CHAPTER EIGHTY

143 7 0
                                    

MONRICK'S POV

'She's so happy playing with Lee, I cant take that away from her.'

"Look how happy she is." Saad ni Daniel habang nakatanaw kay Zin na nilalambing ng pusang si Lee.

Nilingon ko naman s'ya at hindi ko mapigilang matawa.

"What so funny?" Takang tanong n'ya.

"You look adorable, balot na balot ka ngayong summer ah." Pang-aasar ko pa sinamaan n'ya naman ako ng tingin na lalong ikinatawa ko.

"Shut up!" Inis na singhal n'ya sa'kin.

"Monrick! I want to talk with Kyle, namimiss ko s'ya eh!" She said childishly, tumango naman ako at dinial ang number ni Kyle.

"Hello? Kyle! Gusto kang makausap ni Zin." Nakangiting saad ko.

"Hello sir? A nurse po ito." Nagtaka naman ako.

"Ah gan'on ba? Nas'an pala si Kyle?" Tanong ko dito.

"Ah sir, si Mr. Domingo po ay under in a operation nagkaroon ng aksidente kanina kasama ang girlfriend n'ya na may tama ng baril. Ang pagkaalam ko po ay critical ang lagay nilang pareho lalo na po si Ms. Ferro dahil malapit sa puso s'ya nabaril while mr. Domingo naman has a major injuries and it can lead him to coma." Paliwanag niya, hindi ko na nagawang umimik.

Gulat na gulat akong tumingin kay Zin, nangungunot ang noo n'ya.

"Sir?" Binaba ko ang tawag saka sinabunutan ang buhok ko.

"Monrick! What happened?" Tarantang tanong ni Zin, agad naman akong kumalma.

'Hindi kita dapat pag-alalahin Zin..'

"W-Wala, next week babalik ako sa Pinas. Kailangan kong bisitahin sila nanay baka kailangan nila ako doon, Daniel. Ikaw na ang bahala sa kanila, ingatan n'yo si Zin." Saad ko, lahat naman sila ay naguguluhan sa pinagsasabi ko.

"Monrick." Sa tono ng pananalita ni Zin na yon at agad na sumibol ang takot sa buong pagkatao ko.

"Zin, I'm serious! I-I have to visit them." Saad ko, nawala ang expression ng mukha n'ya. Blanko.

"I-I don't really like it when she shows that kind of expression. It reminds me the times when mr. Ferro died, she always wear that expression." Bulong ni Daniel sa gilid ko habang takot na nakatingin kay Zin.

"One last question Monrick, kilala mo ako hindi mo ako basta basta maloloko." Nanindig naman ang balahibo ko sa mga katagang binitawan n'ya, pero nanaig pa din sa'kin ang takot na baka mapahamak s'ya.

"Si Monica ang nakasagot ng tawag, ang sabi n'ya ay sinugod si tatay sa hospital." Deritsyong saad ko, seryoso n'ya akong tinignan sinusuri ang bawat kilos ng katawan ko.

Nagbago ang expression n'ya para naman akong nabunutan ng tinik.

"Can I come?" Tanong n'ya, napa-poker face naman ako.

"No! It's too dangerous." Saad ko, ngumuso naman s'ya at nag crossed arm.

"Jeanine, sumama ka kay Monrick. I have a project for you." Saad n'ya, taka namang tumingin si Jeanine kay Zin maging ako.

"What is it?" Tanong ni Jeanine, ngumisi naman si Zin saka bumulong sa kaniya.

Nanlaki ang mata ni Jeanine na ikinakunot ng noo namin ni Daniel.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon