

"What's up with you and Matt?" Tanong ni Daniel nang makalapit ako sa kanila.

"This is the time I'm taking back what's mine." Saad ko natigilan s'ya at umiwas ng tingin.

"If that's what you want, then I'll be at your back." Saad n'ya, ngumiti ako at bumaling sa anak ko.

"Justine, let's go it's time to eat." Saad ko saka tinayo s'ya.

"Mama, Dadi." Tumigil ako at tinignan s'ya, ngumiti ako at tumango.

Hinintay naming makatapat si Daniel saka nagpatuloy.

Tatlong taong gulang pa lang s'ya pero madami din s'yang salitang nababanggit at ang nakakamangha doon ay deritsyo n'ya itong nasasabi.

"Dadi! Play there." Saad n'ya kay Daniel.

"Of course, clean your hands before eating okay?" Saad nito, at tumango naman si Justine.

"Justineeeeeee! Halika kay tita!" Magiliw na saad ni Jeanine.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon