CHAPTER EIGHTY-ONE

137 8 0
                                    

ZIN'S POV

'Something is not right, I knew from the start they're hiding something from me.'

"Zin, mas magiging ligtas kung mananatili ka dito." Saad ni Matthew.

"Alam ko may tinatago kayo sa'kin, hindi ko hihilingin na sabihin n'yo dahil ako mismo ang aalam n'on!" Singhal ko sa kaniya.

"Zin please! It's not the right time para kumilos ka. Isipin mo yung anak mo! Pag may nangyaring masama sa'yo pati s'ya madadamay, s'ya na lang ang ala-ala mo kay Janver." Natigilan ako sa sinabi n'ya saka namuo ang luha sa mata.

"Zin, nandito kami. Gagawin namin ang lahat para sa'yo." Tinignan ko s'ya, nakikita ko ang takot at pangamba sa mata n'ya.

"At gagawin ko ang lahat para hindi kayo mapahamak Matthew, hindi ko hahayaan na may mangyari sa inyong masama para lang mapanatili n'yong ligtas ako. Hindi ko kakayanin Matt." Tuluyan ng tumulo ang luha ko, nakatitig lang s'ya sa'kin at hindi makasalita.

"Zin..." Yun lang lumabas sa bibig n'ya.

"Zin mas okay siguro kung hihintayin muna natin ang sasabihin ni Monrick bago tayo kumilos. Baka kasi hindi lang isa ang mapahamak pag nagpadalos dalos tayo." Saad ni Jeanine, tinignan ko s'ya.

Sa puntong yun ay naisip kong tama s'ya.

"Sige, tapusin mo ang kontrata mo dito Matthew. Babalik ako ng Pinas matapos kong ipanganak ang magiging anak ko." Saad ko, nabuhayan naman sila sa sinabi ko.

"Thank you Zin." Niyakap n'ya ako at tumango naman ako.

"Ipangako mo Matt, ni-isa sa inyo ay hindi mapapahamak. Ipangako mong walang malalagas dahil sa oras na malaman kong may napahamak sa inyo, ako mismo ang dadala ng impyerno sa may pakana ng lahat mg ito." Seryosong saad ko, natahimik naman silang lahat at hindi kumibo.

"Zin..." Saad nilang tatlo habang titig lang sa'kin.

Tumayo ako at tumalikod, bumugtong hininga ako saka nagsalita.

"Susunod ako sa usapan hanggat wala akong mababalitaan na may mapapahamak sa inyo, sa oras na malaman kong itinatago n'yo sa'kin ang nangyayari sa iba gusto kong maghanda kayo dahil ako mismo ang haharapin n'yo." Yun lang sinabi ko saka tumuloy sa paglakad papunta sa kwarto.

Pagkapasok ko ay humiga ako, agad namang tumalon si Lee sa higaan at humiga sa leeg ko.

"Lee." Pagtawag ko dito.

"Meow." Tanging tugon n'ya.

"Tingin mo babalik pa si Janver?" Tanong ko dito na para bang sasagutin ako.

"Meow." Tinignan ko s'ya pero dinilaan n'ya lang ilong ko.

"Masakit yun ah!" Singhal ko sa kan'ya nang maramdaman ang gaspang ng dila n'ya.

"Stay with me okay?" Saad ko dito, pero dinilaan n'ya ulit ang ilong ko na ikinatawa ko.

"Mag s-shoping tayo mamaya, gusto mo ba yun?" Tanong ko dito, humiga lang s'ya sa leeg ko at hindi na tumugon.

Nagising ako nang marinig ang sigaw ni Jeanine sa sala.

Agad ko itong tinungo at sumunod naman sa'kin si Lee.

Paglabas ko ay si Daniel ay nag va-vacuum ng sahig habang si Jeanine naman ay tinuturo ang dumi na nakikita n'ya.

Natawa naman ako sa kanila, tumikhim ako na ikinaagaw ng atensyon nila.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon