CHAPTER SEVENTY-THREE

138 6 0
                                    

MONRICK'S POV

"Matt? Sinabihan ko na yung magpapanggap na client mo." Saad ko sa telepono.

"Thanks Mon, anyway si Mia ang isasama ko p'wede mong sunduin si Marife para mabisita si Zin." Saad n'ya.

"Yeah sure, make sure na hindi mawawala sa tingin mo yang secretary mo." Saad ko.

"I'll make sure, take care of Zin." Saad n'ya, saka binaba ang tawag.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Zin na kumakain ng Cheetos kasama si Jeanine.

"Monrick! Can I come?" Tanong ni Zin, lumapit ako sa kaniya.

"Of course... No." Agad naman sumama ang tingin n'ya sa'kin na ikinatawa ko.

"Tsk! Nakakainis na ha! Pati ba naman ngayon bawal akong umalis!" Inis na saad n'ya.

"Alam mo namang pinaghihinalaan namin ang secretary ni Matt, you can't meet him. It's for your own safety. Jeanine come with me okay?" Tumango ito saka ako bumaling kay Zin na parang bata na nakanguso.

"Daniel is with you." Saad ko umirap naman s'ya.

"That stupid? He's scared of me. Ayaw nga lumapit sa'kin kala mo papatayin." Inis na saad n'ya, napatawa naman ako saka tumayo at tinungo ang kwarto ni Daniel.

*Knock*knock*

Binuksan n'ya ang pinto at tumingin sa'kin na nagtataka.

"Stay with Zin, aalis kami ni Jeanine. Don't let her out. Pag yun naka-alis sinasabi ko sa'yo dudurugin ko lahat ng organs mo." Agad naman na nanlaki ang mata n'ya saka lumabas ng kwarto at tumabi kay Zin.

"We're going." Tumango naman sila pareho, lumabas na kami ng building saka tinungo ang hotel na tinutuluyan nila Matt.

"Why the hell did they get a hotel instead of condo? Magtatagal sila dito di'ba?" Maarteng saad ni Jeanine.

"I don't know, and I don't care." Walang ganang saad ko.

"Tingin mo? Sinong nasa likod lahat ng kababalaghang nangyayari satin?" Biglang tanong n'ya.

"I have no idea about this fucking shit." Saad ko saka ipinarada ang kotse sa harap ng hotel.

Nakita ko si Matt at ang secretary n'ya na palabas ng hotel.

Tuluyan na silang sumakay sa kotse at umalis, bumaba na kami at pumasok sa hotel.

Tinungo namin ang daan papunta sa unit nila Matt.

"Monrick! Jeanine!" Masayang saad ni Marife.

"Let's go." Tanging saad ko, saka tinungo ang daan papunta sa kotse.

"Zin is so bored at our condo, hindi naman nakakasawa ng sobrang ang mukha namin pero nagsasawa s'yang kausapin kami." Maarteng saad ni Jeanine kay Marife.

"Mapapadalas ata ang bisita ko ah, bawal ba talagang lumabas si Zin?" Tanong ni Marife.

"Bawal, nakakapanghinala ang secretary na kasama n'yo." Saad ko.

"Hays kawawa naman si Zin." Nalukungkot na saad ni Marife na ikinatawa ko ng bahagya.

Narating na namin ang pinto ng condo pagka bukas ko ng pinto ay bumungad sa'min si Zin na malaki ang ngiti, agad na nilinga n'ya ang nasa likod ko.

The Unknown Gangster Queen  B2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon