CHAPTER EIGHTY-TWO

134 6 0
                                    

MONRICK'S POV

Its been a while since noong makarating ako sa Pinas, nagulat naman ako noong malaman kong napigilan nila si Zin na sumunod at alamin ang problema.

Kasalukuyan akong nasa Hospital, nasa coma pa din si Kyle at Trina, simula nang dumating ako ay wala kaming ginawa ni Drake kundi hanapin ang may pakana ng lahat ng ito.

Nakabalik na rin ang sekretarya ni Matthew at palihim namin s'yang sinusubaybayan pero wala kaming makuhang impormasyon sa kaniya.

"Monrick, do you think mahahanap natin ang may gawa ng lahat ng ito?" Tanong ni Drake habang tutok sa laptop.

"We have too, its for our own good and especially Zin." saad ko.

"Bakit ba nila satin hinahanap ang Gangster Queen? Hindi ba't dating Princess lang si Zin?" Natigilan naman ako, saka nagkibit balikat.

"I'm going Drake, balitaan mo na lang ako. Take care, if there's something wrong call me immediately okay?" Tumango naman s'ya saka ako tuluyang lumabas sa kwarto at tinungo ang kotse ko.

Dinial ko ang number ni Zin para kamustahin s'ya, hindi ko alam kung magagalit s'ya sa'kin sa ginawa kong biglang pag-alis ng hindi sinasabi ang dahilan.

"What?" Sa tono ng pananalita n'ya ay naiinis s'ya.

"Zin, I want to say sorry about the last time." Saad ko, natihimik naman sa kabilang linya.

"Okay, bye." Agad n'yang binaba ang tawag, napabugtong hininga naman ako at tinawagan ulit ang number n'ya.

Sa pagkakataong ito at pinatay n'ya ang tawag, nakalimang ulit na ako pero pinapatay n'ya lang.

Huling attempt ko ng tawag sa kaniya ay hindi ko na mareach ang number n'ya.

"I got blocked? Jeez!" Napabugtong hininga na lang ako saka tuluyang umalis at tinungo ang bahay ni Monica.

Agad kong pinasok ito ng hindi kumakatok o nagdo-door bell.

"D'yos ko! Monrick! Hindi ka ba marunong kumatok?!" Singhal ni Monica nang lumingon sa'kin.

"Oh, I thought your house will automatically knew who entered it." Saad ko, inirapan n'ya naman ako saka pinunasan ang basang kamay.

"May problema ka ba?" Inis na saad n'ya sa'kin.

"Chill ka lang, ang hot mo agad eh." Saad ko, sinamaan n'ya lang ako ng tingin.

Kumuha s'ya ng lemon at binalatan ito saka sinawsaw sa asukal at kinain, napakunot naman ang noo ko.

"What the hell? Nanga-ngasim ako sa ginagawa mo Monica! Tsaka napapansin ko parang ang taba mo na." Saad ko, habang sinusuri ang kabuuan n'ya.

Inirapan n'ya naman ako.

"Buntis ako." Saad n'ya na ikinalaki ng mata ko.

"Anak ng tipaklong ka naman Monica, bakit nagpabuntis ka ngayong ganito ang sitwasyon natin?!" Singhal ko sa kaniya, napairap naman s'ya sumubo ulit ng lemon na ikinaasim ng mukha ko.

"Hindi ko naman alam na magiging ganito ang sitwasyon ng lahat Monrick. P'wede ba? Lumayas ka nga sa harap ko baka masaksak kita ng wala sa oras." Napasimangot naman ako sa ugaling pinapakita n'ya kaya umalis ako at tinungo ang sala.

"Tch! Like mother like daughter." Saad ko sa sarili, prente akong umupo at hinilig ang ulo ko sa sandalan ng couch.

Naramdaman ko ang yabag ng isang tao, maging amoy nito ay alam ko na kung sino.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon