EPISODE 2: Start of Something New

6.1K 154 11
                                    

EPISODE 2:



"Paano'ng?", tanong ko sa taong katabi ko na hindi ko alam kung paanong nakapasok sa kwarto ko.

"Pinapasok ako ng nanay mo.", sambit ni Jonas, isang kaibigan na matagal nang nagpapakita ng intensyon sa akin.

"Masyado ka nang nagiging komportable sa bahay namin a. Saka bakit ba sumisigaw ka dyan?", naiinis kong sabi habang nag-aayos ng higaan.

"Nadead kasi ako sa nilalaro ko. Badtrip talaga! Konti na lang e matatalo ko na e.", sabi niya na matindi pa rin ang tingin sa cellphone niya na nagpapanggap na gaming console.

"Kung ikaw kaya ang madeads dahil sa paggising mo sa akin.", naaasar ko pa ring sabi.

"Matagal naman na akong deads sa'yo e.", bumanat pa si loko.

"Sige banat pa. Ikaw ang banatan ko diyan e."

"Hindi kaya. Bottom ka diba?", nakangisi niyang sabi sa akin na nakapagpapula sa akin. Hindi naman sa tinablan ako pero nakakahiya kasi. Oo, nahihiya lang ako. Pero sa totoo lang e gwapo naman si Jonas; malamlam ang kanyang mga mata at mapusyaw ang kulay ng balat, meron din siyang dimples sa magkabilang pisngi at may katangkaran. Hindi ko alam kung bakit kahit maraming nagkakagusto at nagkakandarapa sa kanya e sa akin pa rin siya nag-aabang. He's been with me for the past 6 years of my life, waiting to be mine, hindi ko alam kung bakit hindi ako nahuhulog sa kanya, o hindi nga ba?

"May batang naiinlove na sa akin.", nakangiting sabi sa akin ni Jonas habang ako e nakatitig mabuti sa kanya.

"Sira! Bakit kasi hindi ka pa kasi magsyota para hindi ako ang ginugulo mo rito?", pagkukunwari ko na naiinis na ako sa kanya.

"Hindi mo pa kasi ako sinasagot."

"Puputi na lahat ng buhok mo pero hindi magiging tayo. Bawal. Ayaw ni Father niyan.", pagpapaliwanag ko sa kanya sa kung ano nga ba yung stand ko sa mga bagay na ganyan.

"I don't know but I believe that people who are deeply and madly in love with each other such as us can express our love in all ways possible.", nakangiti niyang sabi. Fine, this time e kinoconsider ko na talagang mahalin siya. He's just the perfect guy kaya lang putsa! Perfect guy din ako. Dahil sa maraming tumatakbo sa utak ko at mukhang mas marami siyang balang pansagot sa mga ibabato ko e quiet na lang ako. May punto naman siya.

"Baba na lang tayo at magbreakfast. Gutom lang yan.", pamputol ko sa kanya at para maiba na lang din ang usapan.

Tumayo ako sa kama at gayundin siya pero nang maglakad ako pasulong ay hinawakan niya ang mga kamay ko at nilapit ang katawan ko malapit sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit hindi ko magawang tanggapin kung anuman ang inaalok niya sa akin na pagmamahal, hindi kasi ako deserving sa kung anuman ang kaya niyang ibigay. Sad? Well, that's life. Bumitaw ako sa kanya at naglakad na pababa para kumain ng agahan.

Habang bumababa ako sa hagdan ay hindi ko mapigilang mapangiti sa isang pangarap na si... hay... wag na ngang umasa pa. Oo, siguro nga may laman pa ang puso kong timang kaya hindi rin makapaglagay ng bago.

Makwento ang pamilya namin tuwing kumakain, si Mama may mga kwento tungkol sa mga kaibigan at kapitbahay, si Papa naman ang bahala sa current affairs habang ang mga kapatid kong sina Serah at Cloud ang bahala sa showbiz at sports. Ako? Wala, tagakinig lang at tagabigay ng kuro-kuro pero sa umagang ito ay parang may isang bumabangko sa usapan: si Jonas. Ang kulit lang talaga niya.

"Naku po! Kapag pumunta po kayo ng Maynila e ako na po ang bahala sa inyo. May bahay po kasi kami dun.", masayang sabi niya sa pamilya ko.

"Talaga Kuya Jonas?", namimilog ang mata ng kapatid ko.

COURAGE (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon