EPISODE 7: Foolish Heart

4.4K 141 22
                                    

PETER’S POV

Ilang araw na rin ang lumilipas at habang tumatagal ay hindi na masyadong nagkakausap si Tim at yung tisoy na si Jonas kaya sigurado akong walang espesyal na koneksyon sa dalawa. Nitong mga nakalipas na araw nga ay parang bumabalik na kami ni Tim sa dati naming samahan at mukhang mas nagiging ok pa nga maliban na lang talaga kapag katext niya o kausap sa telepono si Jonas.

“Sino na naman yang katext mo?”, naiinis kong pagbati sa kanya pagkababa ko mula sa kwarto.

“Ang aga naman yata niyang init ng ulo mo.”, nangingiting pagbati sa akin ni Tim.

“Ok na ba yung breakfast?”, tanong ko sa kanya na badtrip pa rin ako.

“Bakit ka ba kasi mainit ang ulo?”, tanong pa rin sa akin ni Tim.

“Bakit kasi hindi mo pa sabihin na si Jonas yung katext mo at kaya ka ngingiti-ngiti d’yan. Hindi na ako magbebreakfast at mukhang mas priority mo pa yung pagtetext kesa ipaghanda ng almusal yung bestfriend mo!”, akmang magdadabog na ako paakyat sa kwarto ay hinawakan ni Tim ang braso ko. Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakangiti pa rin siya sa akin at tila gusto kong yakapin siya, kung saan man nanggaling iyong pakiramdam na iyon e ako man e hindi ko maintindihan.

“Handa na ang breakfast mo. Ngumiti ka naman d’yan.”, sambit sa akin ni Tim na sinuklian ko ng ngiti. Ewan ko kung anong kulam ang ginagawa nito sa akin pero nagiging ok na ako agad kahit pa isang ngiti lang ang ibigay niya. Siguro dahil bestfriend ko siya, tama, kasi bestfriend ko siya.

TIM’s POV

Sinimulan ko na ang paghahain ng almusal para sa aming dalawa ni Peter.

“Pitoy, kain na!”, nakangiting sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumugon at nagsimula ng kumain. Tahimik ang almusal na ito  dahil na rin siguro sa hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina.

Nang magtama ang mata naming dalawa kanina ay parang naparalisa ako, hindi ko alam kung bakit o paano o kung saan nagsimula pero ang alam ko lang ay may epekto siya sa akin at sa aking pagkatao.

“Tahimik ka yata. Kung dahil yan sa kanina e pasensya ka na.”, nakangiti siya sa akin at katulad ng dati ay natutunaw ng ngiti na iyon ang kung anumang inis at galit.

“Bakit ba kasi nagalit ka kanina?”

“Wala naman. Akala ko kasi di ka naghanda ng almusal dahil sa kakatext mo.”

“OA mo lang kasi.”, ngumiti na lang ako at nakita ko rin ang ngiti sa kanya.

Ilang minuto lang ay naghanda na siya sa pagpasok sa opisina samantalang ako ang nagliligpit sa bahay at naghuhugas ng mga pinagkainan. Sa set-up na ganito e hindi ko maiwasang isiping para kaming mag-asawa, este pamilya, oo, tama, magkapatid… ano nga ba itong pumapasok sa utak ko? Burahin! Burahin! Linsiyak talaga e.

“Tim! Pabukas naman ng gate!”, tawag ni Pete. Nakalimutan ko na na aalis na siya, ito naman kasing utak ko, napakaraming pakulo.

Nang mabuksan ko na ang gate ay dinungaw ko muna si Peter sa bintana para magpaalam.

“Pitoy, may lakad nga pala ako mamaya.”, nakangiti kong sabi.

“Saan ka naman pupunta?”, eto na naman ang mukha niyang pang-NBI.

“May meeting kasi ako with a potential client. Sayang naman yung kikitain ko kaya imimeet ko na lang mamaya.”

“Uhmm… saan ba iyon? Saka sinong kasama mo at anong oras ka uuwi?”, tila armallite na tanong niya.

“Tatay? Ahaha! Dyan lang sa may Quezon Ave yung venue ng meeting ko at before dinner e andito na ako dahil alam kong kailangan kitang ipagluto ng hapunan, senyorito.”, pabirong tugon ko.

COURAGE (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon