EPISODE 3
Litrato ng mga hubad na lalaki, isang pile ng mga DVD’s na may lamang kung anu-ano tungkol sa kabadingan at kamunduhan at isang note na nagsasabing “Para kung sakaling sumpungin ka ng kabaklaan mo e hindi mo ako pagtatangkaing gapangin”. Fuck. Seriously? Ilang taong kaming naging magkaibigan at ultimo butas ng pwet niya e nakita ko na tapos ngayon sasabihin niyang gagapangin ko siya? Sira ulo na nga talaga.
Dalawang taon ko lang naman pagtitiyagaan yung ganitong buhay e. Dalawang taon… hindi isa, hindi isa’t kalahating taon… DALAWA. F*CK. Hindi ko alam kung anong masamang espiritu yung sumanib sa dati kong kaibigan pero kung may sanib nga ito e hahampasin ko na lang ng pala sa ulo para bumalik yung katinuan. Hindi rin naman talaga homophobic ang kaibigan ko, naalala ko pa nga kung paano siya magwala kapag may bading na binubully no’n kaya nagtataka ako kung bakit ganito na lang niya ako pakitunguan lalo pa’t hindi naman ako nagbibihis babae pero kahit naman kasi ako e ayokong maging ganito.
Imbes na mainis ay pinasya ko na lang na ligpitin at linisin ang mga larawan at DVD’s na nasa kwarto ko, isa-isa kong tinanggal ang mga nakadikit sa dingding at sipatin ko mang mabuti ang mga litrato e hindi ako natutuwa o nalilibugan, naeeskandalo lang ako para kay Peter dahil bumili at nagprint siya ng mga ito. A for effort. B for Bullshit siya.
Naupo ako sa kama at isa-isa kong inilagay sa cabinet at side table yung mga gamit ko, this will be my home for the next two years, nalulungkot lang talaga ako na yung taong kasama ko ngayon ay hindi na ang taong naging kaibigan ko, I guess I have to make this a “professional business”.
Kinabukasan, maaga akong nagising kaya napagdesisyunan kong magluto ng agahan, baka lang kahit paano e gumaan ang loob niya sa akin, hindi naman sa gusto kong magbago ang isip niya tungkol sa akin o sa aming dalawa pero kahit man lang sana makapag-usap kami nang hindi umiiwas ang tingin sa isa’t isa.
Nagluto ako ng itlog, hotdog at nagsangag rin ng natirang kanin mula kagabi, hindi naman ako pang-Master Chef pero mas mabuti nang may almusal na nakahanda, diba? Nakaset na ang mesa at tamang-tama ay nakababa na pala siya.
“Good morning!”, masaya kong bati sa kanya. “Kain na tayo!”, plastik mang ituring ang ngiti ko sa kanya e binigay ko pa rin.
Wala siyang imik kaya lumapit na ako sa kanya at hinawakan ko siya na tinabig niya agad. F*ck, napapahiya na ako sa sarili ko. Hinayaan ko na lang siya, bumalik ako sa kusina at nagsimula na akong kumain, matapos ang una kong subo ng kanin ay bigla siyang nagkomento, “Sarap na sarap talaga sa hotdog at itlog, tsk.”
Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang akong kumain nang maramdaman ko ang isang malakas na tapik sa noo ko, buti na lang di ako nabilaukan.
“Takte! Para san ‘yon?”, sigaw ko sa kanya tapos nakita ko na lang ang isang sticky notena nahulog mula sa noo ko.
“Huwag mo akong kausapin kung gusto mong tumagal dito. Walang kwentuhan, walang interaction”
Umakyat ang dugo ko sa aking ulo at di ko napigilang bulyawan siya, “Ano bang problema mo?”
“Ikaw. Ikaw yung problema.”, monotonous niyang sabi.
“Ano bang ginawa kong masama sa’yo?”, tugon ko.
“Just stay out of my sight, I can’t stand your presence, nandidiri ako. And by the way, I don’t eat breakfast kaya wag mo na akong yayayain kahit kailan.”, dire-diretso niyang sabi.
FLASHBACK
“Tara na! Late na tayo Pete!”, sigaw ko sa kanya. Tuwing umaga kasi e nagkikita kami sa labas ng subdivision nila para sabay pumasok.
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomanceWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.