EPISODE 16: There's No Easy Way

3.9K 122 1
                                    

EPISODE 16

*PETER's POV*

"Hello?", sambit ko sa taong nasa kabilang linya. I have to play this one cool.

"Yes Babe? Bakit wala man lang lambing?", may tono ng tampo ang tinig niya. Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya kaya nagpaliwanag na lang ako.

"Sorry Babe. Ikaw pala yan, sinagot ko na lang kasi yung phone without looking at the caller ID. Ba't ka nga pala napatawag?", sambit ko.

"Let's have dinner later? Pauwi na ako ng Manila e." , parang may pusang tumalon sa dibdib ko. Anak ng tokwa naman ito o!

"Sure. See you later Babe.", pagsabi ko sa kanya.

"See you later . Anyway, boarding na ako. I love you!"

"I---"

--end call--

Hindi ko na nga kaya siya mahal at maging ang salitang palaging lumalabas sa bibig ko e hindi na rin lumalabas ngayon?

Umupo ako sa may kama, sa kama na pinagsaluhan namin ni Tim kagabi. May saya na nararamdaman ako pero kasabay nun ay ang pag-aalala sa akin, alam ko naman talaga na dapat hiwalayan ko na si Abby pero natatakot rin ako na baka fleeting feeling lang ito na paggising ko bukas o mamaya e hindi na niya ako gusto at ganun din ako sa kanya. O baka naman kasi hindi namin kayang mapangatawanan ang mga bagay bagay sa pagitan namin dalawa.

"Akala ko ba kakain na tayo, bakit nandito ka pa?", si Tim na biglang iniluwa ng pinto habang nag-iisip ako.

"Tinapa! Bakit ka ba nanggugulat dyan?",pagsaway ko sa kanya.

"Nanggulat? Siguro may iniisip kang masama kaya ka nagiging magugulatin no?"

"Asa boy. Tara na nga at kumain bago ikaw ba ang makain ko dito.", biro ko sa kanya sabay pisil sa pwet niya. Hindi naman ako manyak sa ginagawa kong panyanyansing di ba?

Matapos naming kumain ay natulala na naman ako, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihing quit na, tama na at wala ng patutunguhan ang relasyon namin ni Abby. Nasa isip ko rin ang sa amin ni Tim, isang pag-ibig na bagaman tama sa pakiramdam ay alam kong mali sa mata ng tao at ng Diyos, ewan ko ba dito sa utak ko.

"Pendong!", biglang batok sa akin ni TIm. Ang weird niya ngayon dahil parang ang saya saya niya, epekto ba ito ng bagong dilig?

"Para saan yang pendong pendong mo diyan? Gusto mo e pendongin kita?", nakangisi kong sabi sa kanya. Tapos ay hinablot ko siya pero nagtatakbo si loko. 

"Hindi mo ako mahuhuli!", natatawa niyang sabi.

Nagtakbuhan kami sa loob ng apartment na parang bata at walang iniintindi kung hindi sarili namin. Nang mapagod sa paghahabulan ay napahiga kami sa sahig, ang mga kamay ay nakadipa at ang mga ulo naman ay nakasandig sa bisig ng isa't isa.

Hingal lang ang naririnig ko mula sa kanya at ilang saglit pa ay ang tahimik niyang paghinga, isang indikasyon na nakatulog siya sa braso ko. Nilingon ko siya para tanawin at titigan, sa pagkita ko sa kanya, alam kong tama ang mga desisyong gagawin ko, alam kong dapat kong ipaglaban ang taong mahal ko... ang taong nasa tabi ko.

.

.

.

.

Candle-lit dinner. Sweet violin music. By the bay restaurant.

This feel could pull off a perfect marriage proposal but no, I am not here for that. I am here to break my girlfriend's heart.

COURAGE (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon