CHAPTER SEVENTY-ONE

149 7 0
                                    

KYLE'S POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabalik sa Mansion ni Zin, masyado akong hapit sa trabaho ni pagkain ko ay nakakaligtaan ko.

"Kyle, don't push yourself too much. Mag-aalala si tita lalo na si Zin. Look at you, you look stressed." Saad ni Matt, napabugtong hininga naman ako.

"Gan'on talaga pag doctor, malapit ng matapos ang training ko magiging ganap na doctor na ako." Saad ko.

"I'm happy for you, but take care of yourself." Saad n'ya, tumango ako ngumiti.

Nasa cafè kami ngayon, it's sunday at pahinga ko.

Inaya ako ni Matt na kumain sa labas dahil nag-aalala s'yang hindi na ako kumakain.

"I can take care of myself, I just put the patient first." Saad ko, napailing naman s'ya.

"Look at you, you're growing up. Parang kailan lang lalampa-lampa ka, pero ngayon sumasagip ka na ng buhay ng iba. I salute you Dr. Domingo!" Natawa naman ako sa inasta n'ya.

"Salamat Engr. Mcconaughey." Natawa naman s'ya.

"So kamusta kayo ni Trina?" Tanong nito na ikinatigil ko saka yumuko.

Magmula noong umalis sila at nagsimula ang training ko ay hindi na kami muling nagka-usap ng ayos.

Lagi kaming nagtatalo, marahil ay hindi n'ya naintindihan ang propisyon na pinili ko.

"We're not doing good, we always fight because I can't give her enough time. Lagi kong pinapaliwanag sa kan'ya ang trabaho ko, hindi n'ya maintindihan." Narinig ko namang bumugtong hininga si Matt.

"Everything is going to be alright, si Trina yun eh. Patay na patay ata sa'yo yun." Natawa naman ako ng bahagya, nalaman ko din kasi na si Trina pala ang paulit-ulit na nagpadukot sa'kin noon.

"Sana nga hindi s'ya bumitaw kahit ganito. Anyway kamusta si Zin? Hindi ba ay nadistino ka sa Switzerland para gumawa ng bahay ni Zin? Pagkakaalam ko rin ay parating na ang kaarawan mo?" Napangiti naman s'ya bago magsalita.

"This coming month ako lilipad, baka isama ko sila Drake. Ikaw? Hindi ka sasama? Isasama ko din sina Marife kung sakali." Saad ni Matthew.

"Baka naman mapahamak si Zin pag sabay-sabay tayong aalis. Inaalala ko lang kalagayan n'ya baka masundan s'ya, isa pa ay marami akong ginagawa sa hospital hindi ako basta-basta makakaalis." Saad ko, nagpatango tango naman s'ya.

"Uuwi na sina tita ngayon, may makakasama ka dito pag umalis kami. Tita said, gusto ka nila makasama pag dating nila." Tumango ako.

"I should go, may shift pa ako mamaya." Saad ko, tumango naman s'ya at nag paalam na.

Pumunta muna ako sa memorial park para bisitahin ang puntod ni Mr.Ferro, dumaan rin ako sa flower shop.

'Ian Trade Ferro
Born on April 23, 19**
Died in February 01, 20**
Loving Father and son.

"Mr. Ferro, marahil ay hindi ka na nabibisita ni Zin. Pero sigurado naman akong hindi ka naalis sa isip n'ya. Sayang lang kasi, hindi mo man lang naabutan ang pagbubuntis ni Zin." Malungkot na saad ko.

"Gabayan mo ang kapatid ko Mr. Ferro, mukhang nalalagay na sa panganib si Zin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa kan'ya." Nakangiting saad ko, saka tumayo.

Sumakay ako sa kotse ko, naramdaman kong may nakasunod sa'kin pero kinalma ko lang sarili ko.

Nagulat ako nang bigla akong lagpasan nito at huminto sa harap ko, agad kong hininto ang kotse ko.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon