EPISODE 1:
“Tita? Isn’t it just insane?”, tanong ko kay Mrs. Sandoval, isa sa mga kaibigan ng pamilya namin na siyang pinagkakautangan rin ng mga magulang ko noong hindi naging maayos ang takbo ng pagawaan namin ng sapatos.
“Tim, I am not asking for much. I just want you to be at the apartment where my son is staying right now. Kung tutuusin nga e ang liit lang nito para maging kabayaran sa utang ng pamilya ninyo sa akin pero I don’t have the time and I don’t have anyone that I can trust except you.”, nakangiting sabi niya sa akin.
“Tita don’t get me wrong pero are you sure you want me to babysit your son?”, pag-aalangang sambit ko.
“Don’t be silly iho! Ano bang babysit? I am referring to my eldest son. Hindi mo naman na kailangang icheck mabuti yung mga needs nun pero syempre, I would want you to watch him for me.”
“Si Peter po ba ang pinag-uusapan natin dito? At anong magiging papel ko? Yaya, bodyguard o stalker?”, intrimitido kong sagot.
“All of the above. And Tim, I know that the two of you are good friends that’s why I know that it would be fine kung ikaw ang hingan ko ng pabor na ito.”, si Mrs. Sandoval.
“Kalma lang po muna tayo tita a. Kasi diba alam ninyo naman po na…”
“Na tumitikwas ang mga pinkies mo?”, pagdugtong niya sa sasabihin ko. Magmula nang pumasok ako ng kolehiyo ay alam naman na ng mundo na hindi ako straight dahil na rin sa napakagaling na anak ng ginang na kaharap ko ngayon.
“Na hindi po kami ok.”, tugon ko at unti-unting bumalik sa akin ang nakaraan.
*****FLASHBACK*****
Signing of Clearance.
Tapos man na ang high school graduation e hindi pa rin naman tapos ang pagpapahirap ng mga teachers na ang lakas makapagfeeling sikat sa pagpapahabol sa kanila para sa mailap nilang autograph. Pero bukod sa autograph na mailap e mukhang mailap din ang bestfriend ko, si Pete dahil kahit kanina pa ako nag-iikot e hindi ko pa rin matanto kung asan na nga ba.
“Uy Pete!”, pasigaw na tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa corridor ng building. Patuloy lang ito sa paglakad kahit na ilang beses ko na siyang tinawag kaya hinabol ko na lang.
“Bro, anong meron? Bakit hindi ka namamansin dyan? Suplado na?”, loko ko kay Peter nang maabutan ko siya.
“Lumayo ka sa akin. Ayaw ko nang makita ka.”, sambit niya tapos ay naglakad muli.
“Ha? Bakit naman? May mali ba akong nagawa?”, pagtataka ko.
“Wala. Nagsinungaling ka lang naman sa akin tungkol sa pagkatao mo. Niloko mo lang naman ako at pinaasa na BRO tayo.”, sambit niya na kita ang inis at galit. Isang bagay na di ko maintindihan kung saan galing.
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomanceWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.