CHAPTER NINETY-SEVEN

130 4 1
                                    

MATTHEW'S POV

"Hey what are doing here in the middle of the night?" Tanong ko kay Zin nang mapansin ko s'ya sa balkonaheng mag-isa, kukuha sana ako ng tubig nang mamataan ko s'ya.

Kabuwanan n'ya ngayon at hinihintay lang namin ang araw kung kailan s'ya mangangak.

"Nothing." Tanging tugon n'ya, umupo ako sa tabi n'ya at tinignan s'ya.

Malayo ang isip sa reyalidad.

"Sino ang iniisip mo? Si Monrick o si Janver?" Tanong ko dito, lumingon s'ya sa'kin saglit saka binalik ang tingin sa tanawin.

"Paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon Matt?" Seryosong tanong n'ya.

"I-I can't answer that Zin, but I'm sure there's a purpose in every pain you've been through." Saad ko.

"Gusto kong malaman kung anong lagay ni Monrick, hindi ko na kakayanin pa pag may masamang nangyari sa kaniya." Agad na tumulo ang luha n'ya, lumapit ako sa kaniya at niyakap s'ya.

"Hindi din namin kakayanin pag may nangyaring masama sa'yo Zin, please be strong. Use our strength to be strong Zin." Saad ko.

"Hindi ko rin ipagkakaila na gusto kong mabawi ang ama ng dinadala ko, alam kong hindi n'ya gusto lahat ng ito. Biktima lang din s'ya ng kabaliwan ng Fatima na yun." Saad n'ya saka pinunasan ang luha.

"Hey, let's not stressed ourselves about that. Just think about it, we've been bestfriend for 13 years. Wow!" Masayang saad ko.

"Tama ka, hindi ko rin akalain na magiging kaibigan kita." Natatawang saad n'ya.

"Ouch! You definitely hurt my feelings Zin! Parang kasalanan ko pang naging magkaibigan tayo? Ang sakit mo na magsalita!" Kunwaring nasasaktan na saad ko.

"Yuck! You sound like my childish brother!" Maarteng saad n'ya, napangiwi naman ako nang si Kyle ang tinutukoy n'ya.

"Don't compare me to him! Mas higit na magandang lalaki ako kesa kay Kyle no!" Saad ko habang nakataas ang noo.

"Pero hindi mo matatalo ang makatindig balahibong itsura ni Janver." Nakangising saad n'ya.

"Alam mo ikaw, ng iinsulto ka lang eh. Matulog ka na nga!" Kunwaring naiinis na saad ko na ikinatawa n'ya.

"Dumbass!" Natatawang saad n'ya.

"Hey! You really should sleep now. It's bad for the baby! Go now." Saad ko saka marahan s'yang tinulak papunta sa kwarto nila ni Jeanine.

"Thanks for the small talk, gumaan pakiramdaman ko kahit papaano. Goodnight Matty." Ngumiti ako saka tumango, tuluyan n'ya ng isinara ang pinto.

Dumiretsyo ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom.

"Oh Matthew bakit gising ka pa?" Tanong ni tita Monica.

"Ah, nagutom lang tita. Bakit lumabas pa kayo ng ganitong oras?" Tanong ko dito.

"Nagugutom din ako eh, ano ba yang kinakain mo?" Tanong nya.

"Ah sliced bread with strawberry jam tita." Saad ko.

"Bigyan mo nga ako n'yan." Saad n'ya, agad naman akong kumuha ng sliced at pinalamanan ito.

"Tita sa tingin mo ba maayos ang lagay ni Monrick?" Tanong ko dito na ikinatigil n'ya.

"Hindi ko din mawari ang isasagot sa tanong na yan Matthew, nag-aalala ako sa kambal ko hindi ko rin alam kung nasa ayos pa s'ya o hindi. Pero yung pakiramdaman ko ay hindi." Saad n'ya.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon