EPISODE 19
*PETER’S POV*
“Bakit nakipagkita ngayon?”, malamig ang tinig ni Jonas habang kausap ako, alam ko na sa ngayon ay isa lang ang nasa isip niya: sapakin ako dahil nasaktan ko ang taong kapwa naming minamahal. Alam ko na nagkamali ako at kung kaya lang burahin ng mga sapak at tadyak ang mga kamaliang ginawa ko ay kahit mamatay ako sa bugbog ay hiningi ko na mula sa taong kaharap ko ngayon.
Nakipagkita ako ngayong gabi kay Jonas dito sa bar dahil napagdesisyunan kong kumuha ng business units sa Singapore, ilang tambling lang yun mula dito pero kailangan kong masigurado na ok lang yung taong mahal ko. Kailangan ko lang masigurado na may mag-aalaga sa kanya habang wala ako, habang malayo pa ako.
“About Tim, I will just ask a favor from you.”, paglalakas ko ng loob na sambit sa kanya.
“E ang lakas pa pala ng apog mo e no? Ngayon e manghihingi ka pa ng pabor? Kung iniisip mo na sabihin sa akin na pakisuyuan ko si Tim na bumalik sa akin e…”
“E hindi ko na lang sasabihin sa iyo dahil alam kong hihindi ka rin naman. Nandito ako para sabihin sa iyo na bantayan mo si Tim at alagaan. Aalis ako at ikaw lang naman yung taong pinagkakatiwalaan ko kapag kapakanan na ni Tim ang usapan e.”, walang gatol kong sambit. Totoo naman kasi ang sinabi ko na siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan kung alaga lang naman kay Tim ang usapin.
“Aalis ka? E may sa siraulo ka pala e. Sinaktan mo yung taong mahal ko na baliw pa rin sa iyo tapos sasabihin mo sa akin na aalis ka? Gago ka nga!”, bakas sa mukha ni Jonas ang galit sa akin ngayon pero kasi naman yung bunganga nito e nauuna bago sa utak.
“Hindi ako aalis para iwan siya, aalis ako kasi mag-aaral ako sa ibang bansa at hindi yun panghabangbuhay; babalikan ko si Tim at sa pagbabalik ko e alam ko sa sarili ko na handa ko na siyang panindigan. ALagaan mo muna siya habang wala ako a.”, pagpapaalam ko kay Jonas at tumalikod na ako.
Nagpahabol pa siya ng bilin na kung sakali dawn a mainlab sa kanya si Tim e wala raw sisihan na tinugon ko lang ng isang ok sign. Sa totoo lang, kung mahalin siya ni Tim e malamang masaktan ako pero hindi na ako lalaban kasi alam ko naman na kaya niyang alagaan yung taong mahal ko at kung maging sila man ay alam kong gagawin niya ang lahat mapasaya lang si Tim.
Bago pa man ako makalabas ng bar kung saan ako nakipagkita ngayon kay Jonas ay isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin…
“Buti pa kay Jonas e nagagawa mong makipagkita…”, may tinig panunumbat siya sa akin.
Yumuko lang ako at ayaw kong sagutin ang sinabi niya. Ang totoo kasi e hindi ko alam kung kaya kong magpaalam sa kanya dahil baka sa pagkakataong makita ko siya e hanapin na siyang paulit-ulit ng mata ko at hindi na siya bitawan ng mga bisig ko.
“Ni hindi mo man lang ba ako titingnan? Tang ina naman o!”, nariringgan ko na ang tunog ng hikbi, isang tunog na ayaw kong marinig na nanggagaling sa kanya. Tang ina! Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Hinawakan ko ang mukha niya kasabay ng pagtingin ko rito.
“Saglit lang ako aalis at aalis ako para lang mas maging handa na harapin ang mundo na kasama ka. Saglit lang ako aalis at inaasahan ko na hihintayin mo ako.”, isang halik ang pinanselyo ko sa mga salitang binitawan ko sa kanya at sana maging sapat na iyon para maghintay siya ng dalawang taon.
Dalawang taon lang. Shit. Dalawang taon ko rin siyang di makakasama. Nagsimula ng tumugtog ang banda at kinanta nila ang isang kanta na parang nilikha para sa aming dalawa lamang.
When I go away I'll miss you
And I will be thinking of you
Every night and day just
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomanceWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.