CHAPTER SEVENTY-NINE

137 7 0
                                    

KYLE'S POV

Kasalukuyan akong mag-aayos dahil kakain kami sa labas ni Trina.

Nang makuntento ay lumabas na ako at nagpaalam kay nanay, agad kong tinungo ang daan papunta sa Mansion ng mga Ferro.

Tanaw ko na si Trina na naka yellow dress, sobrang bagay sa kaniya nito.

Napakaganda para s'yang isang anghel, napaka espesyal sa akin ang araw na ito kaya dapat kong paghandaan.

"Natagalan ba ako?" Tanong ko sa kaniya nang makababa ako para pag buksan s'ya ng pinto.

"No, kakalabas ko lang rin." Saad n'ya ngumti ako at tinungo ang restaurant.

"Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Tanong n'ya sa'kin, ngumiti ako at nilingon s'ya.

"No, I feel so much better. Magaling ka mag-alaga eh." Nakangiting saad ko saka tinuon ulit ang daan.

Nang marating namin ang restaurant ay agad kaming nag order.

Sa kalagitaan ng aming pagkain ay nagsalita si Trina.

"Sa tingin mo ba may kinalaman yung 'Fiancé daw ni Janver' sa nangyari sa kaniya? Kasi ako, duda ako sa babaeng yun. Dzuh! Kapal ng mukha n'ya ha!" Naiinis na saad n'ya habang nakatingin sa pagkain, napakibit balikat naman ako.

"I don't know, base sa kwento ni Troy para silang normal na nagsasama. It's just a month noong nawala s'ya di'ba? And how could it be so sudden to be a fiancé?" Takang tanong ko nang mapagtanto.

"You have a point, there's something wrong about it." Saad nya.

"Sana maresolbahan na ang ang pangyayaring 'to, si Zin ang nahihirapan eh." Nalukungkot na saad ko.

"Alam mo hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang okay kami ni Zin, I treat her like my bestfriend even a real sister." Nakangiting saad n'ya.

"Sus, bilib ka lang kay Zin eh." Natawa naman s'ya.

"Alam mo ba noong hindi ko pa alam na kapatid ko si Zin, nagka crush ako sa kaniya." Natigilan naman si Trina at 'di makapaniwalang tumingin sa akin.

"How ironic is that? Nagkagusto ka sa kapatid mo." Natatawang saad nya.

"Psh! Eh kasi naman hindi ko alam na may kapatid ako. Tsaka sobrang bait kasi ni Zin, madaming bagay akong hinahangaan sa kaniya." Ngumiti naman s'ya.

"Dati sobrang baba ng tingin ko sa kaniya, isang walang modo, bastos at walang nagagawang mabuti. Pero ngayon, ang taas ng tingin at respeto ko sa kaniya." Nakangiting saad n'ya.

"Kung nandito si Zin at s'ya mismo nakarinig n'yan, sobrang tuwa n'on. Baka ipagyabang n'ya pa." Natatawang saad ko.

"Sus kumain ka na nga!" Ngumiti ako at tumango.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain.

"Mag bi-birthday na si Daniel this coming Saturday." Saad ni Trina matapos punasan ang bibig mg tissue.

"Hays ano ba yan! Magbibirthday na bestfriend ko wala ako doon." Saad ko habang inaayos ang sarili.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon