CHAPTER NINETY-NINE

137 8 5
                                    

DANIEL'S POV

"Ano, ano... Ang gwapo-gwapo ng bata na yan manang mana kay dadi Daniel ano?" Saad ko habang nilalaro si Justine tawa naman ito ng tawa sa ginagawa ko.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo, anong gwapo? Saan banda? Hindi pa nakakaintindi yang bata nagsisinungaling ka na!" Napasimangot naman ako sa sinabi ni Kyle.

"Shut up! Make your own baby!" Inis na saad ko sa kaniya saka binalik ang atensyon kay Justine.

"Bakit?! Iyo ba yan ha? Napakadamot mo! Sinabi ng pakarga eh." Inis na saad n'ya pero dinilaan ko lang s'ya na lalong ikinasimangot ng mukha n'ya.

"Hihintayin natin si tita Zill ano? Maglalaro kayo ni tita Zill mo." Saad ko.

"Dinaig mo pa sa pagiging mommy si Zin! Kulang na lang hindi mo na ibigay sa kaniya." Saad ni Matthew.

"I just really adore this cutie little man." Saad ko habang pinipisil ang mataba nitong pisnge.

"Where's Zin?" Tanong ni Jeanine.

"She's asleep, iyak ng iyak si Justine kanina kaya kinuha ko." Saad ko.

"Sus kahit naman hindi umiyak si Justine kukunin mo pa rin." Nakangiwing saad ni Jeanine.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito sila tita Monica.

"Justineeeeeee!" Masayang saad ni Marife pero agad ko itong nilayo.

"Ano ba?! Namumuro ka na ha!" Inis na saad n'ya.

"Gumawa ka ng baby mo!" Saad ko saka nakatayong inuuyog sa braso ko si Justine.

"Tss, kinuha mo na naman si Justine sa crib n'ya." Biglang saad ng isang babae sa likod ko.

"A-Ah hehe, umiiyak kasi s'ya kanina kaya kinuha ko." Saad ko.

"Mamaya mapapagkamalan kitang kidnapper sa ginagawa mo, akin na si Justine!" Inis na saad n'ya, agad ko namang inabot sa kaniya si Justine saka napakamot sa ulo.

"Mam..mama..." Gulat kong tinignan si Justine na nagsalita habang pinipisil ang mukha ng ina n'ya.

"His first word o-m-ggggggggg!!!!!" Pagtitili ni Jeanine.

"What did you call me? Mama? Say it again!" Masayang saad ni Zin.

"M..Mam...blu..blu..." Natawa naman kami ng bigla n'yang laruin ang labi n'ya.

"He's a tricker." Natatawang saad ni Troy.

"Zill! Come to Dadi Daniel, my dearest child is with her dangerous species mother." Saad ko saka binuhat si Zill.

"What did you just say?!" Inis na saad ni Zin, nilingon ko s'ya saka ngumiti.

"Hehehe, nothing! I said your pretty. Right Zill?" Baling ko kay Zill, napailing naman si tita.

"You're so heavy little Zill, you literally look like your dumb brother." Saad ko dito saka nilaro ito.

"Hoy! Yang bibig mo wag sa harap ng bunso ko Daniel!" Inis na saad ni Kyle pero 'di ko s'ya pinakinggan.

"Say pogi si kuya Daniel." Saad ko nagsi-ngiwian naman sila sa sinabi ko.

"Hindi pa nakakabuo ng salita ang anak ko Daniel kaya wag mong asahan na mailalahad n'ya lahat ng salitang yan." I smiled awkwardly.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon